Nakailang ikot ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng kwarto namin suot ang kulay puting dress na ibinigay sa akin ni ate Julie. Gandang-ganda ako sa aking sarili kahit simpleng make-up lang ang aking suot. Ngayon gaganapin ang party para sa team nila JB at para sa pagka panalo ko sa national pageant. Ang lahat ng mga nag-aaral sa school na 'yon ay imbitado. May mga pagkaing ihahain at bukas rin ang dance floor para sa mga estudyanteng gustong sumayaw. "Suzy look at you ang ganda mo ngayon," bulalas ni Cass na abot-tainga ang ngiti. Nandito siya para sumabay sa aming dalawa ni Kuya Van papuntang venue. At dahil nandito siya ay pilit niyang pinalalaki ang aking mga tainga dahil sa mga papuri niya. "Hindi naman," irap ko sa kanya, "Bolera ka lang talaga Cass." "Anong hindi?" p

