Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 26: Moving On: We Don't Talk Anymore
"Mananampal ako ng gagong tao!" Saad ni Hazel nang makita ang ginawa kay Stefan na ni Andrei. Ang harapang pangdedma at hindi pamamansin nito
"Tama na Haze. Baka hindi niya tayo nakita. Hindi niya ako nakita." Pinigilan niya ito.
"Hindi nakita? Ako kitang- kita kong nakita niya tayo. Ikaw! Kinawayan mo siya pero dedma. Ano invisible tayo rito?" Nag- aalboroto sa galit ang babaeng kaibigan.
"Baka may powers na tayo at invisible nga tayo ngayon." Walang kwentang komento ni Chester kaya naman nabatukan ito ni Hazel.
"Ganyan talaga yang mamayang yan. Akala ko pa naman iba siya. Mabuti yung si Monique mukhang totoong mabait. Hindi katulad niyang Andrei mo. Tama lang na mag- move on ka na dyan. Walang kwentang tao yan." Nakakapit pa rin siya sa braso ni Hazel upang pigilan itong gumawa ng eksena at dahil nanghihina na siya sa mga pangyayari.
"Umalis na tayo. Ayoko na rito." Anyaya niya sa mga 'to.
"Pwede bang makaisang sampal lang talaga?" Huling hirit ni Hazel.
"Tama na Haze. Tara na. Doon na tayo sa kabilang pinto dumaan." Sinunod naman siya ng mga 'to.
Paglabas ng resto ay napaupo nalang si Stefan sa isang sulok. Doon siya umiyak. Sinamahan siya ng mga kaibigan. Niyakap. No words came from their mouth. Just warm embraces. No judgments. Just pure support from his truest friends. Nang mahimasmasan siya ay siya na ang nag- ayang umuwi.
"Tara?"
"Are you sure? Kaya mo pa bang mag- drive?" Tanong ni Hazel.
"Oo naman. Nawala na ang pagkalasing ko. Hindi naman nga ako nalasing eh. Tig- tatlong beer lang naman tayo." Tugon niya habang nagpupunas ng luha.
"Sure ka ah? Hindi naman sa alak ikaw distracted eh." Tinuro nito ang kanyang dibdib. "Dyan sa puso mong sugatan."
"Alam niyo okay na rin na nangyari 'to. At least nagising na ako sa katotohanan. Hindi ko na kailangang humopia. Makaka- move on din ako. You know me guys. Maliit na bagay lang 'to." Saka siya muling niyakap ng mga kaibigan.
Hindi na niya hinatid sa kanya- kanyang bahay ang dalawa. Bumaba na ang mga 'to along EDSA noong malapit na siya sa kanila. He was lonely as hell lalo na nung mag- isa nalang siya. Naging emosyonal na naman si Stefan.
"Ano bang ginawa ko sayo Andrei huh? Anong ginawa ko sayo para pasakitan mo ako ng ganito? Hindi ko naman hiniling na may mangyari sa atin ah? Ikaw 'yung nagpasimula noon. Tapos ngayon itatrato mo akong parang hindi ako nag- exist sa buhay mo? I hate you! Napakagago mo! You're such an asshole!" Akmang liliko na siya sa kanilang kanto nang hindi niya napansin ang isa pang sasakyan na mabilis ang takbo. Dagli niyang niliko ang manibela ng kanyang kotse upang maiwasan ang banggaan. Ngunit sa isang poste naman siya bumangga. Doon siya nawalan ng malay.
Pagmulat ng mga mata ni Stefan ay nasa loob na siya ng ospital. Sobrang sakit ng kanyang ulo.
"Naku nak gising ka na! Mabuti naman!" Agad siyang niyakap ng lumuluhang ina.
"May naputol po ba sa akin ma? Anong araw na po?" Tanong niya rito.
"Ten years kang coma nak." Tugon nito.
"What? Ten years?" Gulat na gulat siya sa sinabi nito.
"Joke lang nak. Sabado na ng umaga. Wala namang malubhang nangyari sayo. Wala rin namang internal bleeding. Yung sasakyan mo ang kumuha ng lahat ng damage. Pero wag kang mag- alala naitawag ko na sa insurance company. Sila na raw ang bahala. Okay ka lang ba may nararamdaman ka ba?" She answered while caressing his hair.
"Nakuha mo pang mag- joke ah ma. Maliban sa masakit lang ang ulo ko. Masakit din ang puso ko." His honest reply.
"Ano ba kasing nangyari? Defensive driver ka naman ah? Hindi ako makapaniwalang maaksidente ka. Sobranh nakainom ka ba?"
"Nakita namin si Andrei at yung mapapangasawa niya doon sa resto ba kinainan namin nila Hazel at Chester. Hindi niya ako pinansin ma. As in he ignored me. I know he saw me but he pretended as if I'm not there. Ang sakit ma. Ang sakit sakit. Dahil ba sa nangyari sa amin? Hindi ko naman yun hiningi ma eh. Hindi nalang sana niya binigay. Edi sana magkaibigan pa rin kami. Edi sana okay pa rin ang lahat. Sana hindi niya ako kailangang iwasan." Then he bursted into tears. Muli siya nitong niyakap.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. That's his way para sabihing wala lang yung nangyari. Tama ka na sana hindi nalang niya ginawa. Naiinis na ako sa kanya. Kasi hindi niya napanindigan 'yung mga napag- usapan natin. Heto siya't lumalayo sayo. Tahan na nak. Tahan na. Ito na panahon para kalimutan mo siya. Alam kong mahirap at nakakapanghinayang 'yung friendship pero siya na mismo ang gumawa ng hakbang para layuan mo siya." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayapos sa ina.
Kinabukasan ay nakalabas na rin siya ng ospital. Dinalaw pa nga siya nila Hazel at Chester. Wala siyang binayaran sa ospital na laking gulat niya. Lahat ay sinagot ng kanyang healthcare provider. Kahit si Monique ay mapabisita sa kanya.
"Paano mo nalaman ang bahay namin Monique?" Tanong niya rito.
"Sinabi sa akin ni Hazel. Kumusta ka na? Nakwento rin sa akin ni Hazel na magkaaway kayo ni Andrei?" Tugon nito na may kasama na ring na tanong. Napatingin nalang siya kay Hazel na pasmado na naman ang bibig.
"Ayos na ako Monique. Salamat. Hayaan mo na yung hindi namin pagkakaintindihan ni Andrei. Maiintindihan ko kung ipu- pull out niyo na ang kontrata sa amin." Tugon niya.
"Walang ganon pars. Ipu- push namin kahit anong mangyari ang kontrata at partnership sa inyo. May- ari rin ako ng A- List. Parang ang lalim naman ng pinag- awayan niyo? Nain- love na kayo sa isa't - isa?" Ang mga tanungan din ni Monique ay malaks maka- sapol. Napaubo nalang si Hazel at Chester sa background. Napalunok naman siya.
"Naku Monique hayaan mo na. Matatanda na kami." Hindi niya rin nasagot ng diretso ang tanong nito.
"Ayun na nga eh ang tatanda niyo na pero may mga awayan at tampuhan pang ganyan? Mabuti pa ay ayusin niyo na yan. Kasal na niya sa Sabado. Kailangang nandoon ka." May kung anong kurot sa kanyang puso ang narinig mula kay Monique. Yung broken na siya pero may mas maibo- broken pa pala. Napakasaklap. Pero syempre pa hindi na muna niya iyon pinahalata. Isa pa hindi siya umaasang iimbitahan pa siya ni Andrei sa kasal nito.
Sa mga sumunod na araw ay nagpagaling lang si Stefan pero pumasok pa rin siya sa opisina. Nagpakaabala siya upang makapag- move on.
"Okay ka na ba Stef? Seriously work agad? Baka kailangan mo pang magpahinga?" Hazel asked him with concern.
"Oo naman no. Hindi na masakit ang ulo ko. Wala namang malubhang nangyari sa akin di ba?" Tugon niya habang patuloy sa ginagawa sa kanyang computer.
"Hindi naman 'yon ang tinutukoy ni Haze eh, Stef. Malubha yang pagkawasak ng puso mo." Iniwasan na nga niya ang paksang 'yon pero in- open up pa ni Chester.
"Alam ko naman 'yon eh. Pero ito yung paraan ko para makapag move on. Okay sa aking magpakalunod sa trabaho. Wag niyo akong intindihin." Paliwanag niya.
"Are you sure?" Paniniguro ni Hazel. Tumangp lang siya saka nagbigay ng pilit na ngiti. "Wag kami Stef. Noong nakaraan naaksidente ka dahil sabi mo okay ka. Baka lalong may masamang mangyari sayo kapag pinipilit mong maging okay." Dugtong ni Hazel.
"Believe me." Tiningnan niya sa mga mata ang mga kaibigan. "This is my way of moving on. Isang araw magigising nalang ako na okay na ako. Sa ngayon, oo wasak na wasak ang puso ko pero kailangan kong magpatuloy hindi ba?"
Napabuntong hininga nalang ang kanyang mga kaibigan saka siya niyakap ng mahigpit.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang araw bago mag Sabado. Bisperas ng kasal ni Andrei. Humahangos na pumunta sa kanya sina Hazel at Chester.
"Ang ingay niyo. Office 'to oh. Kung makatakbo wagas. Wala kayo sa labas." Supladong saad niya sa mga 'to.
"May kailangan kang makita Stef!" Hinihingal na saad ni Hazel.
"Ano?" Saka nito pinakita ang tatlong card. Binasa niya iyon. Wedding invitations para sa kanilang tatlo para sa kasal ni Andrei. "Totoo ba 'to?"
"Hindi joke lang. Pina- print lang namin yan ni Chester. Kita mo naman ang sosyal di ba? Hindi namin page- effort- an yan ni Chester para lang i- prank ka. Invited tayo sa kasal ni Andrei." Sarkastikong tugon ng babae.
"Nakikipag- reconcile na siya sayo Stef. This is it na!" Dugtong ni Chester.
"Sa tingin niyo ba dapat akong pumunta?" Matamlay na tanong niya.
"Oo naman. Ibig sabihin kino- consider pa rin niya ang pagkakaibigan ninyo. Kasal niya 'yun eh tapos inimbitahan ka. Ibig sabihin non gusto niyang maging saksi ka ng espesyal na araw na 'yon." Tugon naman ng kaibigan.
"Yun ba talaga? Baka naman inimbitahan ako upang pasakitan. Kapag pumunta ako roon yung pinaghirapan kong pag- move on nitong mga nakaraang araw ay masasayang. Masasayang dahil manunumbalik ang sakit. Kaya ayoko. Hindi ako pupunta. Kayo nalang. Ipakita niyong kahit na may hindi kami pagkakaintindihan ay naroon pa rin kayo para sa kanya. Makikipagtagpo lang ulit ako sa kanya kapag alam kong wala na akong nararamdaman para sa kanya." His honest response.
"May point ka naman dyan Stef. Wag na nating siyang pilitin." Saad ni Chester.
"Pero dahil hindi ka pupunta hindi na rin kami pupunta." Sambit ni Hazel.
"No! Pumunta kayo please." Pakiusap niya.
"Bakit pa? Boycott na kami sa kasal niya. Bahala siya don!" Pagmamatigas ng babae.
"Paano kung maging okay na ulit kami as friends? Maaalala non na kahit kayo hindi pumunta sa kasal niya." Kunyaring dahilan niya pero gusto niya lang na maging mata ang mga kaibigan sa kasal ni Andrei.
"Kaya nga Haze. Pumunta na tayo. May naka- ready na akong isusuot. Feeling ko marami ring gwapo doon di ba? Maraming alta na daks. O kaya baka may afam na. Bilang mayaman sila. Tsaka for sure nandoon si Monique. Eh friend din naman natin 'yon. Kaya go na tayo." Paliwanag ni Chester. Kahit iba ang dahilan nito ay mukhang nakatulong naman sa pangungumbinse kay Hazel.
"Okay fine. Sige pumunta tayo. Buti nalang din may isusuot ako."
"Ay iba rin kayong dalawa no? Minsan di ko alam kung paano ko kayo naging kaibigan. Yung totoo? Hindi pupunta pero prepared sa isusuot?"
"Ganoon talaga!" Sabay na namang tugon ng dalawa.
Pag- uwi sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina. May dala itong card. Ito ang parehong imbitasyon para sa kasal ni Andrei.
"B- bakit meron ka niyan ma?" Tanong niya.
"Pinadalhan ako ni Andrei. Ikaw ba?" Tugon nito.
"P- pinadalan din po." Saka siya dire- diretsong pumasok sa loob.
"Alam kong hindi ka pupunta. Hindi tayo pupunta. Tama lang 'yon nak." Agad na saad nito.
"Thank you ma for understanding. Pasasakitan ko lang ang sarili ko kapag nagpunta ako roon. Isa pa baka napilitan lang siyang imbitahan tayo matapos ang lahat ng nangyari." He sighed.
"Alam mo nak sa tingin ko hindi naman ganoon si Andrei. Parang sobra naman na 'yon. Baka naka- move on na siya sa mga nangyari. Pero alam ko naman nak na ikaw hindi pa. Kaya take your time. Hindi mo kailangang pumunta roon. Wag mo ngang pasakitan ang sarili mo." Saka siya hinawakan sa pisngi ng ina.
"Sige ma. Matutulog na ako. Gusto kong magpahinga agad ngayon." Humalik lang siya sa pisngi nito bago umalis patungo sa kanyang kwarto.
"Di ka na mag- dinner nak?"
"Kumain na po ako."
Pagpasok sa kanyang silid ay nagpalit lang siya ng suot saka na siya nahiga. Hindi naman talaga siya inaantok. Nakatitig lang siya sa kisame. Si Andrei lang ang nasa isip niya.
"Pakagago mo. Talagang in- invite mo pa kami sa kasal mo. Ibang klase ka rin eh no? Pabago- bago ka talaga ng isip at very unpredictable. Ano namang pakulo at nasa isip mo ngayon Andrei? Ano na naman 'to? Pero kakayanin ko 'to. Titiisin kita ngayon. Bahala ka sa buhay mo." Saka siya nagtakip ng kumot at pinilit makatulog. Gayon pa man ay hindi pa rin siya dinalaw ng antok. Nagpatugtog nalang siya. Nakita niya ang playlist na ginawa niya sa spotify ng mga kantang may kinalaman sa kanila ni Andrei. Binura na niya iyon.
Hanggang sa ilang sandali pa't may nag- message sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Punta ka bukas Stefan ah. Please. Alam kong mali ako sa lahat ng ginawa ko sayo nitong mga nakaraang linggo. Pero sana nandoon ka. Please. See you tomorrow." Saad ni Andrei sa mensahe sa kanya.