Maraming taon na ang lumipas, matuling nagdaan ang limang Pasko at limang Bagong taon. Sa limang taon na iyon maraming nagbago, maraming nabago at meron ding hindi nagbago. Nabago ang anyo ko, isa na akong grown up little girl at ganoon din si Cass. Nananatiling magkasama pa rin kaming dalawa at maging sa trabaho. Yes, nagtratrabaho na kami sa iisang opisina at masaya kami dito. Si Lette at Lou ay pareho ng flight attendant, si JB naman ay isang Kapitan na ng barko, Si Dans? wala akong alam dahil matapos mabuking ni Cass na bakla siya ay umuwi na siya ng Pilipinas. Kung tutuosin ay pareho kaming loner ni Cass pero masaya pa rin kami kahit na ganun. Masaya kami sa ginagawa namin at plano na naming umuwi ng Pilipinas para na din magbakasyon ng isang buwan at umattend sa reunion ng batch

