Chapter 71: Let Him Go "A- andrei ako 'to. Ako ang boyfriend mo. Maniwala ka naman sa akin oh. Pakinggan mo 'yang puso mo." Walang tigil na ang pagpatak ng luha ni Stefan. He was like begging for Andrei's love. Hindi niya akalaing amnesia ang magiging epekto nang nangyari rito. Paano niya ngayon ibabalik sa puso't isipan ng nobyo ang relasyon nila, ang pag- ibig nito para sa kanya. "Shut up! What do you mean I'm gay? Pwede ba wag mong ipilit ang mga ganyang bagay! Nakakadiri ka eh! Hindi ako bakla! Tumigil ka na! Kung anumang kahibangan 'yang mga nalalaman mo stop it please. Stop it right now hangga't nakakapagpigil pa ako. At please lang din, get out. Get out of my life. Ayoko na uling makita ang mukha mo at marinig yang kahibangan mo." Humarap ito sa ama at kay Aleya. "Dad. Aleya. Plea

