Chapter 70 Dumaan ang umaga na banayad ang paghinga ni Ivan. Hindi niya namalayang may nakatitig pala sa kanyang magandang dilag buong magdamag. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon nang maaninag ang maganda at maamo nitong mukha. “S-Sino ka?” nagtataka niyang tanong sa dalaga. Hindi niya ito kilala. Pinakatitigan niya ang babae at pakiramdam niya ay pamilyar ang mga mata nito. Napansin niyang tumaas ang sulok ng mga labi ng dalaga. “Good morning! How's your sleep?” tanong nito sa kanya. Natigilan ang binata at hindi niya mapigilang mapatitig sa magandang mukha ng babae. “A-Ayos lang,” aniya. Kaagad siyang napangiwi nang maramdaman ang masakit niyang katawan. “Medyo masakit lang ang katawan ko,” kuwento niya pa. Tumango-tango ito. “Are you ready?” maarte nitong tanong sa kanya. N

