Matamlay ako nang magising kinabukasan, para bang may kulang sa pagkatao ko na hindi ko alam kung ano o sino. Nakabihis na si Cass nang bumangon ako, hindi halatang excited siyang pumasok ngayong araw. "Anong oras na ba Cass?" "Bangon na late na tayo," untag niya, "Nagluto na ako ng noodles na almusal natin," "Five minutes," tugon kong muling bumagsak sa higaan. "Inaantok pa ako," "Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" upo niya sa kama na naging dahilan upang yumundo ito, "Bangon na sleepyhead," pitik niya sa aking noo. "Aah! Cass!" tadyak ko. "Bilis na!" "Oo na," bangon ko sabay baba ng kama. "Bilisan mo maligo." paalala niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Mabilis akong naligo at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto. "Suzy ikaw na bahala sa kape natin ah, aayusin ko na

