Chapter 8

1151 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story   Chapter 8: Drink: Getting to Know   "What are you doing here?"   Natulala muna si Stefan sa mukha ni Andrei bago naibalik ang sarili at nahimasmasan. Kung mamalasin nga naman siya. Todo iwas siya rito pero nag-abot at nagkita pa rin sila. Gayunpaman ay napansin pa rin niya ang pagiging fresh ng lalaki. After s*x glow marahil dahil sa babaeng nakalingkis sa braso nito. Hindi iyon si Monique. Ibang babae na naman.   "My friend forgot something. Kinuha ko lang." Tugon niya. Saka siya tumuloy sa paglakad palabas.   "Stefan!"   What the f**k again! Hindi pa man siya nakakalabas ay si Monique naman ang papasok.   "Hi Monique. Nice to see you again. Gotta go!" Mabilis siyang nagpaalam rito ngunit pinigilan siya ng babae. Humarang ito sa kanyang harapan, display ang cleavage nito. Halos lumuwa na kasi ang dibdib ng babae sa suot nitong plunging neckline dress.   "Please don't go! Mag-stay ka muna. My treat. Alam kong hindi pa rin naging maganda ang treatment sayo ni Andrei eh. It's about time para magkaayos kayo. It's about time para makilala ka namin." She said in a sweet tone. Hindi naman siya nito nakumbinse. Nadala na siya sa convincing power nito. Isa pa ay hindi siya lasing ngayon. Hindi siya magpapauto rito. Not anymore.   "No need Monique. I'm fine with everything. I really need to go." Akmang aalis na siya nang higitin siya ni Andrei. Nabaling ang paningin niya rito.   "Stay. Please stay." Matipid na nasambit ng lalaki. Maamo ang mukha nito. Mas bagay nito kaysa sa agresibo nitong itsura. May kakaiba siyang naramdaman. Hindi niya maipaliwanag. May kuryenteng dumadaloy mula sa kamay nito patungo sa kanyang braso. He was also looking at him eye to eye. He noticed that his eyes was full of sadness. Different from the personality that he tends to portray. Gayunman ay hindi siya sigurado sa kanyang mga nakikita't naiisip.   "See Stefan! Andrei wants to make up with you! Mag-stay ka na please. Halika na!" Dagdag ni Monique.   Then he found himself in the arms of Monique entering the bar once again. Para siyang nabudol ng mga ito. But in one side of his head, he knew he wanted to stay. That was the side that he fought but lose. He was looking at Andrei's back. Maangas pa rin itong lumakad pero tila may bigat na dinadala. Sanay na si Stefan na kumilatis ng tao. Bilang team lead ay humahawak na siya ng mga tao. Kailangan niyang makilala ang mga ito nagsasalita man o hindi. He even underwent for a training to learn that aspect of leadership.   Sa isang malaking couch sa second floor ng bar sila naupong apat. Agad silang nilagyan ng kung anu-anong alak ng mga waiter.   "I will not drink much. May pasok pa sa Lunes eh." Bungad niya.   "Sunday palang naman bukas Stefan! Drink all you can dito!" Masiglang tugon ni Monique.   Kagigil talaga ang babaeng ito. Kung hindi lang masamang sumagot sa babae ay baka natarayan na niya ito. Isa pa ay alam nilang straight siya.   "Let him be Monique. Stefan joined us already. Wag mo na siyang piliting uminom ng marami." Mahinahong saad naman ni Andrei. Naninibago siya rito. Hindi niya alam kung ito ang tunay na Andrei o nagpapanggap lang ito. First meeting palang nila ay bad impression na ang binigay nito hanggang sa paggising niya sa unit nito ay hindi pa rin maganda ang mga alaalang iniwan ng lalaki.  He must be good in hiding.   "Okay fine!" Monique rolled her eyes. "By the way Stefan, si Donna nga pala ang kasama ni Andrei. f**k buddy niya." Halos maluwa nila Andrei at Donna ang iniinom. Napakagat naman siya ng labi sa narinig.   "Hindi ko talaga alam kung paano kita naging kaibigan Monique." Nagsimula ng maging suplado ang lalaki. Ang ugaling iyon ang kanyang hinihintay na ilabas nito.   "Duuuuh! I'm very honest and prank. Parang itong si Stefan! Kaya for sure makakasundo mo rin siya. Yung mga ka-level at mas nakakahigit sayo ang nagiging kaibigan mo eh." Straight forward na sagot ni Monique.   Napainom nalang si Stefan sa narinig. Ako magiging kaibigan yang mayabang na yan? No way!   "Don't make any conclusions yet." Subtle pero maereng tugon nito.   "Right. Baka sadyang hindi kami yung tipo ng mga taong magkakasundo." Dugtong naman niya bilang pagsang-ayon dito.   "Stop it guys! Ayan na naman kayo eh! Pwede ba magkasundo na kayo! Hinayaan ko na nga kayong magkatabi sa kama ng hubo't hubad tapos ganyan pa rin kayo sa isa't-isa." Halos maubo siya sa binulalas ni Monique.   "Really?!" Tanong ni Donna. Tumango lang ang babae habang natatawa.   "So why don't you tell us about yourself Stefan? Magkukwento rin kami ng tungkol sa amin. Mamaya maingay na rito sa bar kaya mag-caring is sharing na tayo habang maaga pa."   "Oo nga naman Stefan." Paghihikayat ni Andrei. Kakaiba ang pagkakatitig nito sa kanya.   Wala na siyang nagawa pa. Nagkwento siya ng konti tungkol sa kanyang family background, edad at trabaho. Nagkwento rin naman ang tatlo. Hindi siya makapaniwala sa kwento ni Andrei. Nakumpirma niyang malungkot nga ang buhay nito. Mula sa pagtrato rito ng ama hanggang sa recent arranged marriage nito. Nakaramdam siya ng awa towards him pero hindi niya iyon pinahalata. Sinisikap niyang huwag magkaroon ng emotional attachments sa mga ito. Narito siya nakikipag-inuman para makisama. Wala na siyang planong makasama pa ang mga ito sa mga darating na panahon.   Hindi na nakapagkwento pa sina Monique at Donna dahil umingay na sa bar. Marami nang nagsasayaw. Kahit ang tatlo ay nakatayo at yumuyugyog na rin.   White shirt now red, my bloody nose Sleepin', you're on your tippy toes Creepin' around like no one knows Think you're so criminal Bruises on both my knees for you Don't say thank you or please I do what I want when I'm wanting to My soul? So cynical   So you're a tough guy Like it really rough guy Just can't get enough guy Chest always so puffed guy I'm that bad type Make your mama sad type Make your girlfriend mad tight Might seduce your dad type I'm the bad guy, duh   I'm the bad guy   Hindi makalimutan ni Stefan ang tugtog na Bad Guy ni Billie Eilish ang tumutugtog nang itulak ni Monique si Andrei papalapit sa kanya. And they literally danced together. They were very close. Dumadampi sa kanya ang hininga ng lalaki.   "Hooooh!" Humihiyaw pa ito. Halatang lasing na. Hanggang sa isinabit nito ang mga braso sa kanyang magkabilang balikat. They were slow dancing in an upbeat music. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nakikipagsabayan ito sa ingay ng tugtugin sa loob.   Marupok ka Stefan? Dinikitan ka lang nagkakaganito ka na? He just kept on staring at him. Took a glance every now and then. Gwapo talaga ito. Mabango. At kahit sa malapitan ay mas makikita ang malungkot nitong mga mata. Kabaligtaran ng mga kinikilos nito.   All of a sudden, bigla nalang siya nitong sinukahan.   "What the f**k?!" Bulalas niya. Saka naman nawalan ng malay ang lalaki habang nakayakap sa kanya. "Bwisit ka talaga!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD