Chapter 28

1293 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 28: Hello: Last Hello "Huh? S- sure." Nauutal pa si Stefan nang sumagot kay Andrei. "Thanks see you there." Tinapik lang siya nito sa balikat saka ito kagyat na umalis upang lapitan ang iba pang naroon at bago balikan ang asawa. Sinundan niya ito ng tingin. He was very manly, looks gentleman and sophisticated with his barong. Saka siya kinurot sa tagiliran ni Hazel. Muntik na siyang mapasigaw. Mabuti nalang at natakpan niya ang kanyang bibig. "Ano ba Haze? Muntik na akong gumawa ng eksena rito ah. Pasaway ka." "Sorry naman Stef. Ano kilig much? Kinausap ka lang ng very very light kung makasunod ka ng tingin wagas na. Ano? Na- fall na naman?" Sarkastikong tanong nito. "Ano pa nga ba? Ngayon nalang ulit tinamaan ng ganyan yang si Stef. Ako nga binasted niyan eh." Komento naman ni Chester. "Talagang nahalungkat pa yung pambabasted kineso ko sayo no? Alam niyo kayong dalawa masyado kayong mapagbigay ng malisya. Ewan ko sa inyo!" Sarkastiko niyang tugon sa mga 'to. "Hey guys! Ano tara na?" Lumapit sa kanila si Monique at saka sila inaya. "Ano Stefan hindi ka ba talaga pupunta sa reception?" "Naku pupunta yan!" Mahina at natatawang tugon ni Hazel. "Ikaw ako?" Taas kilay niyang komento. "Bakit? Hindi ka sasama?" His friend teases him. "Alam niyo ang bagal niyo. Pumunta na tayo para makauwi tayo agad." Siya rin ang natalo kaya inanyaya na rin niya ang mga 'to. "Oo tara na! Para makasilay ka na!" Saka siya inakbayan ni Chester. "Silay? Sinong sisilayan ni Stefan sa reception? Ako ba Stefan?" Tanong ni Monique. "Wala akong sisilayan. Yang si Chester ang maraming sisilayan don!" Pagdating sa five star hotel kung saan ginanap ang reception ay hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon ni Andrei upang muling makapag- usap. Masyado itong abala sa programa kasama ang asawa. Gayunpaman ay hindi nawala ang mga mata niya rito. Nakamasid lang siya. Selos na selos. Pinapasakitan ang sarili sa presensya niya sa pagtitipong iyon. Ang pinakamagandang nangyari lang ay ang saglit nilang muling pag- uusap ng lalaki. Tumayo siya upang kumuha ng wine. Idadaan nalang niya sa inom ang lahat. "Hi." Ngunit hindi inaasahang tao ang nakasalubong niya't bumati sa kanya. Si Rhian, the newly wed wife of Andrei. Hindi siya kaagad nakasagot. Pinagmasdan na muna niya ang mukha ng babae. Maamo iyon. Maganda. Mukha rin itong mabait. Pagdating naman sa suot nitong mahabang wedding gown ay bagay na bagay dito. She looked classy and very elegant. "Hello. Congratulations and best wishes sa inyo ni Andrei." Pagbati niya rito matapos niyang mahimasmasan. "Thank you. Are you Andrei's friend? I saw you two talked when we were in the church?" He replied with full of sweetness. "Yeah. Bago palang kaming magkaibigan. I'm Stefan nga pala." Saka niya nagdadalawang isip na iniabot ang kanang kamay dito. "I'm Rhian. It was nice meeting you Andrei. Sana makilala pa kita ng personal. Kayong mga kaibigan niya." Saka nito kinuha ang kamay niya. She hold his hand very tight. Siya ang unang bumitaw. Sa loob niya alam niyang bitter at inggit siya sa babaeng ito kahit wala naman siyang karapatan. "Same here." Labas sa ilong niyang tugon. "By the way, can I ask you a favor?" Tanong nito. "Sure. Ano 'yon?" He replied. Saka siya napatingin sa direksyon ni Andrei. Nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Rhian. Pagkakataon na iyon upang mapalapit niya sa kanila ang lalaki upang muli silang makapag- usap. Wala na siyang pakialam kahit kasama pa nila si Rhian. "Ano 'yung favor mo?" Lumapit ito sa kanya saka bumulong. "Naipit kasi 'yung gown ko doon sa chair. Hindi ako makayuko. Pwedeng patulong? Pupunta kasi sana ako sa cr." "No problem." Tinanggal niya nga sa pagkakaipit ang sumabit nitong gown. Paano'y napakahaba niyon. Inalalayan na rin niya ang babae papunta sa cr. Ibinalik niya ang tingin kay Andrei ngunit abala na nitong nakikipag- usap sa mga bisita. Tila hindi nagtagumpay ang naisip niyang pagkakataon upang muli silang makapag- usap. "Thanks again and nice meeting you Stefan." Saad nito nang marating nila ang labas ng ladies room. "You're welcome. Gusto mo hintayin na kitang matapos? Alalayan kita pabalik." He offered. Syempre pa gusto pa rin niyang makalapit kay Andrei kaya siya nagpresinta. Hinawakan nito ang kanyang pisngi. "How sweet of you. Okay na ako. Papatulong nalang ako sa babaeng nasa loob pabalik. Thank you talaga. Sana talaga makasama ko kayong mga kaibigan ni Andrei very soon. Hindi 'yung ganitong maraming tao. Yung bonding moment talaga." Saka ito pumasok sa loob ng cr. Napanguso nalang siya. "Sayang." Natapos ang reception pero hindi talaga sila nagkaroon ng pagkakataong makapag- usap ni Andrei. He was too busy with other guests and to his wife. Nauna pang umalis ang mga 'to para pumunta sa kanilang honeymoon. Si Monique lang ang nakadaupang palad nito sa kanilang bilang kasama ito sa entourage. "Ngangey ka my friend." Panunukso pa ni Chester. Hinampas naman ito ni Hazel sa balikat. "Ako kasi nakarami. May nakuha pa akong sss at ig accounts sa mga rich kid na taga BGC raw." "Alam mo mukha ka na talagang jerjer Chester. Lumadlad ka na kaya baka mas makakuha ka pa ng mas marami." Saad ni Hazel. "Oh Stefan, sana kahit na- hopia ka ngayon at dahil nakapag- usap na kayo ng very light ni Andrei ay sana alam mo na kung saan ilulugar ang sarili mo. Magmove on ka na please. Ayaw ka naming nasasaktan. May asawa na 'yung tao oh. Kalimutan mo na ang kahit anong nararamdaman mo sa kanya." Saka naman nagseryoso si Hazel sa payo sa kanya. May punto naman ito. At least ngayon alam niyang okay na ulit sila ni Andrei. Mukhang hindi na rin tuloy ang plano nilang pagpapanggap kaya naman kailangan na niyang tuluyang makapag- move on. Lumipas pa ang mga linggo at buwan. Iyon na ang huling pagkakataon na nakapag- usap nila ni Andrei. Hindi na ito muling nagparamdam pa. Noong una ay nagcha- chat pa siya rito pero nagsawa na siyang umasa. Hindi na rin ito um- attend pa ng meeting para sa project nila sa bar nito. Palaging si Monique ang pumupunta. "Alam mo nak. Wag mo nang isipin si Andrei. Move on na please. Ilang buwan na ang lumipas oh. Tatlong buwan na mula nang matapos yung kasal." Sambit ng kanyang ina. "Opo ma. Kapag iniisip ko yung araw ng kasal niyang 'yon feeling ko sinadya niya lang akong papuntahin at kausapin para pasakitan eh. Iyon ang gusto niyang ipadama sa akin. Gago siya. Wag kang mag- alala ma dahil ngayon alam ko na. Wala na akong pakialam sa kanya. Nagising na ako ma. Tama na rin yung ganito. Napalitan na naman ng inis ang meron ako sa kanya. Dahil sa ginawa niya pati 'yung friendship na nabuo sa amin nawawala na rin." He replied in teary eyes. Nagpipigil lang siyang tuluyang maluha. "Hindi ko rin alam ang iinisip ni Andrei nak. Pero paasa at pa- fall siya. Pati ako napaniwala niyang ayos siyang tao. Tapos ganyan siya? Iiyak mo lang yan nak." Saka siya nito niyakap. Ayun naiyak na nga siya. Hindi na siya nakapagpigil pa. "Maaaa... I hate him. I hate him." Bulalas niya. "I hate him too nak." Ilang minuto rin silang magkayapa na mag- ina hanggang sa may ipayo ang kanyang ina. "Alam mo nak. Magbakasyon ka muna kaya. Mag- recharge ka. Pagbalik mo Stefan 2.0 ka na talaga. Naka- move on ka na talaga." "Hindi naman ako ma- travel na tao ma. Saan naman ako pupunta? Ang dami ko pang aasikasuhin kapag nag- travel at nagbakasyon ako." Tugon niya. "Sa Boracay! Hindi ba't niregaluhan ka ni Andrei ng VIP access sa isang hotel doon? Ayun bawas na sa aalahanin mo 'yun. Pakinabangan mo 'yung huling alaala niya sayo. Recharge. Unwind." Buti pa ang kanyang ina ay naalala ang regalong iyon ng lalaki. Napaisip tuloy siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD