Chapter 7

909 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story   Chapter 7: Destined: Second Time   "Sobrang nakakagigil siya Ma! Akala mo kung sinong gwapo! Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya! Mayaman lang siya. Mabango. Macho. Infairness daks din ah. Pero sobrang yabang at malamang self-centered pa ang lalaking 'yon! Naku Ma! Kung alam mo lang kung paano ako manggigil sa kanya kagabi at kanina sa unit niya! I hate him!" Litanya ni Stefan matapos magkwento sa ina ng lahat nang nangyari sa bar at sa unit ni Andrei. Wala siyang nilihim dito. Mula sa kanilang sagutan hanggang sa paggising nilang magkatabi ng hubo't hubad. Ganoon sila ka-open na mag-ina.   "Halata ngang gigil ka nak eh. Pero halata rin na kahit papano crush mo yung guy." Komento ni Stella habang tila natatawa.   Napakunot naman ang noo niya at nagpantig ang tainga sa narinig. "Ma? Ano ba yang pinagsasabi mo? Crush? Doon sa lalaking 'yon? No way! Paano mo nasabi yan?" He reacted violently.   "Kasi naman nak. Yung details ng pagiging mabango, gwapo, macho at..." tumawa muna ito. "Pagiging daks nung lalaking 'yon ay naaalala mo pa. Tandang-tanda mo pa!"   "Ma naman! Those are just characteristics na madaling matandaan. Easily remembered bilang naiinis ako sa kanya." Tugon niya while opposing his mother's opinion. Kumakain sila noon sa kanilang hapag. Napasubo nalang siya ng ilang ulit at sunud-sunod.   "Madali lang bang matandaan o talagang tumatak sayo?" She teased him while giving a smirk.   "Yung totoo ma? Sino ba ang anak mo? Kailangan mo akong kampihan! Mainis ka nalang din sa kanya!" Para siyang batang nagmamaktol.   "Oh siya kumain ka na nga lang dyan. Baka kahit wala kang highblood ay tumaas ang dugo mo. Magpahinga ka rin ah bilang weekend ngayon. Kalimutan mo na 'yung crush mo." Napatingin siya rito na magkasalubong ang kilay. "Ibig kong sabihin yung lalaking 'yon. Andrei tama?"   "Yes po. Andrei Dimunyu!"   "Andrei Daks." bulong nito.   "Maaaaaa!"   Pagkakain ay nakatulog si Stefan sa kanyang kwarto. Pasado alas sais na siya nagising. Hindi pa nga sana siya magigising kung hindi dahil sa kanyang ring tone. Tumatawag sa kanya ang kaibigang si Hazel.   "Oh Hazel bakit? Istorbo ka kamo sa pagtulog." Saad niya nang sagutin ito.   "Sorry na Stef! Sorry! Sorry! Can I ask you a favor?" Tanong nito sa kabilang linya.   Nagtalukbong siya ng kumot. Wala siyang planong seryosohin ang hihinging pabor ng kaibigan. "Uhhhm.." tanging tugon niya.   "Umuwi kasi ako ng probinsya kanina. Dumiretso na akong sumakay ng bus pa-Batangas. May tama na rin ako at nakatulog na ako sa byahe. Ngayon heto na ngaaaaa... kagigising ko lang din. Kinakalkal ko ang mga gamit ko sa bag. Nawawala ang coin purse ko Stef!!! Buti sana kung coins lang ang laman nun! Kaso nilalagyan ko rin yun ng ilang ID eh, ang masama pa yung isa kong credit card ay nandoon din!" Bulalas nito. Halos malayo niya sa kanyang tainga ang phone dahil sa pagsigaw nito.   "So ano don ang favor mo? Paghahanapin mo ako ng coin purse mo? Jusko naman Hazel! Napakarami mo nang pinanggalingan. Hindi ganon kadali yun!" Saka siya napahikab.   "Nah nah nah! Alam ko na kung nasaan?" Tila masaya at nabuhayan  nitong tugon.   "Wow ah! Manghuhula? So saan?"   "Sa A-List Bar!"   Mula sa pagkakahiga ay napaupo siya sa kanyang kama nang marinig ang pangalan ng bar na iyon. "Lasing ka kanina! Baka sa bus mo mawala 'yon o sa iba pang lugar. Wag ka ngang imbento dyan!"   "Sure na Stef! Tumawag na ako sa bar. Meron nga raw coin purse na pasok dun sa description na sinabi ko. Nasa lost and found na nila. Sabi ko pupunta ka para tingnan at kunin."   "Yun naman pala eh nasa lost and found na. Bakit kailangan pang puntahan? You can go to that bar when you come back here in the Metro. Wag mo na akong istorbohin pa!" Nagising na ang kanyang diwa para lang makontra ang kaibigan.   "Ang problema baka hindi naman yun ang purse ko. Baka kamukha lang. Kailangan ko ng malaman as early as possible kung 'yun nga para magawan ko na ng paraan ang paghahanap." Pagpupumilit nito.   "So why me?" Sarkastiko niyang tanong.   "Why you? Three reasons. First, best friends tayo. Second, ikaw ang pinakamalapit sa Taguig. Third, may sasakyan ka. Ayoko nang mang-abala pa ng iba. So please Stef..." he heard how she softened her voice.   He sighed. "Hazel. Wala na akong plano pang bumalik sa bar na iyon. That was the first and the last time. Tutulungan kitang mapalitan ang mga ID mo. Ako ang magre-report sa bangko ng credit card mo. Wag lang akong pumunta ulit sa lugar na iyon."   "Steeeeef! Stefan naman eh! Waste of time lang 'yon kung sakaling purse ko nga 'yon! Please Stef! 10pm ang bukas ng bar. Pumunta ka ng exact time. Late naman pumupunta ang may-ari dun di ba? For sure hindi mo siya mae-encounter. Sobrang destined naman kayong magtagpo kung magkikita na naman kayo mamaya. Please Stef ah! Aasahan ko yan!" Saka nito binaba ang phone.   Naitapon naman ni Stefan sa ibabaw ng kama ang kanyang telepono. "Napakaburara kasi!"   Wala na ngang siyang naging choice. Naka-polo shirt at shorts lang siyang pumunta sa bar. He was so vigilant to the surroundings. Baka kasi naroon na si Andrei. Nakapasok siya sa reception at nakapagtanong sa lost and found. Confirmed! Iyon nga ang coin purse ni Hazel. Nagmamadali siyang lumabas ng bar upang makauwi na.   "What are you doing here?"   What the f**k! Sa dami nang makakasalubong niya palabas ay si Andrei pa. Papasok naman ito ng bar.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD