Chapter 69 “Cameron . . . Ayos ka lang ba?” tanong ni Luna pagkatapos niyang gamutin ang sugat ng binata. Hidni ito kumikibo. Kanina pa ito hindi nagsasalita. Marahil ay malalim ang iniisip ng binata. “i just can’t believed it,” usal ng binata paglipas nang ilang minuto. Hindi ito lumingon sa kanya. Pansin niyang nanginginig pa rin ito sa galit. “He's my trusted friend. Hindi ko inisip na magiging pain siya para lang makuha ako,” dagdag na wika ng binata. Bumuntonghininga si Luna. “Ako rin naman,” aniya. “Itinuring ko siyang pamilya dahil unang-una, kaibigan mo siya. Pangalawa, nobyo siya ng kapatid ko,” malungkot niyang dagdag. Hindi niya inakala na ganoon kalala ang ginawang pagtraydor ng binata. Bumalik sa kanyang alaala ang mga panahong kasama nila ito. Halos hindi nito maiwan-

