Chapter 63 ELIAS/LORENZO Pumasok kami sa silid namin ng asawa ko raw. Hanip, unang pasok baboy agad ang nakita ko. Nakahiga ito sa kama. Nakataas ang kilay ko dahil ang alam ko sa kulungan nakatira ang mga baboy, pero dito pala sa bahay na ito nasa kuwarto ang baboy at may aircon pa. “Siya pala si Piglets. Pasensya ka na dahil simula noong nawala ka si Piglets ‘yong katabi ko,” sabi pa nito. Marahil napansin niya ang pagtingin ko sa baboy. “Okay, lang,’’ tipid kong sagot sa kaniya. “Pwede bang maligo na muna ako dahil malagkit ang katawan ko. Kahapon pa ako hindi nakapag-bihis,’’ malamig kong wika sa kaniya dahil kahapon pa talaga ako hindi nakapag-bihis. Pagdating kasi namin kahapon sa bahay iyon agad ang nabalitaan namin na nataga raw si Tatang. “Sige, naroon ang banyo. Ihanda ko

