XIII. Mga Paano Kung

1944 Words
“Good Morning Love.” Bungad niya sa’kin habang nagtitimpla ako ng kape sa kusina. Pinandilatan ko siya “Love ka d’yan! Marinig tayo ni Mary Grace!” pagsaway kong pabulong ngunit may diin. “Why? Baka nga matuwa pa ‘yon eh.” “Baka kamo atakihin sa puso.” biro ko at saka kami nagtawanan. “Hey! Mukhang nagkakatuwaan kayo d’yan ah.” Nabigla ako sa pagdating ni Mary Grace sa eksena. Umusad ako ng konti palayo kay Ellie at pumunta naman siya sa gitna namin para kuhanin ang tumbler niya na nasa likuran lang namin. “By the way Tita, nakauwi na pala ng Amerika si Tita Hannah? Kamusta na pala kayo?” tanong niya. Napangiti ng alanganin si Ellie “Ah-eh, Oo nga. I actually went to the Airport yesterday to see her.” “Edi okay na po kayo.” “Actually hindi na kami. Pero okay kami.” paliwanag ni Ellie. “Wow… Sigurado pong mami-miss ni Prince si Tita Hannah. Sabi niya kasi parang second mom niya na din si Tita Hannah eh.” Nakita kong lumungkot ang mukha ni Ellie “She will always be Prince’s mom. Hindi ko naman ipagkakait sakanila ‘yon eh. Oh, eh nag breakfast ka na ba?” agad na pinalitan ni Ellie ang paksa. “Sa office nalang po, male-late na ako eh.” wika ni Mary Grace na bumeso sa aming dalawa “Alis na po ako Ma, Tita.” Kakaway-kaway pa si Ellie “Bye, ingat.” nang matanaw niyang nakaalis na ang kotse ni Mary Grace ay agad niya akong ninakawan ng halik sa pisngi. Napangiti ako, hindi akalaing sa tanda kong ‘to ay makakaramdam padin ako ng kilig sa katawan. Pagkatapos naming mag almusal ay isinama ko si Ellie sa aking restawran para hindi siya mainip sa bahay, bukod pa duon ay para masulit ang mga natitirang araw niya dito sa Pinas. Kay lapad ng ngiti ni Ellie pagpasok ng Kusina ni Maria pero naglaho ito nang ang bumungad sakanya ay si Aaron. “G-Good Morning po Mam Madel, Mam Ellie.” pagbati ni Aaron sa’min. “What is this guy still doing here?” aniya na tinaasan ng kilay si Aaron. “Ellie, he’s just a boy.” sabi ko lang sakanya, pero nilapitan niya padin si Aaron. Kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni Ellie sakanya, kaya hinawakan ko ang kanang kamay ni Ellie. Tinitigan siya ni Ellie ng mata sa mata pero hindi nagawang makipagtagisan ng tingin ni Aaron. “Sana ako na yung huling taong tatarantaduhin mo.” ngumiti si Ellie ng nakakaloko “Tinagalog ko na para maintindihan mo iho.” “Opo Mam.” ang tanging naisagot ni Aaron. Napangiti ako sa tapang na pinakita ni Ellie, maging si Aileen ay napa-palakpak “Idol ko na yata kayo Mam Ellie!” sabi pa nito. Kapag abala kami sa restawran ay nagbabasa lamang si Ellie ng libro sa isang tabi, pagdating ng lunch break ay kasabay ko siyang kumakain. Kung minsan ay ibinabalik ako nito sa mga ala ala namin sa canteen ng eskwelahan namin noong mga estudyante pa lamang kami. “So kailan natin sasabihin sa mga bata?” naputol ang pagre-reminisce ko ng marinig ang sinabi ni Ellie. “Kailangan pa ba nilang malaman?” tanong kong pabalik sakanya. “Oo naman Love. Malalaki na sila, they will understand, lalo na hindi na naman ‘to bago pa sa anak mo since she met me when I’m with Hannah.” Umiling ako “Hindi mo naiintindihan, Iba ang pananaw ni Mary Grace tungkol sa same-sex.” Parang nagulat si Ellie “Really? So those things na pinapakita niya sa’min puro ka-plastikan lang?” tila inis ang tono ni Ellie. Agad ko siyang inawat “Teka hindi perpekto yung anak ko pero ‘wag mo naman sana agad pinaparatangan ng plastic si Mary Grace.” “Hindi ko siya pinaparatangan, nagtatanong lang ako. And don’t you think we’re too old for a secret love?” Napahawak ako sa aking noo “Basta, ayokong malaman ni Mary Grace at Prince ‘to.” paglilinaw ko sakanya. “Okay.” Halatang napipilitan lang na sagot ni Ellie. Sa bahay ay mas dumadalas na din ang pagbisita ni Prince. Marahil tulad namin ay sinusulit lang din niya ang mga natitirang araw nila ni Mary Grace. Nanunuod ng movies ang dalawa ng pumasok ako sa banyo. Nang sasaraduhan ko na ang pinto ay biglang pumasok si Ellie at tinulak ako paloob sabay lock ng pinto. “Anong ginagawa mo dito?!” bulong kong tanong sakanya. Inilagay niya ang hintuturo niya sa harapan ng labi niya “Shh… Gusto mo ng secret love ‘di ba? I’ll give it to you.” sabi niya na idinikit ang likuran ko sa pader, ikinulong niya ako sa kanyang mga braso at pinupog ng halik. Napapahagikgik na lamang ako sa kalokohan niya. Pagkatapos ay dahan-dahan kaming lumabas ng banyo. Inayos ko ang sarili ko bago nagpakita sa dalawa na abalang-abala parin sa pelikulang pinapanuod nila kanina pa. Nasundan pa ang mga nakaw na sandali namin ni Ellie, sa bahay at maging sa restawran. Totoo nga yata ang bumabatang pabalik kapag tumatanda na. Isang gabi habang kumakain kami ng hapunan ay bigla akong pinansin ni Mary Grace “Blooming ka yata ngayon Ma?” aniya. Tiningnan naman ako ni Ellie na nakikisakay kay Mary Grace. “Nagdadalaga yata ang Mama mo.” Malakas na bulong niya kay Mary Grace para marinig ko. Natawa naman si Mary Grace sa sinabi niya “Sa inyo po pala namana ni Prince ang sense of humor niya.” wika nito. Masaya akong pinagmamasdan ang Mother-Dauther in Law bonding ng dalawa. Ito ang kinakatakot kong mawala kapag nalaman ni Mary Grace ang sikreto namin ni Ellie. Tahimik na ang malamig na gabi, nakatayo si Ellie sa harap ng hardin ng lapitan ko siya at sinuotan ng kanyang panlamig “Malalim yata ang iniisip mo Love.” Hinawakan niya ang kamay ko “Alam mo naman na malapit na kaming bumalik sa Amerika.” aniya sa nakakalumbay na tono. “Nandito ka pa. Huwag mo munang isipin ‘yon.” sabi ko sakanya para gumaan ang kanyang pakiramdam, kahit na ang totoo ay pareho lang din kami ng iniisip. Ngunit hindi yata epektibo ang sinabi ko kaya malungkot padin ang mukha niya na humarap sa akin. “You don’t get it Love, nasa Amerika ang buhay ko.” Kinuha ko ang dalawang kamay niya at dinala sa aking labi para taniman ng halik “Ikaw ang buhay ko Ellie.” May namuong luha sa kanyang mga mata “Kaya mo bang iwanan ang Kusina ni Maria? Si Marry Grace? Si Aileen? Ang mga taong nagmamahal sa’yo dito sa Pilipinas?” Ngumiti ako “Naaalala mo ba yung liham ko sa’yo sa email? Punong-puno ako ng pagsisisi dahil sa mga bagay na hindi ko nagawa. Mga pagsisisi sa madaming panahon na hindi kita pinili. Ellie, kulubot na ang balat ko at pumuputi na rin ang mga buhok ko. Sa lagay kong ito, sila pa din ba ang kailangan kong isipin?” Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mata ni Ellie. Ramdam kong may parte padin sa puso niya na hindi naniniwala sa akin. Hindi ko siya masisisi, dahil sa noon pa man ay wala akong ginawa kundi ang unahin ang ibang tao kaysa sakanya, kaysa sa ikaliligaya ko. Pinunasan ko ang pisngi niya at banayad naman niyang hinaplos ang likod ng kamay ko “Magtiwala ka, hinding-hindi na ako papayag na maiwan ka pang muli.” sumpa ko sakanya at sa Diyos na saksi sa aming pagmamahalan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, kinabig ko siya sa batok at dahan-dahang inabot ng labi ko ang labi niya. Ramdam naming ang t***k ng puso ng bawat isa na tila isang musikang sabay na kumakanta. *CrAksh!* Bigla kaming sabay na napatingin sa bagay na nabasag sa aming likuran, at gulat na natagpuan namin ang basag na baso at nakakalat na gatas sa sahig. Nakatayo sa harapan nito si Mary Grace na gulat na gulat din na nakatingin sa aming dalawa ni Ellie. “Anak.” Bigla siyang yumuko na nagmadaling pinulot ang mga basag na piraso ng baso pero nilapitan ko siya ‘Anak wag na, ako na d’yan.” ‘Hindi na Ma, ako na!” galit ang tono niya “Aray!” Nakita kong dumudugo ang kanyang daliri. Nagpresinta si Ellie na siya nalang ang magliligpiit sa nabasag na baso. Pumasok na kami ni Mary Grace sa loob upang gamutin ang sugat niya. “Sabi ko na kasing ako na, ayan tuloy nasugatan ka pa. Buti na lang at may first aid tayo.” Sabi sakanya habang nilalagyan ng band aid ang sugat niya. Kanina pa siyang tahimik, at alam kong dahil ‘yon sa nakita niya. “Ayan, okay na.” sabi ko matapos kong gamutin ang sugat niya. Tiningnan ko siya, naghihintay ng kanyang sasabihin pero ni ayaw man lang niya akong tapunan ng tingin kaya tumayo na ako para ibalik ang first aid box ng bigla siyang umimik. “Hindi okay, hindi okay ‘yun Ma.” Natigilan ako at nilingon siya “Mary Grace, anak. Alam kong iba ang pananaw mo sa mga tulad ni Ellie.” “Tulad namin.” Pagsabad ni Ellie na kapapasok lang. “Mary Grace, I love your Mom.” “Hindi totoo ‘yan.” tanggi ni Mary Grace. “Pwede ba Ellie!” tiningnan ko siya ng may pagbabanta. “Ellie? Anong nangyare dun sa Love?” pang-aasar pa niya. Tumayo na din si Mary Grace sa kanyang kinauupuan “Ma, Tita Ellie. Alam n’yong mali ‘to.” “Really? At sinong may sabi?” pamimilosopo ni Ellie. Muli ko siyang tiningnan ng masama kaya itinaas na niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko “Fine. Pero sana maalala mo pa yung mga pinagsasabi mo sa’kin kanina pagkatapos nito.” aniya bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. “Hindi ako makakapayag na impluwensyahan ka ng ka-tomboyan ni Tita Ellie! Ma naman!” bulalas ni Mary Grace ng kami nalang dalawa. “Hindi niya ako inimpluwensyahan anak. Please, hayaan mo akong magpaliwanag.” Sa wakas ay kumalma na din siya ng mapansin ang nangingilid kong mga luha sa mata. Siniwalat ko sakanya ang lahat ng pagtingin ko noon pa kay Ellie. Ang napilitan ko lang na pagpapakasal kay Miguelito at ang lihim na relasyon namin ni Ellie ngayon. “Maniwala ka, noon pa akong ganito.” Umiling si Mary Grace na umiiiyak na din “All this time, niloko mo lang pala si Papa. Produkto lang pala ako ng kasinungalingan?” Niyakap ko siya “Anak hindi ganon, minahal ko ang Papa mo sa ibang paraan. Nandito ka dahil produkto ka ng pagmamahal namin.” kumbinsi ko sakanya. Bigla siyang lumayo sa akin at kumawala sa yakap ko “Hindi, hindi ako naniniwala. Mamili ka, ako na anak mo o ang imoral na relasyon niyo?” Hindi ko akalain na muling madudurog ang puso ko ng dahil sa mga salitang binitawan mismo ng sarili kong anak. Tuloy-tuloy ang aking pagluha, litong-lito at nahahati ang puso sa kung ano ba ang dapat kong gawin? Parang nanumbalik ang lahat, noong nabubuhay pa si Ina. Kung paano niya ako tingnan ng may pangdi-diskrimina. Nanginginig ang mga labi ko sa pagsusumamo “Nak, wag naman sanang ganito. Pareho ko kayong mahal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD