Chapter 51 Lumipas ang ilang araw ay nakatanga lang si Luna sa harap ng kanilang bintana. Nagtulong-tulong ang mga mamamayan upang magawan sila ng bahay. Maliit man iyon ay napakalaking tulong na iyon para sa kanila. Unti-unti rin ay gumagaling na ang paa ng kanyang kapatid na si Emily. Napatingin siya sa labas ng bintana. Hindi pa siya nakontento at lumabas siya ng bahay. Tumayo siya nang tuwid sa veranda at tiningala niya ang langit. Nag-angat siya ng kamay at pinakatitigang mabuti ang nakakalulang tanawin. Para bang sinasabi ng mga ulap na nasa maayos na kalagayan ang kanilang ina. Bigla siyang naging emosyonal. Bumuntonghininga si Luna upang mapalis ang pagsikip ng kanyang dibdib. Surely, she missed Nanay Esme. Luna wanted to talk to her yet she's not permitted to because of th

