Chapter 29

3095 Words

Pino at marahan ang aking naging mga hakbang patungong sala. Nang marating ang main door ay marahan akong sumampa ng sofa upang silipin siya sa bintana. "Suzy," muli niyang sigaw na ikinabilis ng t***k ng aking puso. Nandito ba talaga siya? Hindi ako nananaginip? Ilang beses kong pinitik ang aking noo sa pag-aakalang nasa panaginip lang ako at ilang beses rin akong napa ouch sa sakit na hatid nito. "Suzy patawarin mo ako, pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko sa'yo." samo niya na ikinakunot noo ko, "Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon upang magpaliwanag sa'yo. Little S, please." Malalim na ang gabing tahimik. Mumunting huni nalang ng mga hayop sa paligid ang aking naririnig. Mula dito sa bintana ay tanaw na tanaw ko ang bulto ng katawan niya habang hila ang isang maleta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD