Lumipas ang mga minutong pareho lang kaming nakamasid sa paligid. Pinapanood ang mga batang walang tigil na tumatakbo ng pabalik-balik. Sa kanilang mga mata ay hindi ko mabanaag ang lungkot at sakit. How I wish na sana ay bata nalang akong muli o di kaya ay nandoon ako sa panahong hindi ko pa batid ang sekreto ng ating mundo. Pinakinggan rin namin ang samu't saring ingay ng mga batang sa malawak na parang ay walang sawang naghahabulan. Nagkwentuhan kami ni JB ng ilang bagay tungkol sa school, mga activities namin at kung anu-ano pang hindi naman mahalaga. Hindi niya binanggit sa akin ang pangyayaring nasaksihan niya noong mga nakaraang araw sa paaralan. Siguro ay naisip niya na kailangan ko ng space, kailangan ko ng panahon dahil kung i o-open niya ito ngayon, paniguradong masasaktan

