Balik-eskwela kami ngayong araw dahil tapos na ang bakasyon. Hinihintay kong dumating si Cass para ibigay ang pasalubong ko sa kanya. Na-miss ko ang babaeng iyon kahit pa paano. Sumilip-silip pa ako sa daraanan habang nakatayo sa pintuan ng room namin. Sa halip na si Cass ang makita ay si Slendrina ang nahagip ng aking paningin na patungo sa kinaroroonan ko. Pumasok ako ng room at mabilis na naupo. Ayokong makita siya dahil naaalala ko lahat ang pangit na ginawa niya sa akin. Pumasok siya ng room namin at tumayo sa harapan, ngunit ni sandali ay hindi ko siya tiningnan. "Good morning students," bati niya, "I a-anunsyo ko lang na gaganapin ang victory party niyo bago sumapit ang graduation niyo ng sa ganoon ay walang hassle sa lahat, sa araw na 'yon ay tapos na ang lahat ng exams okay?"

