Chapter 27

2028 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 27: Wedding: See You Again At ang marupok na si Stefan muling bumigay. Kaagad siyang bumangon at naghanap ng damit na pwedeng isuot para sa kasal ni Andrei. "Pwede na kaya 'to?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin sa kanyang aparador. Saka siya kumuha ng iba pang polo at muling tiningnan sa salamin. Nang makapili siya ay saka siya naupo sa gilid ng kanyang kama. "Tama bang pupunta ko? Isang message lang ba ang katapat ko?" Muli siyang nahiga at nagmuni- muni. "Parang kinain ko na ang lahat ng sinabi ko na ayokong pasakitan ang sarili ko kapag pumunta ako sa kasal ni Andrei kapag pumunta ka rin ako. Kaya wag kang pupunta Stefan. Wag kang shunga!" Saka siya bumiling sa kanan. "Pero hindi naman ibig sabihin na nandun ka Stefan ay wala ka ng chance na makapag- move on. Pwedeng pumunta ka to acknowledge his message. Na wala na sayo yung mga nangyari. At the same time mapapakita mong nag- move on ka na kahit na hindi pa talaga. Isa pa baka magpaliwanag na siya sa mga nangyari. It's about time to close that chapter and start anew. Pumunta ka na Stefan. Pumunta ka na." Saad na naman niya sa sarili saka siya bumiling sa kaliwa naman. Para siyang iniihaw na isda sa likot niya sa kama habang nag- iisip ng tamang gawin. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Napasarap na naman siya't tinanghaling magising. Masaya ang tagpo sa loob ng simbahan. Sobrang saya ng lahat sa kasalang Stefan at Andrei. It was an event full of love. Si Taylor Swift mismo ang naroon upang kantahin ang wedding song nila. My love was as cruel as the cities I lived in Everyone looked worse in the light There are so many lines that I've crossed, unforgiven I'll tell you truth, but never, "Goodbye" I don't wanna look at anything else now that I saw you I don't wanna think of anything else now that I thought of you I've been sleepin' so long in a twenty-year dark night And now I see daylight, I only see daylight Luck of the draw only draws the unlucky And so I became the butt of the joke I wounded the good and I trusted the wicked Clearin' the air, I breathed in the smoke Maybe you ran with the wolves and refused to settle down Maybe I've stormed out of every single room in this town Threw out our cloaks and our daggers because it's morning now It's brighter now, now I don't wanna look at anything else now that I saw you (I can never look away) I don't wanna think of anything else now that I thought of you (Things will never be the same) I've been sleepin' so long in a twenty-year dark night (Now I'm wide awake) And now I see daylight (daylight) I only see daylight (daylight) "Today I say, "I do" but to me that means, "I will". I will take your hand and stand by your side in the good and the bad. I dedicate myself to your happiness, success, and smile. I will love you forever. I love you." Saad ni Andrei para sa kanya for their wedding vows. Kinilig naman ang lahat. "Ang  cheesy mo ah. Ako rin may naka- ready no." Saka niya pinisil ang ilong ng mapapangasawa. "I choose you and I choose to wake up with you as my husband for the rest of our lives. I share my laughters with you, I will share my tears with you. My mind, my body, my heart and my soul. We will face a lot of challenges that's for sure. But we will overcome all of them because our love is bigger than them. I love you." Saad ni Stefan. "Andrei and Stefan. You may now kiss your husband." The priest said. Walang anu- ano pa... ay nagising na si Stefan mula sa napakagandang panaginip na iyon. "Panaginip lang pala. It's a sign na ba na pumunta ako?" Saka niya tiningnan ang oras sa kanyang phone. "Shet shet shet! Pass 8AM na! 10AM ang kasal! Pupunta ko eh!" Dali- dali siyang naligo at nagbihis. Hindi na niya nagawa pang mag- almusal pa upang hindi ma- traffic kahit na Sabado ay walang kasiguruhan sa Metro Manila. Gawa na ang kanyang sasakyan matapos mabangga. Hindi naman niya kailangang mag- taxi o grab. Sa Manila Cathedral ang kasal. "Good morning ma! Aalis na po ako!" Saad niya sa ina na naghahain na sana ng almusal. "Saan ka pupunta? Sabado ngayon nak walang pasok. Pero teka, parang hindi naman pang- opisina ang suot mo. Mas parang dadalo ka ng... kasal? Wag mong sabihing?" Punung- puno ng pagtataka at katanungan ang mukha nito pero wala na siyang panahon pa upang magpaliwanag. Hinalikan nalang niya ang ina sa pisngi. "Bye na muna ma. Mamaya nalang ako mag- explain. Baka ma- late na po ako." "Bye nak! Ingat ka sa pag- drive!" Pagdating sa simbahan ay laking gulat nila Hazel, Chester at Monique nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito?" "What are you doing here?" "Anong ganap 'to?" Tanong ng mga 'to. "Bakit? Bawal ba? Invited naman ako ah!" Tugon niya. "Nakausap na namin si Andrei kanina. Magpakita ka muna kaya sa kanya bago magsimula ang kasal." Saad ni Hazel. "Kaya nga Stefan. Wait lang ah. Abay kasi ako. Kasama ako sa entourage. Tinatawag na kami. Excuse me lang. Nice to see you here!" Saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi ni Monique. "Sige lang Monique." Saka niya muling binaling ang pansin sa dalawang kaibigan na puno na naman ng panghuhusga ang mga tingin. "What?" "Hindi pala pupunta huh! Ayaw palang masayang yung pag- move on. Iba rin!" Sambit ni Hazel saka nakipag- apir kay Chester. "Nangibabaw pa rin ang pagiging marupok. Ano pa nga ba? Hahaha!" Dugtong naman ni Chester. "Alam niyo kung hindi lang tayo nasa loob ng simbahan baka kanina ko pa kayo napagbuhol na dalawa. Kagigil kayo eh!" Nagpipigil niyang tugon. "Talagang kami pa ang mabubuhol ah. Hiyang- hiya naman kami sa marupok naming friend." Pero hindi pa rin tumigil si Hazel. Akmang may sasabihin pa ito ngunit nagsimula nang umawit ang lalaking wedding singer. When your legs don't work like they used to before And I can't sweep you off of your feet Will your mouth still remember the taste of my love Will your eyes still smile from your cheeks And darling I will be loving you 'til we're 70 And baby my heart could still fall as hard at 23 And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Maybe just the touch of a hand Oh me I fall in love with you every single day And I just wanna tell you I am So honey now Take me into your loving arms Kiss me under the light of a thousand stars Place your head on my beating heart I'm thinking out loud Maybe we found love right where we are "Hindi Taylor Swift song." Napangiti siya. Hindi na ito panaginip. At hindi naman siya ang ikakasal. Si Andrei. Si Andrei na unang pumasok at naglakad patungo sa altar ng cathedral. Ilang sandali pa'y nahagip na siya ng paningin nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi umiwas ang lalaki ng tingin. Nagtitigan lang sila. Staring game. Hanggang sa ito ang naunang ngumiti sa kanya. Tama. Pinansin na siya nito. Hindi siya maaaring magkamali. Halos lumuwa ang kanyang dibdib sa bilis ng pagtibok. Hindi na naman niya kinaya. He missed that moment. Yung muling tingnan at ngitian ni Andrei. Lord. Nagkakasala po ako. Sorry po. Ang rupok ko na naman. Isang sulyap at ngiti lang okay na naman ako. Gaano karupok Stefan? Nagdasal siya dahil sa mahina na naman ang kanyang depensa. Kinurot naman siya sa kanyang tagiliran ni Hazel. "Aray ko naman Haze. Ano ba?" Pagsaway niya rito. "Ano ba? Ano ba? Ano ba Stefan?! Nakita namin 'yun. Nagkatitigan kayo at nagngitian pa. Ano crush mo na naman ulit? Let me just remind you Stefan. Nasa kasal niya tayo kaya marapat lamang na mag- move on ka na. Pinili mong pumunta rito pwes pasakitan mo ang sarili mo at gamitin mo ang tagpong 'to para makalimot dyan sa nararamdaman mo para sa kanya." Kung makapagsermon si Hazel ay daig pa ang pari. Pero may punto naman ito. "Oo na." Matipid niyang tugon. Nagtuluy- tuloy na nga ang seremonya ng kasal. Iginala muna ni Stefan ang paningin sa napakalaking simbahan. Halos mapuno iyon. Nasa bandang dulo na nga sila eh. Mukhang mayayaman at mga alta talaga ang naroon. "May tutol ba sa kasalang ito?" Tanong ng pari. Muli na naman siyang kinurot sa tagiliran ni Hazel. "Uy may tutol daw ba?" "Aray ko naman. Sira ka talaga. Ano 'to teleserye tapos bigla akong eeksena dyan sa gitna?" Pabulong at iritable niyang tugon sa kaibigan. "Why not di ba? At least nasabi mo ang nararamdaman mo sa kanya. Malay mo naman itigil ang kasal." Natatawang tugon ni Hazel at mahina itong nakipag- apir kay Chester. "Ewan ko sa inyo." Hanggang sa umabot na sa wedding vows ang seremonya. Puro bolahan lang ang mga lumabas sa bibig nila Andrei at Rhian. He felt it. Parang galing nga lang sa google o pinagawa lang ang wedding vows ng mga 'to. Hindi sweet. Walang emosyon. Iyon ang sa tingin niya. "Hindi ka ba magseselos? Grabe yung wedding vows nila. Nosebleed. Imbes na kiligin ako wala akong naintindihan." Bulong ni Chester. "Bakit naman ako magseselos? Isa pa hindi naman sweet yung messages nila sa isa't- isa. Wala man lang proof na gusto at kilala nila ang isa't - isa. Masyadong mababaw." Tugon niya. Para na naman siyang pinagitnaan ng dalawang demonyo dahil kina Hazel at Chester na walang tigil sa pagbulong. "Terey dapat may proof of purchase ka pang nalalaman dyan ah!" Tugon ni Chester. "I do." "I do father." Doon sa mga katagang iyon siya nakaramdam ng selos at kurot sa kanyang dibdib. Heto na't matatapos na ang kasal. "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." The priest said. Itinaas ni Andrei ang belo ni Rhian saka nga naglapat ang mga labi ng isa't- isa. Then the memories of that night came back. Yung gabing may nangyari sa kanila ni Andrei. Una niyang natikman ang mga labi nito. Tuluyan na siyang nilamon ng selos at sakit habang pinapanuod ang dalawa sa altar. Nagpapalakpakan ang lahat habang umiiyak naman ang kanyang puso. "Pustahan tayo. Ngayon nagseselos ka na." Bulong na naman ni Chester. This time, hindi na siya sumagot pa. "Uwi na tayo. Okay nang um- attend tayo." Pag- aya niya sa mga kaibigan. "Sorry Stef. Nag promise ako kay Monique na mag- stay ako sa reception eh." Tugon ni Hazel. "Sorry din Stef ah. Andami kong na- sight na yummy and rich fafa. Makakahalubilo ko lang sila ng bongga sa reception kaya pupunta rin ako." Mukha talagang lalaki ang klosetang si Chester. "Alam mo pa gold digger ka na unggoy ka! Bahala kayong dalawa dyan! Mabusog sana kayo sa reception." Inirapan niya ang mga 'to. "Ako mabubusog talaga. Hindi lang sa tiyan pero lalo na sa mata. Excited na ako." Nginusuan nalang niya si Chester. Malala na talaga ito. "Kasi naman Stef sabi mo kasi hindi ka pupunta. Ayan tuloy hindi mo rin pala kakayanin. Sana hindi ka nalang talaga pumunta para hindi ka nasasaktan." Hinawakan ni Hazel ang kanyang balikat. "Huh? Sino bang nagsabing hindi ko kakayanin? Kinaya ko naman ah? Natapos ko nga yung kasal eh. Sa reception ko nalang talaga ayaw pumunta. Okay na kong nakita ako ni Andrei." Tugon niya bago magpaalam sa mga 'to. "Oh siya una na ako ah. Kayo na ang bahala. Enjoy kayo roon." Ngunit hindi niya maintindihan ang tugon ng dalawa. Nakanguso ang mga 'to na parang may itinuturo. "Oh? Anyari sa mga labi niyo bakit ganyan?" Saka niya tumingin sa kanyang gawing likuran. Naroon si Andrei. Nakaabang. "Hi Stefan. Thank you for coming." Pagbati nito na may kasamang matipid na ngiti. "H- hello Andrei. You're welcome." Nauutal niyang tugon. After several weeks muli silang nakapag- usap. Roller coaster na naman ang kanyang puso aa bilis ng t***k. Noon nalang uli niya napagmasdan ng malapitan ang lalaki. Wala pa ring pagbabago sa itsura nito. "Punta ka sa reception ah?" Anyaya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD