Chapter 66 Shany Dahan-dahan na tumatakbo si Lorenzo sa gym sa loob ng subdivision. Iniikot-ikot niya ng takbo ang oval. Habang ako naman parang pato sa paglalakad dahil sa laki ng tiyan ko. Marami ang nagjo-joging. Dahan-dahan lang ang mga lakad ko dahil nakakahingal din at baka manganak ako na wala sa oras. Pinagmamasadan ko ang mga babae na nag-joging. Ang sexy ng iba. Ang iba naman matataba. Hindi kaya napapangitan sa akin si Lorenzo? Pakiramdam ko kasi parang hindi niya ako gusto. Nakaramdam na ako ng pagod, kaya naupo na muna ako. “Shany!’’ Lumingon ako sa baretonong boses na tumawag sa akin. Isang lalake na malawak ang ngiti ang lumapit sa akin. “Kumusta ka na? Buntis ka?’’ sunod-sunod nitong tanong. Iniisip ko kung saan ko ito nakita. Napangiti ako nang maalala ko siya. “C

