Chapter 68 DUMAAN ang ilang oras at hindi pa rin nakakauwi ang binatang si Cameron. Labis na ang pag-aalala ni Luna habang naghahanda siya ng kanyang sandata bago lusubin ang pugad ng mga kalaban. Kanina pa niya hinihintay ang binata na makauwi ngunit gumagabi na at wala pa rin ito. Hindi na siya mapakali. Kailangan nigang hanapin ito ngunit hindi naman niya alam kung saan nagtungo ang binata. Nagpaalam ito sa kanyang may gagawin ngunit hindi niya alam kung saan iyon. Kaagad niyang isinukbit sa kanyang balikat ang kanyang nagawang sandata. Gawa iyon sa tanso kaya puwede itong pang-depensa sa sarili kapag dumating ang panahong mapapahamak siya. Kaagad siyang lumabas. Bitbit niya ang isang ilaw sa kaliwang kamay upang may makita siya sa daan. Tinawag niya ang pangalan ng binata. Walang

