Chapter 50 “Good morning!” bati ni Cameron sa dalagang si Luna. Nakabantay siya rito dahil hindi pa rin maayos ang pakiramdam ng dalaga. Magdamag itong umiyak dahil sa pagkawala ng ina. Ang kapatid nitong si Emily ay hindi rin magkamayaw sa pang-aalo sa dalaga. Ngumiti lamang ng pilit si Luna nang mabungaran ang maamong mykha ng binata. Pansin niya ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito. Medyo pumayat din ito sa kanyang paningin. Malungkot na ngumiti si Luna. Inabot niya ang kamay ng binata at marahan itong pinisil bilang pasasalamat. Pumikit siya nang mariin. “Thank you for being here,” sensero niyang saad. “Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko ngayon. Mababaliw na yata ako,” madamdaming usal ni Luna. Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Pag

