Chapter 67 SHANY Nasa dining area kami at kumakain. Napilitan kumain si Lorenzo nang dumating sina Allysa at Claris. Nakaupo kaming apat sa harap ng lamesa, subalit ang masakit si Claris ang pinatimpla ni Lorenzo ng kape niya. Okay lang naman iyon sa akin dahil iyon ang nakasanayan niya. “Bakit mo iniwanan si Tatang, Claris? Nagising na ba siya?’’ sunod-sunod na tanong ni Lorenzo kay Claris, habang masarap itong kumakain. “Oo, nagising na si Tatang. May nurse naman na nagbabantay sa kaniya. Dinaanan ako ni Allysa at ni Sir Gabriel sa hospital kanina, kaya sumama na ako,’’ sagot ni Claris sa asawa ko. “Saan ka ba pupunta at nakabihis ka?’’ tanong pa ni Claris kay Lorenzo. “Pupuntahan ko sana kayo ni Tatang sa hospital. Sasabay na rin sana ako sa pagkain sa inyo ni Tatang,’’ daretsahan

