Chapter 9
We went to the nearest hospital para mapatingnan ni Miggy. I was so worried habang tinitingnan ng doctor ang bata and it was confirmed that Miggy has allegies with peanuts at naging mabilis ang reaction nito sa katawan ng bata kaya lumabas agad ang mga pantal.
The doctor said that the allergy will subside shortly since they already gave Miggy antihistamine. But Niccolo insisted to confine him para mas matingnan dawn a mabuti. Miggy and I were left in the room habang inaasikaso ni Niccolo sa labas ang mga kailangan para sa confinement ni Miggy.
“Tita, I’m sorry po.” Apologetic na saad ni Miggy.
Agad kong inabot ang kanyang buhok at sinuklay iyon gamit ang aking mga daliri.
“You don’t have to be sorry baby. Hindi mo naman alam na allergic ka pala sa peanuts. Mabuti na lang at nadala ka kaagad dito sa hospital for the treatment.” Nakangiti kong tugon.
“But I still made you worry.”
“And it’s okay, kaya wag ka na magalala jan.” I pinched his nose. “What about we watch cartoons instead?”
“Sige po! Sige po!” Binuksan ko ang TV at inilipat ang channel sa pambatang palabas. We are watching PJ Mask when Niccolo entered the room.
Lumapit siya sa tabi ni Miggy at nagtanong. “Are you okay kiddo? Is there anything you need?”
“None, tito. I’m good po.” Nilingon lang siya saglit ng bata at ibinalik nito ang atensyon sa pinapanood.
Niccolo settled himself at the chair beside Miggy’s bed, habangako ay nakatabi sa bata sa ibabaw ng kama. We haven’t talking simula ng binuhat niya si Miggy palabas ng villa. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagaalala at malamang ay ako pa rin ang sinisisi niya sa nangyari sa anak ng babaeng mahal nya.
Sabagay, ako nga naman ang nagpakain kay Miggy ng pancake dahil nagluluto sya. Kahit hindi ko naman alam na may allergy pala si Miggy sa peanut butter ay kasalanan ko pa rin. The kid has given me hint na hindi pa siya nakakatikim ng noon, but I was too dumb to think of the reason behind it.
My phone vibrated at bumungad sa akin ang mensahe ni Luis saying that Lou is back and I have to go back to Manila as well because they are planning something to trap Warren. Yes, I have to be back and help them, isa pa wala na rin naman akong dahilan para magstay dito sa resort. I am done with the designs at hindi na nagiging maganda ang bakasyon na ‘to.
I am in the middle of replying to Luis when he started talking.
“I called Eli and they’re on their way here.” He said in cold tone. Hindi ako nagsalita. It is my fault and I have to apologize to them kung bakit naririto ngayon ang anak nila sa hospital. After that, maybe I am free to go.
Tipid akong tumango. “I will be the one apologizing to them, don’t worry, this is my fault anyway.”
Tumunog ang aking telepono, it’s Luis. Walang pagaalinlangan ko itong sinagot ng hindi umaalis ng pwesto.
“Hello.”
“Why the hell are you in a hospital?” Rinig na rinig ko ang pagaalala sa boses ng aking kaibigan.
“How did you know?” Kunot noo kong tanong.
“Your GPS.” Oh, oo ng apala at nakabukas ang aking GPS. “So as your guards.”
“They’re here?” Oo nga at alam kong may mga bantay ako, pero hindi ko alam na oras oras pala silang nagrereport sa kanilang amo.
“Yes. I told you, they will guard you from a far and they just confirmed it to me that you’re in a hospital. Now, answer me, what the hell are you doing there?” May iritasyon na sa boses nito dahil sa sagot na kanina pa iniintay.
“We just brought Miggy here because of allergies. You don’t have to worry about me, I’m good, nothing happened.” Tipid akong napangiti. Oh, my brother from another mother, so thoughtful as always.
“Fine. Be careful Cars please and be back to Manila as soon as you can.” Paalala nito.
“Yes, I will. Relax will you?” Natatawa kong sagot sa kanya, I can imagine kung gaano na kakunot ang noo niya ngayon. “And yes, I will be back in Manila later tonight or tomorrow. I just have to fix some things here.”
“Okay. Message me when will you be back so I could tell your guards to convoy.”
“Thanks, Luis. Bye.” I cut the call at ibinalik ang atensyon sa TV.
I can feel his stares at me pero hindi ko siya pinapansin. I wanted to get off the hook pagkatapos ng lahat ng ito. Tama na siguro yung kahibangan ko. Kung mahal nya pa si Eli hanggang ngayon, sigurado din ako na ako at ako lang din ang sisisihin niya sa nangyaring ito. Baka nga hindi niya ako mapatawad kung lumala ang lagay ni Miggy.
I wanted to get off, dahil sa ipinapakita niya ngayon, gets ko na. Na kahit kailan walang papalit kay Eli sa kanya, na kahit anong gawin ko ay hinding hindi ko sya mabubura o mapapantayan manlang sa buhay ni Niccolo.
Gusto kong makawala dahil gusto kong makapagisip siya sa kung anong gusto niya, anong makakapag pasaya at makakapagpaligaya sa kanya. Kasi ngayon alam kong hindi ako ‘yon, I wanted to give him everything he wants and this time, I guess it is freedom, from me and from everything that is holding him back to love Eli. Ayoko na.
Kung hindi sapat lahat ng ginawa ko para sa kanya, baka nga hindi sya para sakin.
I don’t want to waste myself, time and efforts for someone who doesn’t see me. If I am not enough for him, maybe there is someone in there waiting for me and be contented on what I can be.
Biglang bumukas ang pntuan ng kwarto ni Miggy.
“Miggy!” Tawag ni Eli dito ni dali daling nilapitan ang anak para mayakap.
“Mommy, daddy!”
I saw Eli’s husband eyeing Niccolo. Tumayo naman ang isa at nakipag kamay dito.
“Sorry. We don’t know that he’s allergic to peanuts.” Nahihiya kong saad.
“It’s okay. Kasalanan din namin and I need Eli to be there today. I am too busy with the convention at napabayaan din namin si Miggy.” Lumingon ang asawa ni Eli sa akin.
“Pasensya na talaga at nagalala pa kayo.”
“It’s okay Carrie, kami ang dapat na humingi ng pasensya dahil sa abala naming pamilya sa inyo.” Eli said.
“The doctor said that Miggy is now okay and ready for discharge. He was given antihistamine for his allergies and he’s all good.” Sabat ni Niccolo.
“I see. Thanks.” Tinapik ni Vincent ang balikat ni Niccolo.
“My boy. Do you want to go for a swim?” Tanong nito sa anak.
“Really daddy?” Maligalig na tanong nit. Punong puno ito ng galak sa mukha na tila ngayon lang makakasama ang ama.
“Of course. Daddy cancelled all his schedules so we could spend time.” Nakangiting ginulo nito ang buhok ng anak.
“Yes daddy! Let’s go! Let’s go!” Dumamba ito sa ama at nagpakalong.
After Miggy was discharged ay nagyaya ang maganak para mananghalian pero tumanggi na akong sumama dahil kailangan ko pang ayusin ang aking mga gamit pabalik ng Manila. Dahil maaga namang nadischarge si Miggy ay mabilis akong makakabalik ng Manila ngayon. Wala na ako sa mood para magbakasyon.
While in the car going back to the resort ay wala pa rin kaming imikan ni Niccolo. If he wants to stay here ay hindi ko siya yayayaing umuwi, I can commute pabalik total ay isang bus lang naman.
Pagpasok sa villa ay sinimsim ko agad ang aking mga gamit at nagsimulang magligpit. Niccolo on the other hand ay nakaupo lang sa sofa at nakatalikod sa akin.
“I thought the next day pa tayo uuwi?” He asked.
Nagulat ako sa tanong niya at hindi kaagad nakasagot. Patuloy akong nagtitiklop ng aking mga damit sa ibabaw ng kama.
“I have to go back to Manila, Luis needs me to help him with something.”
Narinig ko siyang bumuntong hininga at tumayo.
“About earlier.” Humarap siya sa akin and I can’t read the emotion in his eyes. O baka dahil pagod na akong basahin siya kaya hindi ko na inabala ang sariling titigan sya ng matagal.
“Niccolo, you don’t have to say anything. It’s my fault, I know.” Walang buhay kong sagot.
“It’s no one’s fault, hindi naman natin alam.”
Tumango lang ako.
“Baby.”
“Let’s end this.” Lakas loob kong sabi at tumigil sa pagaayos ng gamit.
He’s taken aback. Hindi handa sa sinabi ko.
“W-what are you saying? Car- “
“I said, let’s end this. Whatever we have. Let’s end this here.”
“Carrie ano bang sinasabi mo? If this is about earlier, sorry. Sorry kung nasigawan kita. I was too worried dahil baka kung anong mangyari kay Miggy, it’s just allergies pero nakakamatay pa rin kapag hindi naagapan.”
“I know and I understand you Niccolo, I really do. But I can’t do this anymore.”
“Baby.” Akma siyang lalapit sa akin.
“No. Don’t.” Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Nakita kong bagsak ang kanyang balikat at ang mga mata ay naguguluhan. “I want to end this because I know that you still love Eli and don’t you dare say no because your eyes are giving you away. I can see all your emotions towards her, adoration, longing, love. I can see all of it Niccolo at hindi mo kailangang magtago. Tanggap ko. That’s why I am giving you a pass. You can love her all you want ng hindi mo na iisipin kung masasaktan mo ko.”
Nakita ko syang tumalikod at umupo ulit sa sofa. Sapo nita ang kanyang ulo at tila sinasabunutan ang sarili.
“Don’t be guilty Niccolo. Remember, gustong gusto kita at mahal kita kaya ginusto ko to. Whatever you need and whatever your happiness may be I will willingly give it to you. At sa tingin ko ito yung makakapagpasaya sayo ngayon kaya ibibigay ko. I want you free from me and free from future stress. Kasi kung itutuloy natin to, palagi akong magdududa sayo at kung mahal mo nga ako. I will be so clingy and so overly obsessed na masasakal kita, that’s how will I be. I will be hurt and you will too, kaya ngayon pa lang I want you to be free from me kasi pareho lang tayong mahihirapan pagnagkataon.”
My face are full of tears, hindi mapatid patid ang pagtulo niyon kahit anong gawin ko. I can’t imagine that this affection towards him can cause this unbearable heartache. My heart is clenching na ang hirap hirap huminga. I put my hands on my mouth para pigilan ang aking paghagulgol.
Nang magangat ako ng tingin at nakita kong umaalog din ang kanyang balikat. He’s crying. Napangiti ako, parang tanga lang, naisip kong kaya ko rin palang paiyakin ang isang Niccolo pero naisip ko din nab aka hindi ako ang dahilan non.
His tears might not be for me it might be for Eli, that he is happy because he can love her freely.
Tumayo ako at lumapit sa gilid niya para yakapin siya. He holds up my arms and cling onto it kaya hnigpitan ko ang yakap sa kanya. I wanted to feel him for the last time.
“Don’t cry. We will be fine. Tsaka nakakabakla yan.” I tease him to lighten up the air we are breathing.
“I’m sorry.” Mahina niyang sabi, his voice cracked.
“It’s okay. I understand.” I will always understand.
Ilang minuto pa kami sa ganoong ayos bago ako nangalay at tumayo. Pareho na kaming nahimasmasan at parehong maga at namumula ang mga mata.
“If you still want to stay here ikaw na ang magsara.” Pumunta ako sa bedside table para abutin sana ang susi ng villa at abot sa kanya.
“I’ll come with you. Ihahatid kita.” He said while hugging me from behind. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg at naramdaman kong nabasa ang aking balat.
Inabot ko ang kanyang ulo at sinuklay ang kanyang buhok. I’m going to miss this man and I am so thankful that I was given a chance to feel his care and love kahit sa dalawang linggo lang. I am so darn happy because of that, the best week of my life, I can say.
“Halika na. Baka gabihin tayo sa daan.” Sabi ko ngunit hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin. So I started packing again ay hinayaan lang siya sa ganoong ayos kahit na nahihirapan ako.
Maya maya pa’y umalis na siya sa aking likuran ng makitang tapos na ako sa pagiimpake. Dahan dahan siyang lumapit sa kanyang mga gamit at nagumpisang ligpitin iyon. He was in the middle of packing his things ng magmessage ako kay Luis na ngayon ang balik ko ng Manila. Nagreply naman ito nan aka convoy daw sa amin ang kanyang mga tauhan para masiguro ang safety namin ni Niccolo.
Nang masigurong wala na kaming naiwan ay inilock na niya ang villa at sabay kaming naglakad papuntang reception para iwan ang susi at maghabilin.
I also message my brother that I will be back in Manila today dahil may mga kailangan akong gawin.
Pareho kaming tahimik habang nasa daan at hindi nagpapansinan. Habnag siya ay nakatuon ang atensyon sa daan, ako naman ay nakatingin lang sa bintana at tinitingnan ang aming mga nadadaanan.
I am thinking that what I did was the right and the best thing to do for the both of us. To save us both for the pain and to self-destruct ourselves, ako sa mga kaya ko pang gawin para sa kanya at sya sa pagmamahal kay Eli.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at ng magising ay nakapark na si Niccolo sa tapat ng aming bahay. Nang magmulat ako ng mata ay nakita kong nakatinggin lang siya sa akin.
“K-kanina pa ba tayo?”
“A bit.” Simple niyang sagot.
“Bakit hindi mo ko ginising?” Umiling lang siya sa aking tanong.
“I’ll go ahead.” Akmang bubuksan ko ang pinto ng kanyang sasakyan ng inatak niya ako para yakapin.
“Baby, don’t do this. I love you.” May pagmamakaawa sa boses niya at mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin.
“Niccolo, we both know that this is the best thing for us. Wag na natin pahirapan ang sarili natin. Mahal mo pa rin sya diba? I don’t want to be the second choice, that’s how selfish I am.” Nagsisimula na naman ang pagtulo ng aking mga luha.
“No. I need you baby.” His voice was in pain.
“If you need me for a distraction, para hindi mo maalalang mahal mo sya, please Niccolo wag ako at huwag kahit sino. Move on and heal your heart fully before entering a relationship, kasi kapag hindi. Palaging sa ganito mauuwi ang magiging relasyon mo. You don’t need me, you just need to heal.” Kumawala ako sa pagkakayakap niya kahit mahirap tsaka pinunasan ang aking mga mata at lumabas na ng kanyang sasakyan.
Kinuha ko ang aking mga gamit at hindi ko na siya hinyaang makababa at dumiretso na ako sa loob ng bahay at isinara ang pinto.
Pagod na ibinagsak ko ang aking sarili sa sofa at doon nahiga at inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. Hindi ko na narinig kung umalis na ba si Niccolo o ano bsta iniyak ko na lang ng iniyak ang bigat na nararamdaman ko.
They say that tears cleanse the eyes and lightens up the heart, so I wanted to pour it all out.
I have to accept the fact that my role in his life is his sister’s bestfriend and his secret friend, wala ng iba. Masakit na kapag lumampas pa doon. Pero ngayon kahit pagiging kaibigan ay mukhang hindi ko kayang ibigay.
Kapag magkakalapit kami ay baka hindi ko mapigilang yakapin at halikan sya. Ang hirap kumawala kahit pa sabihing higit isang linggo lang naman kami nagkasama ng ganoon.
He is the shooting star that I will never be able to catch. A dream that will stay in my sleeping state and not in my reality.
----
I am with Luis and Lou at nagiinuman kami sa kanila. We planned out how are we going to trap Warren at para mahuli na talaga ito. It is confirmed na wala pa nga talaga sa katinuan ang isang yon dahil panay pa rin ang paramdam kay Lou.
Lou being hardheaded ay talagang gustong ipain ang sarili para mahuli ng tuluyan si Warren. And since all of us wanted this to end kaya pumayag kami pero doble ang kailangang pagiingat dahil baliw si Warren at baka kung anong mangyari kay Lou.
“Tagal din nating hindi nagawa to. Tapos ako na lang magisa ang babalik ng U.S. Ang daya nyong dalawa.” Paghihimutok ko. Lou is now happy with Angelo and Luis is making his move on his secret girl.
“You’re not sure about that.” Sagot ni Lou.
Kumunot namana ng noo ko dahil sa sinabi nya.
“Panong I’m not sure? Iyan!” Turo ko kay Luis. “Hinuhunting yung love of his life nya. Ikaw naman masaya na dito baka nga hindi na kayo bumalik sa U.S. pareho!” Natawa naman si Luis dahil pareho ko silang inirapan.
Ako na lag pala ang magisang babalik at ako na lang din ang magisang tatanda sa States. This life is so fvcked up.
“Wag kang maginarte jan. Susundan ka naman ni Niccolo sa States.” Mapangasar na saan ni Luis.
“Hay nako kung si Niccolo lang din naman, wag na lang.” Dirediretso kong sagot.
“Why? What happened?” Nagaalalang tanong ni Lou.
“That’s it baks. Nothing happens. Nothing will happen dahil si Niccolo patay na patay pa din dun sa ex nya.” Sabi ko. Hindi na naman kailangang itago kung ano talaga ang nangyayari dahil alam na naman ni Lou kung anong nangyayari sa amin kahit hindi ko sabihin. ALam na alam ng isang to ang ligaw ng bituka ko.
“Are you sure? Kasi sa pagkakaalam ko may asawa na si ate Eli?” She said.
“Well, he hasn’t moved on yet so let him be. As for me magboboyfriend na ko pagbalik ko.” Pagkasabi noon ay agad kong inunom ang alak na nasa hawak kong bote. I need to drink the pain in my throat para mapigilan ang pagiyak sa kanilang harapan.
“I’m sorry.” She said apologetically.
“Baliw ka ba baks?” Naiiling akong natawa. “Hindi mo naman kasalanan na mahal pa ni Niccolo yung ex nya.”
“It must be hard for you.” She said.
“Okay lang ako. Madali akonh magmove on. Marami akong boyfriends remember?” Pagsisinungaling ko. Mabilis mag move on my a*s. Kung ganoon bakit ilang taon na hindi pa rin ako nakakapag move on kay Niccolo. Ilang taon na ng buhay ko ang sinayang ko sa kanya?
Peste diba? Kaya pagbalik ko sisiguraduhin kong mabubura na sya sa sistema ko. Hindi na pupwedeng sya na lang palagi ang uunahin ko.
“Well mukhang hindi lang ikaw ang mamomove on.” Mahinang sabi ni Luis kaya napadako sa kanya ang aming tingin.
“Well, she loves someone. She doesn’t remember me. Might as well let her go if that will make her happy.” Malungkot niyang pahayag.
“Wow!” Napabulalas ko. This is the first time na nakita ko syang ganyan kadevastated. “Fvck man! Ngayon lang kita narinig na ganyan. After all these years, mula pagkabata mahal mon a tapos bibitiwan mo basta basta? Ang tanong natry mo na bang kausapin sya? Lapitan?”
At least he could try those first. Tulad ko, at least may kahit apaano ay nakasama ko si Niccolo at may maaalala ako. Hindi ko na sya kailangng ipaglaban dahil alam kong talo ako. But Luis’ story is different, hindi pa niya nasusubukang ipaglaban manlang ang babaeng mahal nya simula pagkabata.
“I tried. Nilapitan ko sya kahapon but the way she looks at me hindi nya talaga ko maalala kahit nagpakilala na ko.”
May mga ganoon talagang tao no? Yung hindi ka makikilala at hindi makikita ang pagmamahal mo sa kanila kahit aong gawin mo?
Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin kay Luis. Kung ititigil na ba nya ang pagmamahal sa babaeng yon o hindi. Ititigil nya para hindi na sya masaktan o itutuloy nya kasi “baka” umayon sa kanya ang pagkakataon.
“Did you tell her na ikaw yung kababata nya?” Lou asked him.
“No.” Pagkarinig ko niyon ay dali dali akong dumukwang para batukan sya.
“Eh baliw ka naman pala eh! Hindi mo pala sinabi pano nya maaalala?!” Singhal ko sa kanya. Minsan talaga ang pagibig nakakabobo.
Luis glared at me at hindi ako nagpatalo dahil sinamaan ko rin siya ng tingin.
“Look, be friend her then tsaka mo sabihin sa kanya na ikaw yung kababata nya. Why don’t you bring back the old memories? I mean yung ginagawa nyo noon? Simple gestures? Malay mo naman diba?” Lou suggested.
Tama sya baka may pagasa pang maibalik ang kay Luis pati doon sa mahal nito. I didn’t know na torpe pala ang isang to.
“Fine!” He said finally. Mukhang sumuko siya sa pangungulit naming ni Lou at naisip na hindi sapat na kinausap lang niya ang babaeng mahal.
“O ikaw naman? Anong drama mo kanina?” Taong ni Luis kay Lou.
“Gelo is married.” Walang pakundangang sabi niya habang nakangisi. What the fvck?!
“WHAT?!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Kwinento niya ang nangyari sa kanila ni Angelo, their trip, kung anong estado ng relasyon nila at kung anong nalaman niya.
Nakatunganga lang ako at hindi makapaniwala sa kuwento ni Lou. How come that Angelo is married when everybody knows how he loves Lou?
“Gago nga. Are you okay though?” Tanong ni Luis sa kanya.
“I’m not.” Pagamin niya. “I will settle Warren then I will be off the hook for good. Alam kong magtatampo sila mom and dad but I know they will understand.”
“Lou, are you sure? Gelo made it clear na kaibigan nya lang si Sapphire diba?” I asked. Hindi pa rin makapaniwalang kasal sa iba si Gelo.
“Carrie the fact na hindi nya sinabi kay Lou na may asawa na sya that is considered cheating.” Luis pointed out and he is right.
“Well that’s true. Maybe you should talk to him first? Baks, I know you love him so much noon hanggang ngayon. I witnessed everything the both of you went through. Kung gusto mo talagang bumalik sa US na hindi ka na ginigulo ng nakaraan mo then you should at least say it straight to his face how fvcktard he is.”
Kung babalik man siya sa U.S. kailangang sigurado siyang may closure na sila at hindi tulad noong unang umalis siya.
“Yes. I will talk to him. I want a peaceful life pagbalik ko and I will not be at peace if my past will still hunt me every time.” She said.
Humiga naman ako ng malalim. Akala ko ako lang ang namomroblema sa lovelife. Tatlo pala kami. Akala ko magiging naayos ang lahat paguwi namin, mali din ako. Buti hindi pa ko namamatay dahil sa palaging mali ang akala ko.
“Then for our fvcked up love life!” We clicked our beer bottles at tinungga iyon.
After the problems here, I will be back to the States and stay there for good. Kaya ko namang magisa. My decision is final. I will tell my dad and brother to go back here at ako na ang bahala sa maiiwan nilang business doon. Ako na ang bahala sa sarili ko.
It’s time to stand up on my own and have my life back. Yung wala ng iisipin kung para kanino ang ginagawa ko. This time, sarili ko naman ang uunahin ko.
----------