Chapter 71 “You traitor!” Umalingawngaw sa buong dungeon ang sigaw na iyon ng dalagang si Emily. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa nalaman. Nagngingitngit ang kanyang looban. Hindi niya inaasahang hahantong sa pag-aaway ang relasyon nila ng binata. Mapait siyang ngumiti. “I will never forgive you!” tiim-bagang niyang saad. “Isa kang salot!” singhal niya pa sa binata. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito. Umuusok sa galit ang ilong ng binata at gusto ghost na nitong makalapit sa kanya. Suminghap si Emily habang nag-uunahan sa pag-agos ang kanyang mga luha. Umiling-iling ang dalaga. Narinig niyang tumawa ang dalagang si Fresia ngunit ito binalingan ni Emily. Itinuon niya ang paningin sa nobyo. “Well, why don’t you talk first,” narinig niyang suhestiyon ng dalaga. Tuma

