XX. Mga Paano Kung

1668 Words
"Madam, may kailangan kayong malaman." bungad sa akin ni Aileen ng sunduin niya ako sa Airport. Halatang problemado ang mukha niya na nagbigay kaba sa akin. "Nasa bahay n'yo po si Mary Grace. Gusto nga daw po sana niyang sumama p-pero nahihiya daw po siya e." Isinalaysay ni Aileen sa akin ang lahat ng nangyare sa aking anak kaya dali-dali kaming umuwi. Pagdating ko ay nadatnan ko si Mary Grace sa veranda na tulalang nakaupo. Nang makita niya ako ay napatayo siya na inayos ang sarili. "M-Ma welcome back po." ika niya. Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Amoy chico siya at kay lalim ng mga mata. "Ako na d'yan Aileen." pagpi-prisinta niya sa pagpasok ng bagahe ko. Pinigilan ko siya pero mapilit si Mary Grace. "Your Lola is here! Come on Julie, bless ka kay Lola." utos pa niya kay Julie na lumapit naman nga sa akin at nag mano. Halata kong pilit ang mga ngiti ni Mary Grace. Alam ko na ang lahat, kung bakit sila nanditong mag-ina ngayon. Hinayaan ko na munang makapaghapunan kami at ng nasa silid na nito si Julie at Aileen ay saka ko kinausap si Mary Grace. Tinabihan ko siya ng upo sa veranda, nag-iisa siya at may hawak na lata ng beer. "Sorry Ma, wala lang talaga kaming mapuntahan ni Julie. Pero kapag nakakita ulit ako ng trabaho, maghahanap agad ako ng mauupahan namin." aniya sa malamig na tono. "Bakit ka pa mangungupahan? Bahay mo din naman ito." sabi ko ng nakatingin sa kanya, pero hindi niya magawang tumingin sa akin ng diretso. "Eh nahihiya ako sa inyo Ma." yumuko siya habang iniikot-ikot ang lata ng beer na hawak niya. Kinuha ko ang beer niya at hinawakan ang dalawang kamay niya "Anak, wag na wag kang mahihiya sa akin. Nanay mo ako e." inangat ko ang mukha niya at inayos ang buhok niya "Nandito lang ako." Pagkasabi ko nun ay bigla na lamang umagos ang mga luha ni Mary Grace na kanina pa niyang pinipigil. "Ma! Mama!" pag ngawa niya na parang paslit sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Matagal na pala niya akong niloloko Ma. Kabit niya yung sekretarya namin." sumbong pa nito. Hinagod ko lang ang likuran niya, hinayaan kong ilabas niya lahat ng hinanakit sa dibdib niya. Sinong mag a-akala na ang tatahi-tahimik na si Peter ay matagal na palang niloloko ang aking anak? Wala ng mas sasakit pa sa isang Ina na makita ang anak niyang nagdudusa. Totoo nga na kahit anong tampuhan ng anak at magulang, sa huli ay kayo padin ang magdadamayan. "Sorry Ma, I'm really really sorry. Sa lahat." wika niya habang hawak ang dalawang kamay ko. Umiling ako "Wala na 'yon sa'kin. Tapos na 'yon." Nagpalitan kami ng ngiti at saka bumaba ang tingin niya sa kanang kamay kong hawak niya. Nakita niya ang wedding ring sa aking daliri. Kinabahan ako dahil baka mainis o magalit nanaman siya pero pinagmasdan lang niya ito at saka nagsalita. "Ito yung reason kung bakit hindi ko agad nasabi sa'yo Ma. Because I don't want to ruin your wedding with Tita Ellie while worrying about me." "Ibig sabihin ba nito ay okay na sa'yo?" tanong ko sa kanya. Pinunasan niya ang mata niya "Ewan ko Ma, siguro? Okay in a way na hindi na kita papakielaman pa d'yan. I mean, bakit ko papakielaman yung marriage n'yo? Eh 'tong marriage ko nga hindi ko maayos." tinawanan niya ang sarili niya kahit na nasasaktan. "Lahat ng bagay naaayos kung gugustuhin ng parehong tao na ayusin ito." sabi ko sa kanya. Nagkaayos at nagkapatawaran kaming mag-ina ng gabing 'yon. Nalulungkot ako sa sinapit ng anak ko ngunit natutuwa din ako dahil kahit papaano ay nawala na ang galit niya sa mga tulad namin ni Ellie. "I miss you already Love." wika ni Ellie mula sa video call. Heto nanaman kami, malayo sa isat-isa. Kapag naaalala ko ang masasayang araw namin sa L.A ay tila isang kisapmata lamang, nakakabitin. Hindi yata sasapat ang buwan o isang taon, kung maaari lang ay gusto ko ng makapiling si Ellie sa araw-araw ng aking buhay. "Miss na din kita." "Kailan ka babalik dito?" Natawa ako "Kakauwi ko lang Love, pinababalik mo na agad ako d'yan." "Eh miss na nga kasi kita." "Ang totoo niyan Love, hindi pa pwede sa ngayon." Nilingon ko si Julie na naglalaro ng kanyang tablet sa sala. "Why not?" tanong ni Ellie "May problema kasi s-si Mary Grace sa marriage niya, kailangan niya ng isang ina ngayon." malungkot kong pagkukwento. "I see... I understand." nakita kong lumungkot din ang mukha ni Ellie. "Kapag okay na lahat, babalik agad ako d'yan." sabi ko sa kanya pero hindi padin umaliwalas ang mukha niya. "Makakabalik ka pa ba talaga?" tanong niyang may laman ng pagdududa. Bumuga ako sa hangin "Ano ba namang klaseng tanong 'yan Love? Syempre naman." "Oh' It's nothing." "Love, wala ka ng dapat ipag alala. Okay na, sa tingin ko ay tanggap na tayo ni Mary Grace." paliwanag ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa camera, hinaplos ko ang mukha niya sa screen. "Mahal kita Ellie." "Mas mahal kita Madel. Mahal na mahal." Ramdam na ramdam ng puso ko ang mga katagang binitawan niya. Bukod sa pagmamahalan namin ni Ellie na nagpapabata ng puso ko, dumagdag na din ang pagkakaroon muli ng buhay ng bahay ko dahil kay Mary Grace at Julie. Napansin ko din na nababawasan na ang paghawak nito sa gadget dahil kay Mae na mahilig mangulit ng bata. Naging malapit ulit sa isat-isa na parang magkapatid sina Aileen at Mary Grace. Dahil sa pag-alalay namin sa kanya ay unti-unting nakabangon ang anak ko. Muli niyang kinaya na harapin si Peter pero hindi na para makipagbalikan, kundi para linawin na tapos na nga talaga sila at mananatili na lamang ang koneksyon nila para sa kanilang anak na si Julie. Isang akala ko'y ordinaryong gabi lamang. Katatapos lang namin maghapunan, nanunuod ng telebisyon sina Aileen, Mary Grace, Mae at Julie habang ako naman ay pasulyap-sulyap lamang dito dahil mas abala ako sa aking librong binabasa. Ililipat ko na sana ang pahina ng may marinig kaming tinig. "Anybody home?" Pinasilip ko si Aileen sa bintana at biglang lumapad ang ngiti niya na tiningnan ako at saka dali-daling lumabas para pagbuksan ito. "S-Sino 'yon?" tanong ko kay Mary Grace na nakatayo na ngayon at nakatingin din sa labas. Tila hindi ito mapalagay na inayos ang sarili na iba ang isinagot sa akin. "M-Magtimpla lang po ako ng juice para sa mga bisita Ma." anito na tumalikod na patungong kusina. Pagbalik ko ng tingin sa pintuan ay napatayo ako't napaamang na lamang sa taong aking nasilayan. Lumapit siya sa akin, niyakap ako at hinalikan sa labi. "I missed you." sambit niya. Halos sumabog sa ligaya ang puso ko, tuwang-tuwa naman si Aileen at Mae na nakatingin sa amin. "A-anong ginagawa n'yo dito?" sa wakas ay nakapagsalita din ako na ibinaling ang tingin kay Prince at Marky. "Surprise, surprise." nakangising wika nilang dalawa na lumapit din sa akin para bumeso. "Who are they?" narinig kong tanong ni Julie, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at itinuro ko si Ellie. "She is also your Lola too. Call her Lola Ellie. And this is Tito Prince and Tito Marky." pakilala ko kay Julie na mayroon padin mga tingin na nagtataka. "Hi baby, what's your name?" tanong ni Marky kay Julie na lumuhod pa para maging ka-lebel lang niya ang bata. "Hindi na ako baby." sagot ni Julie. "Oh nagtatagalog ka pala." ani Marky na natawa. "Syempre filipino ako e." pilosopong sagot ng aking apo kaya lahat kami ay nagkatawanan. Dumukot ng coin si Marky sa kanyang bulsa at nagpakita ng simpleng magic trick kay Julie. Manghang-mangha naman ang bata. "Ehem." napalingon kaming lahat kay Mary Grace na may bitbit na tray ng juice. Nagkatinginan sila ni Prince ng awkward. Bago pa magka-dead air ay kinuha ko na kay Mary Grace ang tray. "Heto na pala ang drinks natin eh." wika ko at sinalinan na ang mga baso nila. Napakasaya ng inakala kong ordinaryong gabi lamang. Nakapalagayang loob agad ni Marky ang apo kong si Julie at Mae. Si Aileen at Prince ay nagkukwentuhan ng masaya habang hindi ko naman mapigilang hawakan ang kamay ni Ellie sa harapan nilang lahat. Masaya na sana ang gabing ito, ngunit ng makita ko sa isang sulok si Mary Grace na nag-iisa ay nalungkot ako. "Mary Grace, manang-mana sa'yo ang anak mo. Kay gandang bata." nagulat ako sa pagpansin na iyon sa kanya ni Ellie. Halatang nagulat din si Mary Grace. Alanganin siyang ngumiti "S-Salamat." "We're really sorry for barging in this late." ani Prince. Umiling si Mary Grace "No it's okay. Maaga pa naman at..." tumayo siya "I think I'll go ahead. Kung may kailangan ka Ma, nasa kwarto lang po ako." binalingan niya ng tingin si Julie "Julie, let's go." pag aya niya na dito. "But Mom! I'm still watching Tito Marky's magic!" rereklamo pa sana ito pero sinamaan siya ng tingin ni Mary Grace kaya sa huli ay wala din nagawa ang bata kundi sundin ang nanay nito. Nang wala na si Mary Grace at Julie ay napabuga nalang sa hangin si Aileen "Awkwaaard." Hinayaan nalang muna namin si Mary Grace. Alam kong hindi niya pa alam kung paano pakikisamahan ang mga taong dati niya nakasamaang loob. Nagulat naman ako ng sabihin nilang uuwi pa sila sa hotel na kanilang tutuluyan. "Hindi ba pwedeng dito ka nalang matulog Love?" wika ko kay Ellie. Ngumiti siya "Miss mo na agad ako 'no?" "Clingy much lang Madam?" sabad ni Aileen, dahilan kaya nagtawanan sina Prince, Marky at Mae. "I'll see you tomorrow." ani Ellie. Niyakap ko siya at kung maaari lang ay ikulong ko na ang babaeng ito sa mga bisig ko. Nang gabing iyon ay nakatulog ako ng masaya at nasasabik na agad gumising upang makasama siyang muli. Paano'y susunduin daw nila ako bukas at isasama sa pamamasyal. Abot langit ang dasal ko na kung pwede ay wala ng kapalit na lungkot ang lahat ng kasiyahan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD