XIV. Mga Paano Kung

1893 Words
Nangyari na nga ang bagay na kinatatakutan ko, ang malaman ni Mary Grace ang aming lihim na pag-iibigan. Agad niya itong ipinarating kay Prince ngunit sinang-ayunan nito ang aming relasyon kaya nagalit din sa kanya si Mary Grace. Kinwento sa amin ni Prince na pinagbawalan na siya nitong pumunta sa bahay, maliban na lamang kung susunduin na din nito pauwi ang Mommy Ellie niya. Pagkatapos ng mga nangyari ay hindi na kami sinasabayan ni Mary Grace kumain. “Nak, niluto ko yung paborito mo oh.” pag-aanyaya ko sa kadarating lang na si Mary Grace. “Busog ako.” malamig na sabi niya at tuloy-tuloy na tumungo na ito sa kanyang silid. Parang pinipiga ang puso ko sa pagtatampo niya sa’kin. Hinaplos ni Ellie ang balikat ko “Maiintindihan din niya tayo. Give her time.” “Paano kung hindi? Ayaw kong mawalan ng anak. Ayaw kong tuluyan siyang magalit sa atin.” Nakita ko ang mukha ng pagsuko ni Ellie “Then, it has to be me.” Tila tinik sa puso ko ang sinabi niyang iyon. Umiling ako “Hindi. Ayoko.” “She’s your daughter.” Bumuga siya sa hangin. “And to be honest, hindi ko alam kung may laban pa ba talaga ako dito?” “Ellie naman.” Alam ko ang iniisip ni Ellie at sa pagkakataong ito ay ayaw kong maging tama siya. Sa tuwing nagkikita kaming tatlo sa isang parte ng bahay ay nadarama ko ang tensyon kahit walang nagsasalita sa’min ni Mary Grace at Ellie. Hanggang isang umaga ay nagising ako sa tinig ng dalawang taong nagbabangayan. “Ano bang kaguluhan ‘to?” bungad ko sakanya na suot pa ang aking pantulog na daster. Nakapamewang si Mary Grace, hawak ang isang kulay asul na tasa. Sabay silang nagsasalita ni Ellie na hindi pinapansin ang presensya ko kaya pumagitna na ako sakanilang dalawa. “Tumahimik nga kayo! Pwede ba?!” sigaw ko sa kanilang dalawa at sa wakas ay dininig din nila ako. “Ginamit niya ang tasa ni Papa!” sumbong agad sa’kin ni Mary Grace. Tumawang hindi makapaniwala si Ellie “Hindi ko nga alam. Why are you making it such a big deal?” Napahawak ako sa noo, hindi makapaniwala na sobrang babaw ng kanilang pinag-awayan. “Nak, hindi naman pala alam ng Tita Ellie mo. Akin na, huhugasan ko nalang.” Inilahad ko ang kamay ko, pero tumanggi si Mary Grace na ibigay sa’kin ang tasa ng kanyang yumaong Papa. “So siya nanaman ang kakampihan mo, balewala nalang talaga sa’yo ang mga ala ala ni Papa.” Ani Mary Grace sa galit na tono. “Anak hindi sa ganon.” Naubusan na ako ng sasabihin kay Mary Grace para maintindihan niya pa ako. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa’ming dalawa ni Ellie at pagkatapos ay maluha-luha niyang binalikan ng tingin ito. “Hindi pa po ba kayo masaya na wala na kami ni Prince? Pati ba naman si Mama kukunin mo pa sa’kin?” “Ikaw ang nakipaghiwalay kay Prince.” sabi ko sakanya. “Dahil sa inyo!” pagtaas ng timbre ng boses niya. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito, tila hindi na siya ang malambing na Mary Grace na minahal at inalagaan ko. “Anak please, tama na'to.” pagsusumamo ko pero ayaw niyang magpatalo. Hindi napapatid ang tingin niya kay Ellie “Sana po magkaroon na kayo ng konting hiya at respeto para lubayan na ang pamilya ko.” diretsahan pa niyang sabi. Natakot ako sa magiging reaksyon ni Ellie pero nanatili lamang siyang kalmado, alam kong nasasaktan na siya pero hindi niya pinabayaang tumulo ang kanyang mga luha sa harapan nito. “Sa totoo lang, hiyang-hiya na talaga ko sa’yo at sa anak ko. Kung gugustuhin ko naman i-save yung pride ko, magagawa ko eh. Pwede kong iwan ang Mama mo anytime at bumalik sa Amerika na parang walang nangyare.” aniya. “Ginagawa po ‘yan, hindi sinasabi.” sagot ni Mary Grace kaya agad ko siyang pinandilatan na ayusin ang tabas ng kanyang dila, dahil kahit na anong mangyari ay mas matanda sakanya ang kanyang kausap. Pero tinaasan lang din niya ako ng kilay. “Hindi ba’t nagmahal ka na din. Hindi ba dapat mas alam mong mas mahalaga ang pag-ibig kaysa sa sariling pride. And to tell you honestly, mas nauna akong minahal ng Mama mo. Noon pa man ay nagmamahalan na kami, bago pa niya makilala ang Papa mo.” Umiling si Mary Grace na may magkahalong galit at pagtangis. “Kalokohan! Hindi lesbian ang Mama ko! Hindi ka niya mahal!” binalingan ako ng tingin ni Mary Grace “Ma! Sabihin mong hindi mo siya mahal! Na nami-miss mo lang si Papa kaya tinanggap mo yung comfort na naibibigay niya sa’yo.” pilit niya sa akin kaya hindi ko na din napigilan ang paggulong ng mga luha ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Mary Grace. “Ma, mas mahal mo kami ni Papa diba?” pag ngawa niya sa’kin. “Oo anak, mahal ko kayo syempre ng Papa mo.” Nakatingin lang sa amin si Ellie na napahawak na sa sandalan ng silya, tila nawawalan na siya ng lakas sa mga nangyayare. “Narinig mo ‘yon? Nakapili na si Mama, at kami ‘yon.” bulalas ni Mary Grace na ikinagulat ko. “Teka hindi.” Pagtanggi ko, naririndi na ako at naguguluhan sa lahat ng nangyayare. “Anak mo ako Ma! Pamilya mo ako! At ‘yang babaeng yan nilalason niya lang ang isip mo!” sigaw ni Mary Grace. *Pak!* Huli na ng mapagtanto kong nasampal ko ang sarili kong anak. “H-Hindi ko sinasadya anak!” Nakahawak si Mary Grace sa namumulang pisngi niya kung saan dumapo ang aking palad, matalas niya akong tiningnan bago kami tinalikuran na umiiyak. Nilapitan ako ni Ellie at agad ko siyang niyakap “Nasaktan ko ang anak ko, nasaktan ko siya.” pagtangis ko. Bumaha ng luha ng araw na ‘yon, napagtanto kong hindi kami matatahimik na tatlo hanggat hindi ako gumagawa ng desisyon. Kaya kahit halos ikamatay ko ang aking gagawin ay pinilit kong maging matatag para sa ikapapayapa ng lahat. At sumapit na nga ang araw na pinaka ayaw ko, ang pag alis nina Ellie at Prince. Sa departure area, kinuhanan muna kami ni Prince ng litrato sa kanyang digital camera at pagkatapos ay kinausap niya kami para humingi ng tawad. “I’m really sorry. I really did my best to change her mind but It seems like she have this firm beliefs.” malungkot na sabi niya. “It’s alright son. Not your fault.” sabi ni Ellie. Ngumiti si Prince pero alam kong nasasaktan padin siya na hindi manlang nagpakita sakanya si Mary Grace bago sila umalis. Tiningnan ako ni Ellie para sabihin ko na kay Prince ang aming napagkasunduhan. Tumikhim ako “We actually made a resolution .” sabi ko. Kinagat ni Ellie ang pangibabang labi niya “Para din maging okay na kayo ni Mary Grace.” dagdag pa niya, Kumunot ang noo ni Prince “W-What do you mean?” Nakita kong napayuko na si Ellie, ayaw ko siyang tingnan dahil baka hindi ko mapanindigan ang desisyon na aming gagawin. Huminga ako ng malalim “You know that I really love your Mom right? And no matter what, it’s not gonna change.” Ramdam ko ang paghikbi ni Ellie sa tabi ko, tumalikod na lamang siya habang hila ang kanyang bagahe. “Love.” Pagtawag ko sa kanya ngunit sumenyas siya na ako na ang magsabi kay Prince. “Mom, what’s happening?” naguguluhan si Prince na napansin na din ang nanay niyang umiiyak. Parang gusto kong maglaho nalang sa mga oras na ‘yon pero kailangan namin parehong maging matatag at magpaka-magulang kaysa isipin ang isat-isa. Ibinalik ni Prince sa akin ang atensyon niya “Tita Madel?” “Your Mom and me decided to go back on being friends.” “What?! What the hell are you talking about?” reaksyon nito na hindi makapaniwala. “We’re doing this as a Mother.” Paliwanag ni Ellie na pinunasan ang kanyang mga luha upang matapang na makapagsalita. “If your doing this for me and Mary Grace? Please don’t.” protesta ni Prince. Kinuha niya ang kamay naming dalawa ni Ellie at pinagpatong ito “You two belong together! See!” Bahagya kaming natawa sa ginawa niya. Tinanggal ko ang kamay ko “Mary Grace thought we left her. She’s all by herself right now.” sabi ko kay Prince. “She left me.” Linaw ni Prince. “Your Tita Madel knows that son. What she meant is, Mary Grace needs her right now. And I’m on their way.” Ani Ellie. “It’s not like that, please.” Sabi ko. Hinarap ako ni Ellie “Ganon na rin ‘yon.” Ngumiti siyang pilit kahit kitang-kita ko ang pait sa kanyang mga mata. Tumulo na ang mga luha ko “Please ‘wag mo sanang isipin na hindi kita pinili.” Pagsusumamo ko sakanya. “Anong gusto mong isipin ko? Haha.” Pilit siyang tumawa. “Na palagi kitang mahal. Mahal na mahal.” “Tita, Mom. I’m going in.” paalam ni Prince na mauuna na siyang pumasok. Marahil para bigyan kami ng oras ni Ellie. “S-Sige iho. Take care.” Sabi ko. Niyakap ko si Prince bago siya tuluyang pumasok sa loob, at kami na nga lang dalawa ni Ellie ang naiwan doon. Kinuha ko ang dalawang kamay niya “Alam mo, kung tayo talaga. Tayo.” Umiling siya “Mas mahihirapan lang tayo kung patuloy tayong aasa.” yumuko siyang muli, itinatago ang kanyang mga luha. Hinigpitan ko ang hawak sa dalawang kamay niya “Ellie, tingnan mo ako.” Inangat ko ang mukha niya. “Nandito padin ako. Kahit nasaan ka. Kaibigan mo padin ako. Kung gusto mo, araw-araw mag e-email pa ako sa’yo.” Bumitaw siya sa pagkakahawak ko at pinunasan ang kayang mugtong mga mata “Hindi. Hindi na kailangan. You already made your decision.” “Desisyon natin ‘to diba?” tanong ko sakanya. “You told me this is the only way. Paano pa ako kokontra?” “Bakit ka pumayag kung ganon?” tanong ko sa kanya. “Because I can see you hurting... so much, because of me.” "Mga Ina tayo Ellie. Ito ang tamang gawin natin. Kailangan natin laging piliin ang kapakanan nila." paliwanag ko sa kanya. "At sinong pipili sa'tin?" tanong niya na dumurog sa puso ko. Hindi ako nakasagot, pinigilan ko ang isipin na sa isang banda ay tama siya. Pilit kong pinanindigan ang aking pagiging Ina. Niyakap niya ako sa huling pagkakataon "Sige na, baka ma-late ako. Lagi kang mag-iingat. Alagaan mo ang sarili mo." sabi niya bago tuluyan akong tinalikuran at lumakad na papasok. Hindi ako nakakilos, pinanuod ko lamang siyang unti-unti ng lumalayo sa aking paningin. Hinihintay ko siyang lingunin ako, pero hanggang mawala siya ay hindi niya ginawa. Muli, kinain ko nanaman ang lahat ng mga pangakong binitawan ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD