XIX. Mga Paano Kung

2157 Words
"Tell me the truth Madel, bakit gusto mong tumira dito sa L.A?" biglang tanong ni Ellie. Napaamang tuloy ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Madali lang sanang sagutin ang tanong niyang iyon kung hindi ko siya paulit-ulit na binigo noon. Pero may matinding hiya sa dibdib ko ngayon na kailangan kong paglabanan, dahil alam kong hindi na ako dapat pa magsayang ng oras. Napalunok ako ng laway at kinuha ang mga natitirang tapang ko sa aking sistema para tingnan siya ng diretso. "D-Dahil nandito ka." nauutal kong sagot sa kanya. "I still don't get it. Why?" muli niyang tanong. "Dahil gusto kitang laging kasama at-" "Ang dami mo namang paligoy-ligoy." sabad niya ng nakangisi. Bahagya din akong napangiti na itinaas ang kamay bilang pagsuko "Okay-okay kung anoman yung nasa isip mo ngayon, tama ka." sabi ko. Sumingkit ang mga mata ni Ellie na nagmaang maangan "Mm, wala naman akong naiisip." aniya. Pabiro kong tinapik ang braso ng matandang 'to "Ah basta! Yun na 'yon!" sabay takip ng mukha kong nahihiya. Natirig kong bumuga siya sa hangin "Mahal mo parin talaga ako 'no?" sabi niya. "Alam mo naman pala eh." sabi ko na sa iba padin nakatingin at hindi sa kanya. "Minsan hindi sapat na alam mo lang, mas masarap padin yung naririnig mo. Mahirap na, baka mamaya nag a-assume ka lang pala." parinig pa nito kaya tiningnan ko siyang muli "Mahal kita at sorry... Sorry dahil pumayag akong makasal sa lalake. Sorry dahil hindi kita pinili sa dami ng mga pagkakataong binigay sa akin ng tadhana. Sorry talaga... sa lahat-lahat." sabay baba ng tingin sa mga kamay kong nanlalamig sa halo-halong emosyon na aking nadarama ngayon. Nasabi ko din, ang mga bagay na gusto kong sabihin kay Ellie at ito na din ang pagkakataon para tunay na malaman kung mapapatawad pa kaya niya ako? Mamahalin pa kaya niya ako? Tumingin siya sa makulay na city lights. Tila mga bituwin ito sa aming harapan. Sinusulyap-sulyapan ko siya habang naghihintay ng kanyang reaksyon. Pero ngumiti lamang siya na may kumikinang na mga mata. "You know what? My secret to happiness is focusing on 'Now' instead of yesterday's regrets." bigla niyang hinawakan ang kulubot ko ng kamay, nagbigay ginhawa sa akin ang mainit niyang palad. "And I also want you to do that from now on. Let's start living today Madel." inilapit niya ang kamay ko sa kanyang labi at tinaniman ito ng munting halik "If there's one thing that I still carried from the past, that is my undying love for you." Halos malusaw ang puso ko sa ligaya ng sambitin niya ang mga katagang 'yon. Sa dinami-rami ng mga maling desisyon ko sa pag-ibig noon ay alam kong ngayon tatama na ako. Mangiyak-ngiyak kong hinaplos ang pisngi niyang may mga pekas na ngayon, pero sa mga mata ko'y siya padin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Dahan-dahan naglapit ang aming mga mukha at muli kong naramdaman ang labi niya sa labi ko. Paggising namin ng umaga ay halos hindi na kami mapaghiwalay ni Ellie. Habang naghahanda siya ng agahan ay nakabuntot ako sa kanya. Nung nagdilig naman ako ng mga halamanan niya ay nakayakap naman siya sa aking likuran. Ang lapad tuloy ng ngiti sa amin ni Prince ng makita kaming nagkukulitan habang tinuturuan ako ni Ellie na mag cross stitch. "Did I miss something? May hindi yata kayo sinabi sa akin?" usisa ni Prince na tinitingnan kami ng mapang-asar. "Well son, I hope you don't mind having a two-old-mommies." sagot sa kanya ni Ellie na hinalikan ang kamay ko sa harapan ni Prince. Nanlaki ang mga mata nito "Y-You're back together?! Woohoo!" masayang sigaw pa ni Prince na linapitan kami at inakbayan sabay halik sa pisngi naming dalawa. "I always knew you belong together." dagdag pa nito. Nang sunduin na ni Marky si Prince ay kaming dalawa na lamang ni Ellie ang naiwan sa kanyang bahay. Para tuloy kaming newly weds na nagha-honeymoon. Siguro kung may makakakita sa amin ngayon, sasabihin nitong pulos kulitan at lambingan ang dalawang matandang ito, yuck! Pero ano nga kayang yuck? May batas bang bawal ng magmahalan ang mga senior citizens? Natawa ako sa isiping iyon kaya tinanong tuloy ako ni Ellie kung bakit ako napapangiti. "Nakakatuwa lang kasi mga gurang na tayo gume-gelpren pa." sabi kong natatawa. "Oo nga. Pakasal na ba tayo para asawa na kita?" tumaas-taas pa ang dalawang kilay niyang nangkukumbinse talaga. Tinulak ko siyang pabiro "Sira! Walang nagkakasal sa mga tulad natin 'no." Umiling siya "Nasa year twenty fifteen ka na my love. Two thousand eight pa na-legalized ang Gay Marriage dito sa America." paliwanag niya sa akin. "Talaga?" hindi ako makapaniwala, pero masaya ako na bukas na pala ang isip ng nakararami sa mga tulad namin ni Ellie. Tumango siya "And I think if we get married malakas ang possibility na ma-adjust natin ang status mo from tourist to resident." Niyakap ko siya na ikinagulat niya "Hey, love bakit?" tanong niya habang hindi ko na mapigilan umiyak sa balikat niya. "H-Hindi lang ako makapaniwala na posible pala talaga, ikaw at ako na parehong babae. Sobrang saya ko." sambit ko sa gitna ng aking paghikbi. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi "Eh sino bang nagsabi na imposible? Yung mga taong makikitid ang ulo? Yung mga taong relihiyosong walang lohiko? They're just nobody. Mas makapangyarihan ang love." ani Ellie. "Paano kaya kung naging tulad kita, malaya at matapang 'no? Paano kaya kung-" "Shh..." Pinahinto niya ako sa mga sasabihin ko pa sana "What did I told ypu last night?" tanong niya. Napaisip ako "Na mahal mo ako? haha." "My gosh, ulyanin na ang love ko." biro niya "I said let's start living today 'diba? Paano kung magfo-focus lang tayo sa ngayon? Paano kung iisipin lang natin ang isat-isa sa araw na 'to? Mas masaya 'yon di ba?" sabay tusok ng hintuturo niya sa biloy ko kaya napangiti nanaman ako. Sobrang saya ng bawat araw kasama si Ellie. Para na talaga kaming mag-asawa, walang araw na hindi kami nagtatawanan. Tunay ngang City Of Dreams itong Amerika, para akong nasa isang magandang panaginip. Diyos ko, huwag mo na po sana akong gisingin. Isang araw ay isinama ako ni Ellie sa Ralphs, grocery siya dito sa L.A. Habang kumukuha kami ng mga bagong stocks para sa bahay ni Ellie ay nagkukwento siya tungkol sa mga kultura ng tao dito, para din daw hindi ako mahirapang mag adjust. Nalaman ko sa kanya na karamihang mga tao sa L.A ay pangarap maging tanyag sa larangan na kanilang napili, pag a-artista man o sa pagiging manunulat. Pansamantala silang nagtatrabaho habang hinihintay ang kanilang pagkakataong sumikat, kaya required dito na kapag kumain ka sa restawran ay magbibigay ka ng tip sa mga food crew, hindi lang maliit na pagsuporta sa kanilang mga pangarap 'yon kundi isang karangalan sa'yo sakaling isa pala sa mga binigyan mo ng tip ay magiging sikat na holywood star sa future. Nasa organic section na kami ng may pamilyar na boses ang kumuha ng atensyon namin ni Ellie. "Oh my god! Ellie?! Madel?!" Ang ex ni Ellie na si Hannah, naka-angkla ang braso nito sa isang latino. "Solo iré allí." narinig naming wika ng lalakeng latino kay Hannah. "Claro Mi Amor, adelante." pagkatapos sabihin 'yon ni Hannah ay lumayo na yung latino para tumingin sa ibang section. Malinaw na boyfriend o asawa 'yon ni Hannah dahil ang Mi Amor ay Mahal ko sa tagalog. Kahit kaunti naman ay natatandaan ko pa ang ibang mga salita sa Spanish subject namin noong kolehiyo. "Wow, you both look great! I'm glad to see you here Madel." ani Hannah. Tiningnan ko ang reaksyon ni Ellie pero kalmado lang din niyang binati si Hannah na hindi manlang binitawan ang kamay ko. Napatingin doon si Hannah "I'm happy you two worked out really well." aniya na medyo nailang tuloy ako dahil noon ay itinatanggi pa namin na wala kaming nararamdaman sa isat-isa. "You know what they say, a good relationship starts with a good friendship." sabi Ellie sabay tawa. "That's true. Alejandro and I became friends after we broke up and then we took it to the next level. I wouldn't met Alejandro if not for all of that. So thank you Ellie, Madel." nagulat ako sa sinabi ni Hannah. Tunay nga na ang mga foreigners ay hindi mapagtanim ng sama ng loob. Hindi sila bitter at masentimento sa mga Exes nila. Kung sabagay, walang maitutulong sa buhay ang pagiging ampalaya. Pagkatapos ng maikling kamustahan ay nagbigay siya sa amin ng calling card. May resort business kasi sila ng asawa niyang si Alejandro at discounted na daw kami kung balakin naming pumunta duon. Naging mabilis ang mga araw na lumilipas. Palapit ng palapit ang araw ng aking pagbalik sa Pilipinas. Ayaw ko man malungkot ay hindi ko maiwaksi sa aking isip na muli akong mawawalay kay Ellie. "Love, magpakasal na kaya tayo bago ako umuwi ng Pilipinas?" tanong ko kay Ellie. Humigop siya ng kape na parang wala lang ang sinabi ko "Eh paano tayo makakasal? Wala pa namang proposal." sabay irap sa akin. Aba! Ang matandang 'to, nagtataray. Kumuha ako ng pulang sinulid na ginagamit namin pang cross stitch at gumupit ng maikling piraso nito. Pagkatapos ay lumuhod ako sa kanyang harapan, halos maibuga niya ang kapeng iniinom niya. "W-What are you doing?!" tanong niya. Binuksan ko sa aking kamay ang invisible ring box at saka binitawan ang mga kataga. "Love, take this. I want you to spend the rest of your life with me." ma-awtoridad kong sabi. Natatawang naiiyak si Ellie "What the hell? Paano ako mag ye-yes e hindi naman tanong yung sinabi mo." Kinuha ko ang kanang kamay niya at tinalian ng pulang sinulid ang kanyang pala-singsingan. "Hindi talaga 'yon tanong, gusto ko lang na malaman mo that I am marrying you sa gusto at sa gusto mo." Maluha-luha si Ellie sa katatawa, inalalayan niya ako na hirap na hirap sa aking pagtayo. Ahay, ang hirap talaga kapag makunat na ang mga buto pero ayos lamang basta nagmamahal padin ang puso. Niyakap niya ako ng mahigpit "Thank you." Pinagmasdan niya ang pulang sinulid na nasa daliri niya, tuwang-tuwa siya na para bang diyamante iyon. "Palitan ko nalang 'pag nakabili na ako ng tunay na engagement ring." Isang linggo bago ang aking pag-uwi ay nagpakasal na nga kami ni Ellie. Tanging sina Prince, Aileen at Hannah lamang ang nakakaalam ng nangyareng simpleng kasalan. Inoffer ni Hannah ang resort nila para sa aming honeymoon, malugod namin iyong tinanggap. Sa kabila ng masasayang mga pangyayare ay may bagay na bumagabag sa amin. Ang pagpapasa ko ng aplikasyon upang maging residente ng Amerika. Sinabi sa amin na malaki ang posibilidad na ma-reject ako dahil tila sadya daw ang kasal namin para lang sa residency. Madaming komplikasyon kung ipipilit kong magka-green card lalo na't matanda na ako, iniisip nilang ang habol ko na lamang ay ang benipisyo ng kanilang bansa. Labis akong nalungkot pero pinili kong sulitin na lamang ang mga nalalabing araw ko na kasama ang asawa kong si Ellie. Habang nagbababad kami sa private pool ng resort nina Hannah ay nahalata ko din na malalim ang iniisip ni Ellie kaya niyakap ko siya "Okay ka lang?" "Oo naman, kasama kita eh." halatang peke ang ngiti niya na biglang naglaho "But to be honest I'm a bit worried. Sorry." "Alam ko." "Napapaisip lang ako Love, what if umuwi nalang ako ng Pinas with you? Nandoon pa naman yung bahay namin sa Bulacan. We can live there." ideya niya. "Sa probinsya pa talaga natin?" tumawa ako "Alam mo naman na napaka relihiyoso ng mga tao dun at siguradong pagchi-chismisan lang tayo hanggang sa mapa-away ka." dagdag ko pa. "The hell do I care? Edi pag chismisan nila. Importante pa din ba sa'yo ang judgements ng mga tao?" Umiling ako "Hindi iyon. Gusto ko lang kasi ng tahimik na buhay kasama ka. Gusto ko na dito sa Amerika, malaya tayo at malayo sa mga manlilibak sa atin." dahilan ko pa. "Mahabang proseso ang pagkuha ng residency Love. It will take you years at wala pang kasiguraduhan. I don't think I can live another year without you beside me. Ang sa akin lang, pwede na agad akong umuwi sa Pilipinas at makasama ka na habambuhay since may dual residency naman ako." paliwanag niya sa akin. Alam kong tama siya pero tama din siya na natatakot pa ako sa mga maaaring sabihin ng kababayan namin sa Pilipinas. Nakakulong padin sa maling paniniwala at kultura ang lupang aming sinilangan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang kumilos ulit doon pagkatapos kong makatikim ng kalayaan sa ibang bansa. Sumapit na nga ang araw ng aking pagbalik sa Pinas. Baon ko ang mahigpit na yakap at matatamis na halik ni Ellie mula Amerika ngunit ramdam ko padin ang lungkot sa aming distansya. "Madam, may kailangan kayong malaman." bungad sa akin ni Aileen ng sunduin niya ako sa Airport. Halatang problemado ang mukha niya na nagbigay kaba sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD