Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 3
Andrei Fabregas. Handsome. Maamo ang mukha niya taliwas sa seryoso ang mayabang at malakas niyang personality. Hot. Sexy. Playboy. Rich. Heir. Twenty seven years old bachelor. Panganay na anak nila Antonio at Amanda Fabregas ang power couple ng supermarket business sa Metro Manila, ang Ace Supermarket. Pero tagilid siya sa pagiging heir dahil ang kapatid niyang si Aleya na bente tres anyos pa lamang pero tine-train na ng kanilang ama sa kanilang negosyo. Hindi kasi hilig ni Andrei ang supermarket business. Pareho lang naman silang graduate na magkapatid ng Business Management pero mas nakahiligan niya ang restaurant and bar business. Bagay na labis na tinutulan ng kanyang ama na naging dahilan ng hindi nila pagkakasundo. He was in good terms with his mother. Sa katunayan ay ito ang nagpahiram sa kanya ng pera nang simula niya ang The A-List Bar. Ayos din ang relasyon nilang magkapatid. He was supporting his sister in their family business.
Nang araw na iyon ay nagpatawag ng dinner ang kanilang ama sa isang mamahaling restaurant. He was actually invited. Pinilit siya ng kanyang ina at kapatid na dumalo dahil minsan lang daw mangyari iyon. They were expecting a reconciliation between the two. Matagal ng hindi nabubuo ang pamilya sa isang hapag.
"Kuya Andrei where are you? Malapit na kami nila mom and dad sa resto." Bungad ni Aleya nang tawagan siya.
"Malapit na rin ako." Tugon niya while driving his car. Galing siya sa sarili niyang condo unit sa Taguig. Ang mga ito naman ay galing sa kanilang mansion sa Makati. Sa Ayala, Makati rin ang location ng restaurant na kakainan nila.
"Good. Good. Akala ko nagpapabango ka palang sa unit mo eh." Panunukso nito.
"Mabango ako palagi. Kahit pawisan." Seryoso niyang tugon para asarin ang kapatid. Mas matagal pa raw kasi siyang maligo kumpara rito.
"Mabango ka lang kasi naliligo ka ng pabango at kung makaligo ka ang tagal! Pero ang totoo ang asim kaya ng kili-kili mo!" Komento nito.
"Aleya stop that! Your brother is driving. Wag ka munang makipag-usap sa kanya." Dinig niya ang malakas na boses ng kanilang ama sa kabilang linya.
"Oh siya kuya. Bye na muna huh? See you!" Saka nito binaba ang telepono. Napangiti siya. Parang bata pa rin kung magsalita at umasta ang kanyang kapatid. Gayunpaman ay matalino ito. Para sa kanya deserving itong maging tagapagmana ng kanilang negosyo.
Pagdating sa restaurant ay agad siyang nilapitan ni Aleya. Yumakap ito ng mahigpit. He can't even breathe. "Aleya stop it! Di na ako makahinga. Did you missed me that much?"
"Yup! Magmula noong buksan mo last year yang bar mo andalang mo nalang kayang magpakita kahit na sa akin! I hate you!" Saka ito ngumuso na parang bata.
"You hate me naman pala eh. Isip batang to!" Natatawang komento niya.
"Kuya Andrei! Twenty three na ako! You have no right para sabihan pa rin akong isip bata!" Saka siya nito tinalikuran. Sakto naman ang paglapit ng kanyang ina.
"Mom." Lumapit siya saka ito hinagkan.
"I miss you son. Looking good as always." Humawak ito sa braso niya.
"Thanks mom." He leaned into her ears to whisper. "What's the meaning of this? Anong pakulo ito ni dad?" He asked.
"Honestly, hindi ko rin alam. Let's just hope na magkasundo na kayo ngayong gabi. Siya na ang gumawa ng paraan." Tugon ng ina.
"I still remember how he hated me when I decided to run the bar. Pinalayas niya nga ako di ba? I don't think na reconciliation night ito." Hindi niya maiwasang mag-isip ng hindi maganda.
"Son. Don't be so negative. Isang taon na yung bar mo. Baka naka-move on na siya."
"Isang taon ang bar but prior to that six years niya akong t-in-rain para humalili sa kanya pero sinayang ko yon dahil sa sinunod ko ang gusto ko. He hated me mom." Napayuko siya.
Pinisil nito ang kanyang balikat. "He's still your father. Hindi ka niya matitiis."
"Andrei. Amanda. Tara na." Noon nalang siya muli kinausap ng ama. "Paparating na ang ating mga guests."
Napatingin siya sa gawing likuran niya. Papasok ng pinto ang pamilya Valenzuela. Ito ang pamilyang naghahari sa mall business sa bansa. Si Don Segundo at Doña Elena kasama ang unica hija nilang si Rhian. Napailing nalang siya. Hindi maganda ang kanyang kutob.
Naupo na sila sa malaking mesa na naka-reserve sa kanila. Mediterranean food ang naka-serve. Paborito raw ni Don Segundo. He hated those type of food. Wala siyang ganang kumain. Samantala ang kanyang amang si Antonio naman ay nakikipagbolahan sa mga Valenzuela. Alam na alam niya yon dahil bolero rin siya.
"So when will we set the wedding date?" Tanong ni Don Segundo sa kanyang ama.
Nagkatinginan sila ni Rhian. Natahimik ang lahat. Tila nagulat sa narinig.
"Hahaha! As soon as possible!" Tugon naman nito.
"A-anong wedding date dad?" Tahasan niyang tanong.
"H-he doesn't know?" Nagtatakang tanong ni Don Segundo.
"Haha! Not yet! Hindi naman magrereklamo yang si Andrei. He's on the right age to marry. Lalo pa't sa napakaganda mo pang anak na si Rhian."
Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig. Oo. Maganda si Rhian. She was perfect. Nakakasama niya ito sa ilang event noon. Pero hindi niya ito lubos na kilala. Higit sa lahat ay hindi niya ito mahal. Ayaw niyang magpatali sa isang arranged marriage. Alam niyang ito ang paraan ng kanyang ama upang patuloy siyang pakinabangan.
"Sorry but I need to go." Pagpapaalam niya.
"Andrei." Mahinahong pagpigil sa kanya ng ama.
"Sorry dad. I didn't mean to disrespect you. May urgent agenda lang ako sa bar." Ayaw niyang gumawa ng eskandalo kaya gumawa nalang siya ng dahilan.
"Andrei." Bahagya nang tumaas ang boses nito.
"Antonio hayaan mo na ang anak mo. Makakapagpatuloy pa rin naman ang usapan di ba?" Pagpapakalma naman ng kanyang ina sa ama.
"Yes po Don Antonio. Andrei and I can set up our own date." Malambing na paghikayat naman ni Rhian. Napatingin nalang siya rito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"Excuse me." Tumayo na siya.
"Kuya..." hinila ni Aleya ang laylayan ng kanyang suot na polo. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mata ng kapatid.
"Bye Aleya."
Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant at kinuha ang kanyang sasakyan sa parking.
"f**k! f**k you dad!" Sa loob ng sasakyan niya nilabas ang galit at disappointment na kanyang nadama. Agad niyang kinontak ang kanyang matalik na kaibigan at co-owner ng A-List Bar na si Monique Alonte. Classmate niya ito noong high school at college at ang tanging taong nakakatagal sa ugali niya maliban sa kanyang ina at kapatid. Wala siyang masyadong kaibigan. Si Monique lang ang pinaka nakakakilala sa kanya. May gusto siya rito ngunit pagiging best friend lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kahit friends with benefits ay hindi ito pumayag na maging set up nila. Monique is too busy running businesses. More on restaurants. Isa na nga roon ang bar nila.
"You need to go to the bar! Now! Iinom tayo!" Utos niya rito.
"Demanding? Ngayon ka nalang ulit nagkaganyan. May problema ka no? Daddy mo?" Tanong nito.
"He set me up for an arranged marriage kay Rhian Valenzuela. f**k him! This is his way to use me para pa rin sa negosyo niya!"
"Oh my! Rhian Valenzuela? As in the only child of the owner of V-Mall?"
"Exactly. Kaya dalian mo na."
Mainit ang ulo niyang dumating sa bar. Papasok siya ng magkabungguan sila ng isang lalaki at natapunan ng alak ang kanyang damit. Ito ang sandaling kahit na anong bagay ay makakapagpainit sa ulo niya. Nang tingnan niya ang mukha ng lalaki ay napatigil siya sa hindi niya alam na dahilan. Parang matagal na niya itong kilala. Parang may koneksyon sila. Gayunpaman ay napagbuntunan pa rin niya ito ng init ng kanyang ulo.
"Remember my name, Andrei Fabregas. Don't you dare come across my path again." Pagbabanta niya rito. Mabuti nalang at dumating na si Monique para pakalmahin siya.
Aalis na sana siya nang higitin siya sa braso ng lalaki. "Stefan Sarmiento. I hope we don't cross our path ever again. Dahil kapag nagkita tayong muli sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin." Walang kurap nitong tugon.
"What?!" Babalikan pa sana niya ito pero pinigilan na siya ni Monique. Pero may kakaiba siyang naramdaman sa sinabi nito. Kinalimutan nalang niya iyon. Pagpasok sa bar ay agad siyang naglabas ng sama ng loob kay Monique. Ininom niya lahat ng alak na ibigay sa kanya. Mabilis pa man din siyang malasing. Hanggang sa wala na siyang matandaan.
Paggising niya ay nakahubad na siya. Paglingon niya sa gawing kanan ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya na katabi niya sa kama.
"Ikaw?!"