Chapter 77: One Last Happy Memory Tumayo si Andrei at saka tinalikuran si Stefan. Siya naman ay nanatiling lumuluha. Basang- basa na ang sahig sa mga luhang nagmula sa kanyang mga mata na bumagsak. Kaunti nalang ay siya na ang babagsak sa pinakababa ng kanyang buhay. Hinintay niya lang ang tugon nito kung papayag sa hihingin niyang pabor. "What's your favor?" Tanong na nga nito. Saka lang niya muling naitaas ang ulo upang tingnan ito. Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa dami ng luhang balakid sa kanyang mga mata. "Pwede bang i- treat mo akong boyfriend mo sa huling pagkakataon? Ngayong araw lang na ito. Hindi mo kailangang magsalita. Hindi mo kailangang mag- respond sa mga gagawin ko. All you need to do is to be there. Please Andrei." Inayos niya ang pagluhod na tila ba nakikius

