Chapter 10
“Pero syempre, hindi naman namin kakalimutan ang isa pa naming kaibigan right Lou? Hindi naman pwedeng tayo lang.” Nanlalaki ang mata kong nilingon ang mga kaibigan ko na ngayon ay nasa stage at kakatapos lang kumanta.
I thought tapos na sila mag asaran pero bakit nga ba hindi ko naisip na mga baliw ang kaibigan ko at hindi pwedeng hindi ako idamay ng mga ito. Luis is grinning from ear to ear at nang lingunin ko naman si Lou ay makahulugan siyang tumingin sa akin.
“Alam naman naming hindi ka aakyat dito at kakanta kahit anong gawin naming kaya. This song will be dedicated to or friend, Carrie.”
I lifted my hand throwing a fist in the air, umambang susuntukin sila. I even mouthed fvck you to them. Kung alam ko lang na may pakulo si Luis na ganito ay hindi ko ikinuwento sa kanila ang problema ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Nagtawanan pa ang dalawa bago nagsimula si Lou na magtipa ng piano.
I don’t wanna see your face
I don’t wanna hear your name
I don’t wanna thing just stay away baby yeah
Don’t wanna know if you’re alright
Or what you’re doin’ with your life
Don’t wanna hear you say you’ll just stay in touch baby
I’ll get by just fine
And if you’re goin’ then darlin’
Goodbye, goodbye
Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
Don’t think that I care
I’m not over you yet
And I don’t want to be your friend.
I can feel the weight of Niccolo’s stares at me pero nakatuon lang ag tinggin ko sa mga kaibigan ko sa harapan. Kahit gustong gusto ko syang lingunin ay pinigilan ko ang aking sarili. If I stare back at him at makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I know for sure na babaliin ko akung ano ang naging desisyon ko.
The second verse was sang by Luis, bwisit tong dalawang ‘to eh. Bawat salita sa lyrics ng kanta tagos na tagos. My eyes got watery at ayoko namang makita ng lahat iyon kaya pinigil ko ang sarili ko. Tumingala pa ko ng bahagya para hindi malaglag ang aking luha.
Mukhang hindi ako pinagbibigyan ng pagkakataon dahil naramdaman ko ang isang butil ng luha na tumulo sa aking pisngi. Agad ko iyong pinahid at tumayo para pumunta sa CR. I wanted to get away with the feeling I am feeling right now.
Yung abot kamay ko sya at gusto ko syang hatakin para yakapin but my intuition is preventing me to do so. Mas lumalamang sakin ang takot na magkasakitan kami lalo kapag binalikan ko sya, that this one-sided love will never work out.
Mabuti na lang at walang tao sa loob ng CR pagpasok ko. I went straight to the cubicle at doon kinalma ang sarili, I let my tears stream down my face for a minute or so para kahit papaano ay gumaan gaan ang aking pakiramdam.
Pagkalabas ko sa cubicle ay inayos ko ang aking sarili, retouched my light make up para mawala ang bakas ng luha at pamumula ng aking mata at ilong. Nang makuntento sa aking ayos ay lumabas na ako ng banyo.
Nagulat pa ako ng maabutan ko si Niccolo na nakasandal sa pader sa tapat ng pintuan ng CR. Napatigil ako at pinagmasdan lang siyang nakayuko at naka pamulsa.
Mukhang naramdaman niya ang aking presensya kaya nagangat siya ng tingin. Bago pa ako makagalaw ay kinuha niya ang isa kong kamay at nagsimula akong hatakin.
“Where are you going?” Kabado kong tanong. I was trying to get my hand off him, but he doesn’t let me, mas lalo pang humihigpit ang hawak niya every time I pulled out my hand. Diretso lang siyang naglalakad tinatahak ang pasilyo papalabas ng venue.
“Niccolo!” I called him out dahil naghuhuramentado na ang aking loob, kaba, lito, sakit, halo halo at hindi ko matukoy kung anong uunahing maramdaman. Wala siyang pakialam at putoly pa rin siya sa paghatak sa akin palabas.
Nakarating kami sa malawak na parking lot at huminto siya sa tapat ng kanyang sasakyan bago humarap sa akin.
“What are you doing?” Halos histerya kong tanong sa kanya. When he lifts his eyes to see me, nakita ko ang pinaka aayawan kong makita, the lost, confused and weary emotion in his eyes. Halata sa mukha niya na hindi siya nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw simula ng bumalik kami.
It pains me seeing him like this. Tinitigan ko lang sya at inintay na magsalita.
“Baby…” Nahihirapan niyang usual. Hindi ako umimik at nanatili lang nakatingin sa kanya. “I miss you.” Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. He hugged me so tight na halos hindi ako makahinga.
I hugged him back, equally tight because I miss him too, so bad.
“Baby.” Humiwalay ako sa kanya.
“Alam ko na ang susunod mong sasabihin and my answer is, no. Mahal kita at alam mo yan, simula pa noon diba? And I’ve come to realize that love must not be controlling at iyon ag mangyayari satin kapag itinuloy natin to. Please understand Niccolo. I am doing this for the both of us. Sort whatever you’re feeling. Hindi mo man sabihin, pilit mo man itanggi, I can ready between the lines, I can read you at sa tinggin ko kasi mukhang hindi ka pa nakaka move on.”
“But I already did! Please Carrie making ka naman. Nagulat lang ako sa mga nangyari okay? Nagulat lang ako na makita sya ulit with her family.” Giit niya.
“That’s it! You saw her with her family, and I can see it in your eyes that you’re wishing it was you in his position as her husband and as the father of her kid! That longing in your eyes when you saw her? Hindi iyon dahil nagulat ka lang Niccolo.” My tears are starting to fall again, nakailang beses akong punas pero hindi tumitigil, kaya hinayaan ko na lang.
“That’s not true!” Frustration is all over his face.
“Really? Kaya ba hindi mo manlang ako napakilalang girlfriend mo? Kaya bana ng umalis ako sa tabi mo ni hindi mo manlang ako napansin? Kaya ba kailangan ka pang hatakin ni Miggy dahil nakaalis na ang mommy nya at hindi ka pa rin natitinag panoorin si Eli paalis?” Nakita kong nagbaba siya ng tingin. Pinahid ko ang luhang patuloy lang sa pagagos at kinalma ang sarili bago nagsalita ulit.
“Nics, sort your feelings, kung ano ba talagang nararamdaman mo. You could love her all you want at walang pipigil sayo. Hindi ako galit, in fact I understand, that true love doesn’t fade it will just be buried right there pero hindi mawawala. Alam ko rin na akhit anong gawin ko, kahit pasayahin kita buong buhay ko, kahit ibigay ko lahat ng gusto mo, kahit magstay ako sa tabi mo tulad ng gusto mo, hinding hindi ko sya mapapantayan. I am not her and I will never be her. I can’t lose myself anymore just because I love you. Ilang taon ko na rin yong ginagawa. This time, hindi na ulit ako magaaksaya ng isa pang taon para mapansin mo. I can and I will now spend decades of my life loving someone who will see me and love me as I am. Tapos na akong ibigay ang mga kailangan at kahilingan mo, ako naman, sarili ko naman.” Masakit na ang mga mata ko kakaiyak. Ilang araw at gabi na ba ang lumipas pero bakit parang hindi ako nauubusan ng iiiyak sa taong to?
Tumalikod ako dahil ayoko siyang makitang umiiyak, kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. I can hear his sobs from behind. A minute later, I can feel his arms enveloping my body, isiniksik din niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
“Be happy Nics. I want you to be happy because you deserve it.” Tiim bagang kong sabi.
Dahil kahit hindi ako ang makakapag pasaya sa kanya, gusto ko pa ring sumaya sya. Hindi man ako but I know, there is someone out there who could make him happy the way Eli did.
Humarap ako sa kanya para yakapin siya. This is the last time I will let myself hold him like this. Sa huling pagkakataon, I want to feel his warm hug that once bring me happiness and lightness in my world. Ilang minuto pa kami sa ganoong ayos ng maramdaman kong tila may mga nagmamadaling yabag sa aking likuran.
Kumalas ako kay Niccolo at inayos ang aking sarili. Pagharap ko sa restaurant ay nakita ko si Luis, Paul at Angelo na mabilis ang mga kilos na naglalakad papunta sa sasakyan ni Luis.
My heart is racing like a wild horse in the forest. Agad ko silang nilapitan and informed me about what happened to Lou. They are on their way to get her from Warren, Paul and Luis’ men are scattered all over the place at may mga nakasunod na rin kila Lou.
Walang pagdadalawang isip na sumakay ako sa sasakyan ni Luis para sumama na sundan si Warren. When we reached the café kung saan dinala ni Warren si Lou para makapagusap ay nagkakagulo na. Nakatutok na ang b***l ni Warren sa mga tauhan ni Paul at pilit na ring inilalayo nito ang aking kaibigan para itakas.
Next thing I knew ay nasa hospital na kami because Lou got shot and she’s in a critical condition. Days and weeks had past at nakarecover naman si Lou. At the same time, I needed to go back to States dahil marami ang nakatambak na trabaho ang naghihintay sa amin.
Now that Lou is still recovering and Luis is having a vacation, hindi pupwedeng maiwan ang firm ng basta basta. Isa pa, my vacation was already extended dahil sa nangyari sa aking kaibigan. Kung tutuusin, we can remotely work here but my reason is more than work. I had to go back to heal me and bring back my old self or more like discover the real me, what I can do and what I want to do.
-----
“Baks, sure ka na ba?” Lou asked ng nasa pila na kami papasok ng airport.
“Baks, seryoso ka ba jan sa tanong mo?” Tinaasan ko sya ng kilay. “Of course, sure na ko baks. Extended na nga ang bakasyon ko dahil sa nangyari sayo, marami ang nagiintay na trabaho sa firm and my boyfriend is waiting for me you know.”
Bigla niya akong binatukan dahil sa sinabi ko.
“Napaka sira ulo mo talaga.” Pagkatapos ay bigla namang nalungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Oh, anong nangyayari sayo?” Taka kong tanong.
“Nothing. Wait for me there.”
“Nope. Hindi ako aasa. Mukhang walang pagasang bumalik kayong dalawa don.” Tinapunan ko ng tingin si Luis na nakamasid lang sa amin.
“Ikaw! Galingan mo ang panliligaw!” Baling ko kay Luis.
“Akona naman nakita mo. Pumasok ka na nga!” Angil niya.
“Oo na papasok na. I will miss you both!” Una kong nilapitan si Lou para yakapin.
“Take care baks.” Bulong niya.
“I will baks, wag ka magalala. Please tell him to be happy.” Huminga ako ng malalim at kumawala sa pagkakayakap niya. Tumango siya at nahihiyang ngumiti.
Alam kong nahihiya siya sa akin dahil sa nangyari sa amin ng kanyang kapatid but it is no one’s fault.
Sunod kong nilapitan si Luis. “Seryoso ako. Galingan mo panliligaw. Hindi na ko aasang babalik kayo sa U.S. but I am so happy for the both of you.”
“I’ll be there. Pababantayan pa rin kita lalo na at wala ako don.”
“Yes po, kuya. But spare my dates please lang.” Masama ang tinging itinapon ko sa kanya.
“Not promising so behave.”
He’s at it again being our big brother from another mother, kaya nailing na lang ako at tuluyan ng nagpaalam sa kanila.
“See you when I see you!” Pinasigla ko ang boses ng magpaalam sinabayan pa ng pagkaway.
I will really miss my friends. Now, I have to start somewhere on my own. Walang tulong ng iba kundi ang sarili ko lang. Walang kasiguraduhan kung makakapag move on nga ako dahil matagal ko na iyong ginagawa pero walang nangyari. Pero sana, sana this time magawa ko na.
We are no longer friends, kaya wala na ring dahilan ang pagtawag niya sa akin.
It’s time to leave everything about him behind, setting him free and setting myself free from him.
----
Will be updating Private love real soon. :)