Chapter 70: A for Amnesia Isang linggo na mula nang ipasok sa ICU ng St. Lukes Medical Center, Taguig City si Andrei ngunit hindi pa rin ito gumigising. Walang sawang nagbantay naman si Stefan at nag- abang sa muling paggising ng kasintahan. "Kuya Stefan, uuwi na kami daddy. Are you sure maiiwan ka ulit dito?" Tanong ni Aleya. "Ingat kayo pauwi. Hihintayin kong magising si Andrei. Gusto ko, ako 'yung unang taong makita niya pag- gising niya." Matamlay niyang tugon habang hawak ang isang kamay nito. "Stefan, you should also take care of yourself. Hindi magugustuhan ni Andrei kapag nalaman niyang ganyan ang ginagawa mo." Saad naman ni Antonio. "Okay po." Matipid niyang tugon. "Una na kami kuya." Pagpapaalam ni Aleya. "Bye. Ingat." "Anak narinig ko 'yung sinabi sayo ni Sir Antonio." D

