Chapter 58 SHANY Pagkapatpos kong dalawin si Kuya nagtungo ako sa silid ni Katrina kung saan siya nanganak ngayon. Masaya akong sinilip siya sa salamin ng pintuan habang nasa gilid niya ang kaniyang anak. “Pasok ka, Mrs Anderson,’’ yaya ni Mr. Lee at binuksan ng malawak ang pintuan ng silid ni Katrina. Tumingin sa akin si Katrina. Lumapit ako sa kaniya at tipid na ngumiti. “Comngratulations.” Iyon lang ang nasabi ko at nagtutubig na naman ang mga mata ko. Pinagmasdan ko ang anak nila ni Mr. Lee na muntik ng mapahamak dahil sa ginawa ko noon. Ngumiti si Katrina sa akin ng matamis. Hinila niya ang kamay ko saka pinalapit niya pa ako sa kaniya. “Congratulation din dahil magiging ina ka na rin. Kung nandito lang si Lorenzo, tiyak na matutuwa iyon dahil magkakaroon na kayo ng anak na mat

