Nag-aawitang mga ibon, malakas na tilaok ng manok at nagmamakaawang iyak ng mga baboy ang gumising sa akin kinabukasan. Nang lingunin kong ang aking tabi ay natagpuan ko doon si Kuya Van na nakayakap sa akin. Mabilis akong napangiti nang mapagmasdan ang maamo niyang mukha habang natutulog. "Good morning," bulong ko na kapagdaka ay binigyan siya ng isang magaang halik sa pisngi. Hindi siya natinag, hindi ko rin naputol ang pagtulog niya sa pamamagitan ng aking ginawa. Marahan kong tinanggal ang aming kumot at pigil ang hiningang tinanggal ang dalawang bisig niya na nakapulupot sa aking katawan. Nang bahagya siyang gumalaw ay saglit akong natigilan, nang bumalik ang lalim ng kanyang paghinga ay wala na akong inaksayang minuto at dali-dali na akong bumangon. Nag-inat habang sinasalat ang

