Chapter 77 "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo Stefan eh. Tumigil ka na muna sa paghahabol dyan kay Andrei. Tingnan mo umiinom ka na naman habang nagngangangawa dyan!" Saka kinuha ng ina ni Stefan ang kanyang iniinom. "Maaaaa! Ente yan! Hindi 'yan alak! Nauhaw ako iced tea lang 'yan!" Inamoy nito ang baso. "Ay oo nga no. Akala ko empi eh. Hehe." Saka siya nito tinabihan sa kusina. "Pero hindi ka na naman pumasok?" "Ma alam kong nag- aalala ka sa akin na pinapabayaan ko na naman ang sarili at trabaho ko. Pero di ba po wala akong pasok today. Nag- leave ako para ayusin ang renewal ng passport ko. Pagkagaling ko sa building nila Andrei ay dumiretso na ako sa Megamall para sa appointment ko sa passport renewal ko." "Itutuloy mo pa rin ba ang pag- alis?" Tanong nito. "Yes ma. Bago nangya

