Chpater 52 LORENZO ”Kumusta ang pakiramdam mo at ang baby nasa sinapupunan mo?’’ tanong ko kay Katrina. Narito ako ngayon sa hospital at dinalaw siya. Narito rin si Mr. Lee. Lumabas lang ito saglit upang asikasuhin ang bills ni Katrina sa hospital. Lalabas na rin kasi ito bukas ng umaga. “Heto, okay na. Healthy naman ang baby. Kumusta na kayo ng bruha mong asawa? Hindi ko lubos maisip kung paano mo minahal ang bruha na iyon, subalit hindi ko rin siya masisi kung ano ang iniisip niya paglabas natin sa opisina mo. Syempre, naging ex-girlfriend mo ako.” Ngumiti ako sa sinabing iyon ni Katrina. Mabuti na lang talaga malawak ang unawa niya. “Matapos kitang isugod dito sa ospital dinala ko siya sa Isla ni Enrico. Doon nagkaalaman kami ng nararamdaman namin sa isa’t isa. Nagseselos nga si

