Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 4
Hindi makapaniwala si Stefan sa nakatindig sa kanyang harapan. Nakahiga man si Andrei sa kama ay nakatayo naman ang pag-aari nito. Morning hard on. Napalunok nalang siya. Iniiwas niya ang kanyang mga mata sa malaki, mahaba, mataba at maugat nitong pag-aari pero parang kusang bumabalik doon ang eyeballs niya.
"Gagi." Then he realized that he also had a morning hard on. Tayung-tayo rin ang sa kanya. Agad siyang nagtakip ng kumot.
"What are you doing here?" Tanong nito. Walang pakundangan itong tumayo sa kama. Lalo pa nitong d-in-isplay ang p*********i sa harap niya. He also got a glimpse of his body. Hindi nga siya nagkamali noong matapunan niya ito ng alak. May abs ito. He got a lean body. Pumunta ito sa walk-in closet sa gilid. Pwet naman nito ang tumambad sa kanya. Sobrang tambok niyon. Sobrang puti at sobrang kinis. Napalunok na naman siya.
Lord. Hindi ko po alam kung blessed ako ngayon o ito na ang katapusan ko. Dasal ni Stefan.
"What? Bakit hindi ka makasagot? What are you doing here? Are you gay? Pinagsamantalahan mo ba ako? How did you get here? Baka naman magnanakaw ka?" Tumayo ito sa harap ng walk-in closet at itinukod pa ang balikat sa pintuan nito. Mabuhok ang kili-kili nito pero halatang mabango. Nakasuot na ito ng boxer shorts pero bakat pa rin ang naninigas nitong alaga.
"A-andami mo namang tanong." Nauutal niyang tugon. Saka niya sinimulang hanapin kung nasaan ang kanyang mga kasuotan. "I'm not gay. Lalong hindi ako magnanakaw." He composed himself. Hindi siya pwedeng magpasindak dito. "Pinakiusapan ako ng kaibigan mong si Monique na iuwi ka rito kanina kasi lasing na lasing ka."
"Oh I see. Pero bakit nandito ka pa? Why did you sleep here? At sa kama ko pa talaga?" Supladong tanong nito. Tumataas na naman ang kanyang blood pressure dahil dito.
"Hindi ko rin alam. Lasing na rin ako kanina baka nakatulog na ako." Seryoso na rin ang tono ng kanyang boses.
Lumapit ito sa kanya. Sobrang lapit. Isang talampakan nalang ang layo ng mukha nito. Kitang-kita niya ang makinis nitong balat at ang kagwapuhan nito. Amoy na rin niya ang morning breathe nito na hindi man lang mabaho.
"Eh bakit kailangan pareho pa tayong nakahubad? Parte ba ito ng plano mo para mahulog ako sayo?" He said in a naughty tone.
Natigalgal siya. Napatingin nalang siya sa mga mata nitong nangungusap. Lord. Save me. Save me from temptation. Bading din po ba siya? Baka halikan ako neto ah Lord.
Hanggang sa bumalik siya sa kanyang katinuan. Hindi siya pwedeng ma-distract dito. They are not in good terms. Wala sa personality niyang magpatalo lalo na kung sa isang mayabang nilalang pa.
"Ang ibig kong sabihin don ay ihulog ka sa kanal! Ikaw yata ang bakla eh. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Alam mo hindi ko alam kung bakit tayo nakahubad at kung bakit dito ako nakatulog sa kwarto mo. Ang alam ko lang tinulungan ko kayo ng kaibigan mo. Kaya ngayon aalis na ako!" Saka siya tumayo at umalis sa kama. Wala siyang pakialam kahit makitaan pa siya nito. Maganda rin naman ang pangangatawan niya. Isa pa, kailangan niyang panindigan na lalaki siya at walang malisya ang lahat. Luminga siya sa loob ng kwarto at nakita niya sa isang upuan ang kanyang mga damit.
"Hurry up! Pagkabihis mo you may go!" Utos nito saka na lumabas ng silid.
"Tse! Aalis talaga ako rito. Sayang ka ang hangin mo." Bulong niya sa sarili.
Nang tingnan niya ang kanyang mga damit ay nawawala ang kanyang brief. Ang polo at pantalon niya lang ang naroon. Sa ilalim ng upuan naman ay naroon ang kanyang sapatos at medyas.
"Kung mamalasin ka nga naman talaga. Nasaan na ba yung brief ko." Naisip niyang manghiram nalang ng brief sa lalaki. "No! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. At baka kung ano pa ang isipin niya." Isinuot niya ang kanyang pantalon na walang brief. Kumikiskis doon ang kanyang ari. Hindi siya komportable pero wala siyang choice.
Bago siya lumabas ng kwarto nito ay pinagmasdan niya muna ang kabuan ng silid. Malaki iyon. Malinis. Mabango. Para sa isang straight na lalaki para sa kanya ay masyadong maarte sa gamit at kwarto ang lalaki. "Baka closet din ang isang to ah. Magkasing-ayos lang kami ng kwarto." Komento niya saka siya lumabas.
Paglabas ng kwarto ay sala na agad. Matatanaw naman mula roon ang kusina ng unit. Nakatalikod si Andrei habang nagluluto ng malamang kakainin nito. Magtatanghalian na. Muli na naman siyang natulala. He really got a sexy back. Bagay dito ang pagluluto ng naka-boxers lang. Naisip tuloy niya kung kailangan pa ba niyang magpaalam sa lalaki.
"Ehem." Kunyaring sumigam siya. Hindi naman ito lumingon. "I will go." Ilang segundo siyang naghintay ng tugon nito pero wala kaya nagsimula na siyang humakbang paalis. Ano pa ba ang aasahan niya rito?
"Thanks ah." Napahinto siya at napalingon dito. Nakatingin naman ito sa kanya. Tumango nalang siya. Ayaw niyang mag-feeling close. "Yung 'thank you' na yon para sa pagtulong mo sa amin ni Monique. I still don't like you. Ayoko sa lahat yung kinakalaban ako at dinudumihan ako." Dugtong nito.
Aba! Bwisit talaga itong yabang na ito. He sighed. "Ako rin. I still don't like you." Saka na siya tuluyang umalis.
"I hate you Andrei! Sana talaga di na tayo magkita!" Sambit niya pagkalabas na pagkalabas niya ng unit nito. Hindi siya komportableng lumakad malayo dahil wala siyang brief.