Chapter 8

3010 Words
Chapter 8 “Nics!” Natutuwang bati ni Eli kay Niccolo ng makita ito pagkatapos yakapin ang anak. When I look at him, he is just standing there. He is looking Eli with admiration, happiness and at the same time longing. Seeing those emotions in his eyes, it makes me want to burst into tears but I’m restraining myself. I don’t want to cause a scene because I can tell that this is the first time they see each other again after so many years. “Eli…” Halos pabulong niyang bigkas sa pangalan ng babaeng aming kaharap. My heart is breaking into gazillion pieces, the way she calls her, the most lovingly tone I’ve ever heard from him. Right there and then, I know, Eli’s the one who still holds his heart. He didn’t bother to try to take it back and to move on from her.  “Kayo ang nakakita kay Miggy?” Masayang inakay nito ang anak papalapit sa amin. I took a step back ng lumapit sya kay Niccolo tsaka niyakap ito. It seems like I am watching a film reeling in front of me, when the hero and the heroine meet each other after fighting back their trials, a perfect love story indeed. “Y-yeah. Y-yes.” He stammered. Mahina pa akong natawa ng pagak. He’s such a teenage boy na akala mo ay nahuli ng kanyang crush. “Thank you.” Magiliw itong humiwalay sa pagkakayakap kay Niccolo. “Ang kulit kasi nitong si Miggy eh, sabi ko ng huwag lalayo tumakbo takbo hanggang sa hindi ko na mahanap.” Paliwanag pa nito. “Sorry mom, but I want chocolates.” Sabat naman ng bata. “Okay but next time wait for me. You made me worry too much.” Nilingon ni Eli ang kanyang anak. “What will you say to tito Niccolo and…” Lumingon siya sa gawi ko ng may ngiti sa mga labi. My presence is not that important na ngayon nya lang ako napansin. “Carrie.” Tipid akong ngumiti. Nakauwang ang labi niyang nag-angat ng kamay para ituro ako as if there is something hit her. “You. Carrie, Louise’ bestfriend right?” Nagpalipat lipat ang tingin nito sa akin at kay Niccolo. Marahil nagtataka kung bakit kami magkasama. “Yeah.” Ngumiti ako at bahagyang tumango. Pilit na itinatago ang sakit na aking nararamdaman. I waited for him to butt in and tell Eli my new role in his life. That I am not just his sister’s bestfriend, but nada. Wala ni katiting na pagpapakilala ang namutawi sa kanyang mga labi. “Thank you, Carrie, Nics. Anyway, san ba kayo tumutuloy? Ihahatid na namin kayo makabawi manlang sa pangungunsumi ng cute na batang ‘to.” Tukoy niya sa anak. “No need. Malapit lang naman kami, sa Camilla Resort lang kami nagsstay and may dala syang sasakyan.” Itinuro ko pa si Niccolo na hindi natitinag sa pagtinggin kay Eli. “Sure ba kayo? Magkatabi lang pala tayo ng resort na tinutuluyan. Vincent has a seminar there kaya napasama kami ni Miggy.” Pagtukoy nito sa asawa. Pano ko nalaman? Of course, I stalked her way back.  “Yup. Okay lang talaga at wala ring anoman buti nga at kami ang nakakita kay Miggy.” Inabot ko ang buhok ng bata at ginulo iyon ng bahagya. “Maraming salamat talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may ibang nakakita o worst nakakuha sa anak ko. Promise babawi ako sa inyong dalawa. But we have to go nandyan na daw kasi si Vincent sa labas.” Tila nagmamadali naman nitong paalam. “No need. Okay na yon. Go ahead baka naghihintay na sa inyo yung husband mo.” “Yeah. Sige basta babawi ako. Salamat talaga.” Bigla niya akong nilapitan at niyakap matapos ko ay ni Niccolo naman ang kanyang binalingan at ginawaran din ng yakap. “Sige we’ll go ahead. Miggy?” “Thank you po tita ganda and tito Nics for accompanying me. See you soon po.” Sabi ni Miggy. “See you soon baby boy.” Ngiti ko sa bata at umuklo para yakapin ito. Nilapitan din nito ang aking katabi para yakapin sab inti pero bigla itong umupo at niyakap din ang bata. “I’ll see you soon Miggy. Next time, don’t do it again okay? Don’t make your mom worry too much.”  Alam mo yung feeling na gusto mong matawa na maiyak? Nagbilin sya sa bata para hindi magalala si Eli. Si Eli pa rin ang inaalala nya, what would she feel, iyon pa rin ang mahalaga. Plus, the way he looked at the kid, tinggin ng panghihinayang? Wow! Talaga naman. Ilang Segundo kong tiningnan sila Eli na papalayo sa amin bago ko nilingon si Niccolo and same as earlier, hindi nawawala ang tinggin niya sa dalawa.  That’s when I walked backwards, away from him. Naiiling akong itinulak ang aming cart papalapit sa cashier para pumila. Masakit na masakit, sobrang sakit, that a lone tear dropped in my eye, na agad ko ring pinunasan. Baka mapagkamalan pa kong baliw na umiiyak habang nagggrocery. I didn’t wait for him. Kung gusto niyang pakatitigan lang si Eli at ang anak nito hahayaan ko siya, kung iyon ba ang paraan niya para maibsan ang lungkot at pangungulila nya then I’ll let him. Baka naman pagkatapos noon ay marealize niyang namimiss nya lang si Eli at iyon na lang ang nararamdaman niya, kasi diba ang tagal na naman? Huminga ako ng malalim at unti unting pinakawalan iyon. I am already in the line when I saw him walking na tila may hinahanap. That where and when I should exist, kapag wala na si Eli at kapag kailangan na niya ng kasama. I chuckled at my own thought, napatunayan ko na. Martir nga ako. Nang malakapit siya sa akin ay bigla na lang niya akong sinunggaban ng yakap at sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. “Sorry.” He whispered. Hurt or frustration in his voice that I can’t point out. Para saan at para kanino ang emosyong iyon na narinig ko? “It’s okay.” It’s okay kung sasabihin mong namiss mo sya. It’s okay kung marerealize mong mahal mo pa sya. It’s okay. Ayos lang talaga, kasi gusto ko lang naman sumaya ka. “Do you want to talk about it?” Iyan ang isinunod kong itinanong imbis na ang mga gusto kong sabihin. “There’s no need to talk about her, nagulat lang akong nakita ko sya ulit.” Humiwalay siya sa akin at nginitian ako ng tipid. Assuring me that it was nothing, but his eyes says otherwise. Hanggang makauwi kami ay halos hindi kami naguusap. The air between us is too thick na napara awkward na kahit magtanong ka ng pinakasimpleng bagay. Pagtigil ng kanyang sasakyan ay hindi na ako nagintay na pagbuksan niya ng pinto. Instead, I opened the back door of his car to get some of our grocery bags at naglakad papuntag villa. “Baby, ako na.” Pilit niyang kinukuha sa isang kamay ko ang ilang plastic na dala. “Ako na, magaan lang naman.” Ako ng hindi siya tinitingnan at diretso lang ang lakad. “Alright.”  Nang makapasok ay inilapag ko ang aking dala sa island counter at binuksan ang isang plastic para maisalansan ang laman niyon. “Let’s order food? I don’t feel like cooking tonight.” Mahina niyang sabi. Of course, mawawalan siya ng ganang magluto because of what happened earlier. Tumango lang ako bilang pagsangayon, kahit alam ko ang dahilan niya, wala kong lakas na komprontahin siya ngayon. Kung masakit pa rin para sa kanya this is not the right time para dagdagan ko ang isipin niya. “Okay. I’ll call the front desk and ask the chef. What do you want?” “Anything will do.” Walang gana niyang sagot.  Bago ako tumalikod at iwan ang aking ginagawa ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. I went straight to the telephone to call for food at habang tumatawag ako ay pinapanood ko siyang tila wala sa sariling nagliligpit ng aming pinamili. Nang matapos ay binalikan ko siya sa kusina. “If you need me, message me. I’ll just walk outside.” Naramdaman kong kailangan niya ng oras para sa sarili niya. Time to process whatever it is na nasa utak nya and I want him to know that if he needs me, if he only does. I am just right here for him, waiting. Iniwan ko siya sa loob ng bahay at lumabas para makapag lakad lakad at makapag isip din. Ilang minuto pa naman bago dalhin ang aming pagkain kaya may oras pa ako para ihinga ang bigat na nararamdaman ko. I checked on my phone while walking at nakita ko ang email ni Luis sa akin. It is confirmed about Warren here in the Philippines at Mabuti na alng dawn a magkasama kami ng kapatid ni Lou dahil mas mabilis kaming mababantayan ng kanyang mga tauhan. Lou is back from her vacation with Angelo kaya tight ang security nito. Paniguradong nagpaplano na ang mga ito kung papaano macocorner si Warren. Sana lang ay wala ng masaktan si Warren at sana talaga ay magaling na siya. Hinubad ko ang aking tsinelas tsaka doon umupo kaharap ang dagat. Ang kulay kahel na kalangitan ay napaka gandang panoorin. Ilang minuto rin akong naroon, the ocean breeze made my being calm pati ang kung ano anong tumatakbo sa utak ko ay nawala. This is good, mas maayos akong haharap kay Niccolo. Bago pa ako makatayo ay nagvibrate na ang aking telepono, nang makita kung sino ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Where are you?” Nagaalala ang kanyang tono. “Pabalik na ko.” Pinatay ko ang tawag at tumayo. Habang sinusuot ko ang aking tsinelas ay nakarinig ako ng yabag papalapit. “Baby.” Nanghihina niyang usual. “Hey.” “Again, I’m sorry. Nagulat lang talaga ko na nakita ko ulit si Eli and now with her son.” Malamlam ang mga matang nakatinggin sa akin. “Diba sabi ko okay lang? I left you para makapagisip ka ng maayos. Alam kong mabobother ka kapag nakita mo ko while you process your thoughts. And I also told you, nandito lang ako, if you want to talk about it or not at all, nandito lang ako.” Nakatapat na ako sa kanya. He pulled me for a tight hug. “Thank you for understanding me. Thank you, baby.” I patted his back at ilang segundo rin ang nagdaan na ganoon ang aming posisyon bago ako nagsalita. “Halika na balik na tayo dun.” Lumayo ako at sabay kaming naglakad. One thing is for sure, he needs me now. Moved on or not, he needs someone to hold on to at hindi ko sya kayang bitawan. Martir na kung martir but I will hold on to him, this is my dream, he is my dream. The awkwardness between us was gone after that. Magkukulitan na kami ng dinner until we continued watching the series we left earlier. We even cuddled in bed while watching hanggang sa makatulog kami sa ganoong ayos. The morning came and as usual ay siya ang naunang nagising and prepared for breakfast. Nang magising ako ay naseset up na siya ng lamesa sa may labas ng kusina. Agad akong dumiretso sa banyo para makapag hilamos at maayos ang sarili bago siya pinuntahan sa labas. “Good morning.” I smell the coffee he is putting on the mug. Its aroma is so intoxicating.   Agad siyang lumingon sa akin at nilapitan para halikan at yakapin. “Morning baby. Upo na.” Ipinaghatak niya ako ng silya. We are in the middle of eating while the phone inside the room rang. “Ako na. Kumain ka na lang dyan.” He said ng marinig ang ilang ring niyon. I was munching on my pancake ng makabalik siya sa kanyang pwesto. “Sino yon mon amour?”  “Eli and Miggy is in the front desk.” Pagiimporma niya na tila nagiisip. “Oh, bakit daw?”  “Pinapakiusap si Miggy.” Tila problemado niyang sagot. “Huh? What happened? Halika na tingnan natin.” Aya ko sa kanya. Tumayo ako ng hindi pa nauubos ang pagkain na nasa aking harapan. He was hesitant to stand up and follow me, so I extended my hand and reach for his. “Mon amour.” Nakita ko siyang huminga ng malalim tsaka bahagyang tumango. We went to the front desk hand in hand at agad kong nakita ang dalawang bisitang tinutukoy ni Niccolo.  “Tita ganda!” Bulalas ni Miggy ng makita ako. “Good morning baby boy!” Masaya kong bati at lumapit sa kanya. “Good morning Carrie. Good morning Nics.” Bati naman samin ni Eli. “I am really really sorry, Kailangan kasi ako ni Vincent sa convention niya. Gusto ko sanang isama si Miggy kaso paniguradong maiinip lang sya don at magyayaya pauwi. Hindi kasi pupwedeng lumabas basta basta don. Kaya ipapakiusap ko sana sa inyo si Miggy. I know you have plans together kaya nahihiya rin akong magsabi but I have no choice kundi kapalan ang mukha.” Paliwanag niya. “Hala ano ka ba, wala yon no. I am happy to be with Miggy today, tsaka wala pa naman kaming naka set na plano today kaya okay lang.” Awat ko naman sa kanya. Mukhang kailangang kailangan talaga nila ng titingin pansamantala sa kanilang anak. Kami lang din ni Niccolo ang kakilala nila rito at hindi naman pupwedeng iwan na lang si Miggy sa hitel na magisa. This is the best option they have, and I want to help them gladly. “Wag na kayong magalala kami na ang bahala kay Miggy. Daanan nyo na lang sya kapag tapos na kayo.” Pahayag naman ni Niccolo sa aking likuran. “Ready to have an awesome day handsome?” Baling nito sa bata. “Yes tito!” Anito na sobrang excited. “Thank you, both of you. You’re such a godsent.” Lumapit sa akin si Eli para yakapin ako. Hinagod ko ang kanyang likuran ng nakangiti. “Wala yon. We are happy to help.” “Dadaanan agad namin sya dito pagkatapos na pagkatapos ng convention. Maraming salamat talaga.” Hawak niya ang kamay ko at nakalingon kay Niccolo. He gave her an assuring smile. “Go ahead baka hinihintay ka na don.” “Miggy, baby, behave okay? Wag kang magpapasaway kila tito and tita. Daddy and I will be back as soon as we can.” Bilin nito sa anak. “Yes mommy. I love you. Bye!” “I love you baby.” Hinalikan nito sa noo ang anak. “Paano una na muna ako. Salamat talaga. Dinner is on us later.” Ilang sandali pa ay tuluyan na itong nagpaalam. I started walking going back to the villa. Hawak ni Niccolo si Miggy kaya nauna na akong tumalikod sa kanila. “Tito tara na po.” I heard Miggy said at ng lingunin ko sila ay nakatingin pa rin siya sa papalayong likod ni Eli. That’s how your tito loves your mom Miggy. Paulit ulit syang iiwan pero paulit ulit nyang hihintayin. “O-okay let’s go.” Baling nito sa bata at napaangat din ang tingin niya sa akin. Binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti. He is very obvious right now and I understand. In a relationship, you should give an allowance to the person for his flaws and to adjust, that’s how this works base sa mga nababasa ko. They are experts, I am not, mas mabuti ng ganito at sundin ko sila kesa naman mawala sya dahil sa pesteng selos na nararamdaman ko.  Nagpatuloy ako ng paglalakad habang sila naman ay nagkukwetuhan sa aking likuran. Pagpasok sa villa ay inaya ko sila palabas ng breakfast nook para pakainin si Miggy. “Miggy halika kain ka na ng breakfast.” Yaya ko. “I already did po kanina but can I have some pancakes?” “Of course! Here’s the plate.” Habang inilapag ni Niccolo ang plato sa harap nito. “Thank you tito!”  “You’re welcome! Wait for me. I’ll fry some bacons for you.” Masigla itong bumalik ng kusina. Nang makapasok si Niccolo ay nilagyan ko ng pancakes si Miggy sa plato. “Tita ganda, pwede po peanut butter and bananas on top? Then chocolate syrup?” “Wow. That’s a healthy choice.” “I haven’t tasted peanut butter po eh.” Excited nitong tiningnan ang paglalagay ko ng gusto niyang kainin. “Bakit naman?” “I just haven’t tried it yet po.” “Then, dig in.” Nakangiti kong sabi sa kanya at umupo na sa silyang kinauupuan ko kanina. I took a sip of coffee at pinagpatuloy na rin ang naiwang pagkain kanina. Maya maya pa ay pumasok na si Niccolo dala ang niluto nitong bacon at hotdogs.  “Kain lang ng kain Miggy.” Ginulo nito ang buhok ng bata bago umupo at nilagyan ito ng dalang pagkain sa plato. “Baby, here.” Nilagyan niya ng bacon ang aking plato. “Thank you.” “Tita ganda, tito Nics pwede po tayo magswimming?” “Oo naman. Do you know how to swim?” Tanong ni Niccolo. “A bit lang po.” “Osige ganito, when you finish eating magpapahinga lang tayo sandali tapos magsswimming na tayo sa beach okay ba yon?” “Opo tito!” Excited nitong tugon na sinabayan pa ng pagpalakpak. Ginulo muli ni Nicclo ang buhok ni Miggy. “Sige na. Kumain ka na ng kumain jan. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. They look like a father and son tandem, napaka cute tingnan. Kami kaya magkakaroon din ng ganito? I wanted to have a family as good as this. Sana. Sana. “Baby, may gusto ka pang kainin?”  “Wala na busog na ko, ang dami mo laging pinapakain sakin, mananaba ako nito eh.” I pouted. “Wala akong pakialam kahit tumaba ka pa mabuti nga yon para wala ng titingin sayong iba.” Nakangisi niyang pahayag. “Baliw,” Pabiro akong umirap sa kanya. Nang matapos ang aming agahan ay sabay naming iniligpit ni Niccolo ang aming pinagkainan at nagprisinta na akong maghugas habang ang dalawa ay nanonood ng cartoons. Narinig ko ang maingay na usapan ng dalawa there’s panic in Niccolo’s voice habang tinatanong si Miggy. Lumapit ako sa kanila para mas maintindihan ang pinaguusapan ng dalawa. “What happened?” I asked ng makalapit ako at sinalubong naman ako ng nagaalalang mukha ni Niccolo na ngayon ay nakaupo paharap sa bata. “Look. He got rushes all over his body. I think it’s some kind of allergy or something.” Ipinakita nito ang mga kamay ni Miggy na namumula at unti unti ng napupuno ng pantal. “Miggy, anong nararamdaman mo?” Bigla akong lumuhod sa tabi ni Niccolo at ininspeksyon ang katawan nito. Inangat ko rin ang damit niya at tiningnan kung pati ang katawan nito ay mayroon na rin. “Super itchy po.”  “Do you have allergies?”  “I don’t know po.” Simpleng sagot nio at kamot pa rin ng kamot. “I only ate pancakes, bananas, peanut butter, bacon ang hotdogs lang po.” “Sh!t!” Napatapik ako sa aking ulo ng maalala ko ang kinain ni Miggy kanina at ang sinabi nitong hindi pa niya natitikman. “Why?” Lingon naman ni Niccolo sa akin. “Earlier, he said he wants peanut butter because he hasn’t tried it.” Nagaalala kong paliwanag. Hindi ko alam na kaya pala hindi pa siya nakakatikim noon ay dahil bawal sa kanya. “WHAT THE HELL DID YOU DO?!” Mataas na boses na baling sa akin ni Niccolo.  Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla ko na lang siyang nakita na buhat buhat na si Miggy at papalabas na ng villa. Yung kaba ko, hindi ko sigurado kung para saan, sa pagaalala para kay Miggy o dahil sa galit sa akin ni Niccolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD