Bagong lugar, bagong paligid, bagong tirahan, bagong mg kapitbahay at bagong-bago ang lahat sa paningin naming dalawa ni Cass. Hindi naging madali para sa aming dalawa ni Cass ang manirahan dito na malayo sa mga parents namin, malayo sa lugar na kinalakihan namin at higit na malayo kay Kuya Van opps, nangako nga pala akong hindi ko na siya babanggitin pa. Isa iyon sa paraan ko upang makalimutan siya. Makakalimutan ko nga ba siya? Sa pakiwari ko ay niloloko ko lang ang aking sarili, nang sabihin kong kakalimutan ko siya dahil ngayon palang parang gusto ko ng bumalik ng Pilipinas upang muli siyang makasama. "Gaga ka!" singhal ni Cass sa akin nang sabihin kong miss ko na ang Pilipinas, "Pupunta-punta tayo dito tapos gusto mo ng umuwi agad? Hibang ka!" "Joke lang," tawa ko. Unti-unti n

