Chapter 11
“Pre, ayos ka lang?” Tanong sa akin ni Gary, one of the chefs here in Sibs, na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Tanging tango lang ang sinagot ko sa kanya at sinuklian niya ito ng hindi makapaniwalang tingin.
“Kanina ka pa jan. Kawawa yung mga sangkap sayo pre tinalo mo pa yung naggiling sa sobrang pino ng mga yan. Umalis ka na jan pahangin ka muna ako na bahala dito. Kanina ka pa wala sa sarili.” Pagtataboy nya sa akin.
He is right. Kanina pa nga lumilipad ang utak ko simula ng makompirma ko kay Lou that today is Carrie’s flight back to U.S. Kahit magulo sa kitchen dahil sa dami ng orders ay nagawa kong buo ng sarili kong mundo na hindi sila nakikita at naririnig.
Hindi na ako nagsalita at basta na lang tumalikod sa kanila para lumabas sa back door.
I am thinking on what’s happening on me, between us, on what dad told me ng magusap kami.
-----
“What are you guys up to? Bakit kayo naglalasing dis oras ng gabi? Sila Lou nasa taas umiinom din, may celebration bang hindi ko alam o may problema kayo pareparehas?” Hindi ko alam bakit kinabahan akong bigla sa tanong ni dad.
Niyaya ko si Angelo sa mini bar at doon nagsalin ulit ng alak, nanggaling na ako sa inuman but I still want to drink more, baka sakaling makapag isip ako ng tamas a mga nangayyari sa akin.
I know that Carrie is here, I wanted to see her and hold her. Masakit ng makipaghiwalay sya sa akin, sinubukan ko pa syang pigilan but it seems that her decision is final. Kasalanan ko din naman, I don’t know what I am feeling right now, naguguluhan ako.
The first time that I saw Eli again after so many years, I was awed, she’s still beautiful kahit na may na ito, halos hindi rin nagbago ang built ng katawan niya. I can see that she’s happy and there is something inside me na naiinggit, until there are questions popping out my mind like; what if hindi kami naghiwalay, kasal na kaya kami at may anak, what if ganoon nga ang nangyari masaya kaya kaming dalawa?
All the what ifs are stuck on my head. I searched for the feeling inside me, I am happy to see her happy but at the same time ay panghihinayang akong nararamdaman, idagdag mo pa ang inggit.
Nakakagago lang din na hiniling kong sana ako na lang yung naging asawa nya, sino ba naman kasi ang hindi hihiling ng ganon. Eli is my first love; I already planned my life and my future with her, but things happened and we grew apart.
And on the process of thinking my what ifs at kung mahal ko pa nga si Eli up until now ay hindi ko napansin na may tao pa lang nakatinggin sa akin. Yung tao palang nakakapagpasaya sa akin ngayon, unti unti ng nawawala dahil sa kagaguhan ko. I was not my intention to forgot about her, I was just too shock to see Eli again.
“Well as for me, I have a problem dad. Ewan ko lang sa mga ‘to. Umuwi galling Iloilo gusto daw makita si Lou dahil may post si Carrie sa social media kanina.” I pointed Gelo out.
Hindi ko pa rin nakikita ang sinasabi niyang post ni Carrie, knowing her she will post positivity with her friends as what she always does.
“Ano naman iyon?” Dad asked looking straight at me.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. I am glad that I can tell my parents everything that is happening to me with no judgements and all. Mabuti na rin siguro ‘to para may advice naman akong marinig, baka sakaling tumino ang utak ko.
“I saw her dad. I saw her with her family.” I chuckled; envy is spilling in my veins. “Kami sana ‘yon eh. Kami sana ang pamilya ngayon at hindi sila.” Pinagkatitigan ko ang basong hawak na tila ba iyon ang sagot sa problema ko.
“Anak, that only means one thing. Masaya na sya ngayon may anak na sila, so meaning masaya sya ngayon. Iyon naman ang gusto mo hindi ba? Ang magig masaya sya?”
And dad is right, sabi ko noon basta masaya lang sya okay na ko. Makita ko lang syang masaya kahit sa piling pa ng iba ayos lang. Mamahalin ko na lang sya sa malayo, sa paraang ako lang ang nakakaalam.
“Yes dad, her happiness before mine. Pero bakit ang sakit sakit? Ang sakit pa rin?” Wala sa loob kong sabi.
“Masakit ba talaga o naaapakan lang ang ego mo dahil masaya sya sa first love nya?” Natigagal ako sa kanyang sinabi.
Yes, nakatuluyan ng ani Eli ang first love nya. I didn’t know na noong busy ako sa aking pagaaral ay nagkakausap na pala sila ulit. And because I have lesser and lesser time ay nanumbalik ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Then I let go of her dahil ang sabi nya doon sya sasaya and she is, until now she is.
“May mga bagay na akala mo masakit pero hindi na pala.” Dugtong ni dad. “Nasasaktan ka lang na nakita yung dati mong mahal na masaya at ikaw ay hindi pa natatagpuan ang para sayo. Ikaw kasi eh hindi mo nililingon ang mga mata mo sa taong nandyan para sayo.” Panunuya ni dad sa akin. Alam kong may laman ang hirit ni dad. Alam ko rin na alam niya ang nangyayari sa amin ni Carrie.
Sino ba naman ang hindi makakahalata, nang umalis si Lou kaming dalawa ang naging close hanggang sa makaalis siya. Minsan pang naririnig nila mom at dad na kausap ko si Carrie sa phone at parang tanggang tawa ng tawa.
Umukilkil sa utak ko ang kanyang sinabi. Was is just my ego na hindi naman talaga ako nasasaktan? Baka nga naiinggit lang ako? Baka hindi ko na talaga sya mahal?
“Whatever dad.” I shrugged at iniisip pa rin ang sinabi niya.
If it was just my ego then I messed up big time. I started thinking kung ano ang mararamdaman ko kung ako ang nasa posisyon ni Vincent ngayon at may pamilya. Maybe I would still have my restaurants pero hindi ganito kasuccessful because of course I would put my family as my first priority. Knowing Eli, she’s career driven balak pa niyang pumunta ng ibang bansa dati to built her own name. We may grow togother but separately at mukhang mas mahirap ang long distance relationship. In the end, kahit sobrang mahal ko sya ay hindi ko kayanin at malamang na nagkahiwalay rin kami because of our priorities.
“…Cheers to the brokenhearted trio, we truly are each other’s life essentials. Philippines gives us heartache maybe US can bring us happiness.” Angelo said that pulled me back into my reverie.
What the…this is the first time Carrie posted something like that. Palaging masasaya ang post nito at puro positivity. If this is Carrie’s post then she is badly hurt by him, nang dahil sa kagaguhan niya. Hindi ko na napansin ang pinaguusapan nila ni dad at sunod sunod lang na uminom hanggang sa umakyat na si dad sa kwarto.
-----
I thought na mapipigilan ko pa sya sa kanyang pagalis lalo na noong nasa hospital si Lou, but I was wrong. As soon as my sister went out from the hospital, Carrie arranged and booked her flight back, siniguro lang talaga nitong maayos na ang kanyang bestfriend bago umalis.
And today is her flight, nang umalis ako kanina sa bahay ay niyaya pa ako ni Lou na ihatid si Carrie pero tumanggi ako. I don’t want her to go pero wala akong magawa, hindi ko alam kung papaano magsisimula at kung papaano sya mapapapayag na huwag ng umalis.
Maybe I should talk to her and tell her what I feel, that my dad is right, that it was just my ego hurting and not my heart. Na siya na ang gusto kong makasama ngayon, hindi si Eli at hindi kung sino.
With that in mind ay sumakay ako sa aking sasakyan at pinaharurot iyon patungong airport. Inabot pa ako ng halos kwarenta isingko sa byahe bago nakarating sa paliparan. Mabilis kong tiningnan ang bawat entrance kung nakapila pa roon si Carrie at ang kanyang kaibigan.
Mabuti na lang at nahagip ng aking mata si Lou and there she was. The person who brightens up my day every time I talked to her. She’s all smiles habang nagpapaalam sa mga kaibigan, but her smile doesn’t reach her eyes. I can see pain and sadness on them.
Kinabig ko ang manibela para maihinto ko ang aking sasakyan sa di kalayuan. Hindi ako makababa o makagalaw manlang, I am staring at her. I wanted to reach her pero nahihiya ako dahil sa nagawa ko.
How can I not see that this girl had given me everything she can give. Ang maging kapalit ni Lou noong umalis ang kapatid ko papuntang States, ang lagi kong ginugulo sa tuwing may problema ako sa kahit na anong bagay. She’s the person I can talk nonsense but ended up laughing hard.
Lahat ng sinabi kong gusto ko sa isang tao noon, lahat ibinigay niya nga walang reklamo.
Sabi ko noon gusto ko ng taong kayang igive up ang lahat para sakin, nang hiniling kong sundan nya si Lou, alam kong tinalikuran niya ang mga offers sa kanya dito para sundan ang kapatid ko. I knew that her plan is to get an experience here in the country bago lumipat sa U.S para kahit papaano ay may background siya but she granted my wish in an instant at sinundan niya ang kapatid ko.
Nang sinabi kong gusto ko ng taong makakapag pasaya sa akin, nagawa nya ng walang kahirap hirap. Simpleng pagkausap sakin tuwing tatawagan ko sya kahit pa sabihing magkaiba ang time zone namin, hindi nya alam, it is already enough for me.
Lastly, I want someone who would stay with me through thick and thin; and she did. She stayed late nights para making sa mga problema ko, she stayed with me lalo na noong mga panahong nalaman kong ikinasal si Eli and I was so devastated, hindi niya ako iniwan kahit sa tawag lang. She tried her best to lift up the weight in my heart. When I asked her to stay here in the Philippines ng makabalik sya she said yes ng walang pagaalinlangan.
But after everything that she did all I’ve caused her is pain at hiyang hiya ako dahil don.
What have I done?
I saw she turned her back papasok ng airport and my heart was ripped into million pieces that I didn’t recognize that my tears are already falling from my eyes. Sh!t nakaka bakla ang ganito.
Mas masakit pa ‘to nung naghiwalay kami ni Eli kasi ng hiniwalayan ko sya alam kong sasaya sya but seeing Carrie walks away now, I know she’s in pain and it is all because of me.
Ibinagsak ko ang aking ulo sa manibela, I can’t explain the pain I am feeling right now. Sobra pa sa sobra ang sakit, knowing that I didn’t only loose a friend, my bestfriend, my girlfriend, my happy pill, my sunshine but I lost her, I lost my Carrie.
I lost track of time at hinayaan lang ang sariling umiyak habang nakayukyok sa aking manibela until someone knocked on my window.
“Sir.” Katok ng nasal abas. Dali dali naman akong nagpunas ng aking luha para maharap kung sino man ito.
“Y-yeah.” Ibinaba ko ang bintana sa aking tabi.
“Sir, bawal po magtagal ng parking dito. May ihahatid po ba kayo?”
“Sorry.” Mahina kong sagot. “Nasa loob na. Pasensya na sir, aalis na rin ako.” Bahagya pa akong yumukod para humingi ng pasensya bago pinasibat paalis ang sasakyan.
Dahil alam kong hidi ako makakatulong ngayon sa restaurant ay umuwi muna ako sa aking condo, where I can see the overlooking view of the city. I want a quite place to stay para magpalipas ng bigat at sakit na nararamdaman at para makapag isip na rin kung ano ba ang pupwede kong gawin to have her back.
Kung noon siya ang nagbibigay at gumagawa ng ng mga gusto ko, this time ako naman. I will give her everything she wants and everything she needs. But one thing is for sure, she’s the only person I can’t let go off.
-----
“Princess?” Katok ko sa pintuan ng kwarto ni Lou. Mananaghalian na at ito ang isa sa mga madalang na pagkakataon na nagabot kami sa bahay dahil sa pagkabusy niya nitong mga nakaraanng linggo.
Simula ng malaman ni Lou na kasal ito kay Angelo at nagpropose si Angelo upang magpakasal sila ulit sa simbahan ay madalang ko na syang makita. She’s busy with the construction of the new hotel and ang pagpaplano sa kasal nila ni Angelo.
“Pasok po.” Sigaw niya.
When I opened her door ay nakita kong nakaharap siya sa kanyang laptop at may kausap doon.
“Princess kakain na. Tara na.” Anyaya ko sa kanya.
Her laptop was placed on her table kaya imposibleng hindi ko makita kung sino ang kausap niya. It’s her. The person I am longing for. She’s wearing a loose gray shirt and a black legging paired with boots and winter coat.
Happiness and longing are both growing in my chest. Sobrang saya ko at last ay nakita ko manlang sya and it hurts because I miss her so much. Gusto ko syang sundan noong umalis sya but I have to fix myself first. Gusto kong kapag nagkita kami ay wala na siyang makikitang pagdududa sa akin.
I made peace with my past, nakipag kita ako kay Eli to open up to her and tell her everything, lahat ng hindi ko nasabi noon ang sakit na matagal kong itinago. She said sorry and I did too. Sinabi rin niya sakin ang eksaktong sinabi ni dad, that it was just my ego hurting at that she thinks that Carrie is the one for me.
Naikwento ko rin sa kanya si Carrie, on how she became my friend, turned into bestfriend then girlfriend. Sinabihan pa niya akong tanga dahil hinayaan ko dawn a umalis si Carrie.
She’s happy with her family, it made her give up her career but she loves he decision, kita naman kung papaano niya alagaan ngayon ang kanyang pamilya. Napagtanto ko rin na kung kami ang nagkatuluyan ay mapapabayaan ko rin siya, way back all I could think is my restaurant at kung papaano papalaguin iyon para kapag nagkapamilya na ako ay sila naman ang magiging focus ko.
We separating ways turned out to be good for us. I achieved my personal goal ng hindi siya nasasakripisyo and so as hers.
“Wait lang kuya.” Lingon sa akin ni Lou tsaka bumaling ulit sa kanyang kausap. “Baks, magingat ka paguwi. Sumakay ka na ng taxi wag ka ng maglakad.” Bilin pa niya sa kausap.
I saw Carrie’s camera at tila ba nagsasara sila ng office. She’s with someone and that someone says hi to Lou after closing the door from their behind.
“Georgie! Thank you for accompanying Carrie tonight.” Bakas ang kasiyahan sa boses ng aking kapatid.
Who’s he? Close sila ni Lou? How come I didn’t know him? Kaano ano siya ni Carrie? Nanatili akong nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa laptop ni Lou. I am tall kaya kahit papaano ay kita ko ng buo ang screen ng laptop niya.
“No problem Lou.” Nakangiti ito sa camera bago bumaling sa katabi. “Anyway, your cab is here. See you tomorrow sweetheart.” Masuyo nitong nilapitan si Carrie at hinalikan sa pisngi.
“Fvck!” I cursed under my breath.
“Kuya okay ka lang?” Tanong ni Lou. Hindi ko napansing nilingon na pala niya ako dahil ang mata ko ay nakatutok lang sa kanyang screen.
I loosened my grip on the doorknob, but my jaw is still clenching. Bakit ganoon kabilis? I wanted to ask. Parang sinasaksak ang puso ko ngayon ng libong karayom at nananatiling nakabaon lang doon.
Ganoon ba kabilis mag move on? Magiisang buwan pa lang naman ah. Bakit ang bilis? Wala na talaga ko sa kanya? May pinagsamahan naman kami kahit papaano bukod sa higit isang linggo sa beach nila.
Huminga ako ng malalim at tipid na tumango sa aking kapatid.
“Baks sige na. I’ll call you tomorrow. Isesend ko sayo yung design sa 23rd floor para maipasa ko na rin sa client kung okay na sayo.” Medyo madilim na ang camera at tanging ilaw na lang na nanggagaling sa kasalubong na sasakyan ang tumatanglaw sa mukha ni Carrie.
I want to be with her this instant. I want to go and steal her from that man who calls her sweetheart.
“No problem. Wag mong madaliin. Paguwi mo kumain ka na. It’s late.” Bilin pa ng aking kapatid.
“Kumain na nga kami ni George kanina. Tatapusin ko na lang yung final touches sa design para okay na bukas.” Bakas ang pagod sa kanyang boses.
“Baks, magpahinga ka na please lang. You’ve done too many errands for today, magpahinga ka naman.”
“Relax mom.” Natatawa nito sagot. “Sige na, I’ll go ahead. Bye.” Iyon lang at nawala na ito sa screen ni Lou.
Napatungo ako habang nagiisip. I should not waste another day to woo her. Baka hindi pa naman huli ang lahat. Baka may pagasa pang maagaw ko sya. Baka may pagasa pang mahal pa rin nya ako, kasi kung matagal na nya kong mahal hindi naman basta basta mawawala yon diba?
“Kuya.” Lumapit sakin si Lou. “Okay ka lang?”
Yumakap ako sa kapatid ko para kumuha ng lakas pakiramdam ko pagod na pagoda ko kahit wala akong ginagawa. I rested my head on her shoulder dahil hinang hina ako.
“Ikaw kasi eh.” She teased.
“I know. I know. Kasalanan ko.” Ilang minuto pa akong nasa ganoong ayos. Si Lou naman ay tinatapik lang ang aking likod. “Did she move on already?” Mahina kong tanong.
Nagsisi pa ako dahil sa tanong ko. Natatakot ako sa maaaring isagot sa akin ng aking kapatid. What if she already did? Baka mabaliw na ako. Kung kay Eli ang tagal ko bago nakaahon baka kay Carrie idiretso na ko ng mental.
“Why don’t you ask her that personally kuya? Your questions, what ifs and fears, can only be answered by Carrie. I know what you feel right now and the only way to be happy is to ask her the questions in your head. Face your fear, kung may pagasa pa then be happy together, kung wala na then be happy for her, as simple as that.” Lintanya ni Lou.
And of course, she is absolutely right. Si Carrie lang ang sagot at makakasagot ng mg tanong ko. Now that I am sure of what am I feeling whether she moved on or not I will bring her back to me. Kahit magalit sya sakin habang buhay basta nasa tabi ko sya her wrath will all be worth it.
Pagkalabas na pagkalabas naming ng kwarto ni Lou at inilabas ko ang aking telepono. Booking a flight to where Carrie is, as soon as possible. I will start chasing my happiness, my heart, my life, my Carrie.
-----
Originally, this story is only up until Chapter 13 and I am still thinking if I will revise the last few chapters. hmm.
-----