Chapter 53 SHANY "Ew! Ang baho at nagkalat ang dumi ng baboy mo, Shany. Ano ba 'yan ayaw ko maglinis, duh!" protesta ni Patricia nang pumasok kami sa silid namin ni Lorenzo. "Oink oink oink oink." Tuwang-tuwa si Piglets nang makita ako. Bumangon ito sa kama at tumalon sa sahig. "Huwag ka nga maarte riyan, Patricia. Kasalanan mo ito dahil kung hindi mo ako niyaya, eh 'di sana hindi ako nakatikim ng sermon sa kapatid mo. Bilisan mo na. Damputin mo na ang dumi ni Piglets." Tinaaasan pa ako nito ng kilay at inirapan. Hinawakan ko naman ang tali ni Piglets para paliguan siya sa banyo. Gumiling-giling kasi ito sa dumi niya. "Yak! Ayaw ko nga! Kaya nga ayaw ko mag-alaga ng pets, eww!" nandidiri pang sabi ni Patricia. Tinakpan nito ang kaniyang ilong. "Eh, ano ang gagawin natin diyan? Sig

