Chapter 64 Shany Dahan-dahan akong lumapit sa kama habang mahimbing na natutulog ang aking asawa. Naupo ako sa gilid niya at pinagmasdan ang guwapo niyang mukha. Hindi ako makapaniwala na buhay siya at kasama ko na siya ngayon. Manganganak ako na kasama ang asawa ko. Hinaplos ko ang buhok ni Lorenzo at hinagkan iyon. Hindi man niya ako maalala ang mahalaga buhay siya. Naguguluhan lang siya, kaya sinabi niya kanina na hindi niya pa ako mahanap sa puso niya. “Akala ko hindi na kita mahahawakan pa. Akala ko hindi mo na masisilayan ang mga anak natin. Lorenzo, lahat gagawin ko para hindi mo pagsisihan na naging asawa mo ako.” Tumulo na ang mga luha ko, kaya tumayo na ako dahil baka magising siya. Bumaba ako at pinuntahan si Ate Divina. “Ate, puwede bang tumawag ka ng maglilinis ng po

