Nang mahimasmasan sa nangyari ay mabilis akong kumalas sa yakap nila. Muli akong tumakbo palayo sa kanilang tatlo kahit nararamdaman ko na ang pagod. "Suzy saan ka pupunta?" nanghihinang tanong ni Cass. "Sige lang, maging runner of the year ka nalang!" may halong pagka-irita sa boses ni Dans. "H-Hayaan nalang muna natin siya, nais niyang mapag-isa pero kailangan natin siyang sundan kung saan papunta." mungkahi ni JB. Dinala ako ng aking mga paa sa lugar kung saan malaya kong nagagawa ang lahat ng gusto ko. Sa Park. Sa park kung saan nakalatag ang maraming alaala naming dalawa ni Kuya Van. Sa pagmamasid sa paligid ay mas lalo akong napaiyak, mas lalo kong naramdaman ang sakit, mas lalong hindi ko makayanan. Pabagsak akong naupo sa damuhan at malakas na umiyak. Hindi ko alintana ang m

