Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 25: Multo: Di Na Babalik
Pagkagising ni Stefan kinabukasan ay malawak ang ngiting nakapinta sa kanyang mga labi. He was happy. It was an after s*x glow. He felt his from within. Iginala niya ang mga mata sa kwarto ngunit wala na roon si Andrei. Iniligpit niya ang pinaghigaan saka siya lumabas ng silid. Wala na rin ito sa labas. Wala sa sala. Wala sa kusina. Wala rin kahit sa banyo.
"Nasaan na kaya si Andrei?" Tanong niya sa sarili. Saka naman tumunog ang kanyang phone. "Umalis na pala siya." Nagsabi itong nakaalis na para sa wedding preparation with Rhian. May hinanda na itong almusal para sa kanya. Itlog at hotdog, iinit nalang daw niya.
Matapos namnamin ang pagkaing inihanda ni Andrei ay umalis na siya sa condo unit nito. Pag- uwi sa kanilang bahay ay kaagad na nagkwento si Stefan sa mga nangyari sa kanyang ina.
"Ano?! May nangyari sa inyo ni Andrei?! May lagnat ka ba nak? May sakit ka ba?!" Hinawakan pa nito ang kanyang noo.
"Maaa... seryoso ako. May nangyari sa amin. He's gay! Sure na ako! May chance kami!" Bulalas niya.
"Wait lang nak. Kuha muna akong tubig. Di ko kinakaya." Tumayo ito at kumuha nga ng isang basong tubig. Pagbalik nito ay muli siyang tinanong. "Ano nak? Magbabago na ba yung kwento mo?"
"Maaa... ano di talaga maniniwala? May nangyari nga sa amin ni Andrei! Confirmed! Bading din siya! Hindi nga rin ako makapaniwala eh. Pero may chance kami ma." Pilit niya itong pinaniwala sa kanyang kwento.
"Nak naman kasi. Noong isang gabi lang nandito si Andrei hindi ba? Tapos may ganyang nang kaganapan. Baka naman panaginip lang 'yun nak. Baka nalasing ka lang ng malala at kung anu- ano na ang naiisip mo." Pero ayaw pa rin nitong maniwala.
"Haaay naku ma bahala ka nga dyan. Ngayon ka lang hindi naniwala sa akin. Alam ko ang mga nangyari. Hindi 'yun panaginip at hindi 'yun imagination lang na dulot ng alak. Nangyari talaga ang lahat ng 'yon." Kunyari'y nagtampo na siya rito.
Mas lumapit naman ito sa kanya upang hawakan ang kanyang mga kamay. "Hindi naman sa hindi naniniwala nak. Pero kilala mo si Andrei higit sa akin. Alam mong straight siya."
"Baka mali ako ma. Baka mali ako. Baka hindi ko siya naamoy. Baka hindi siya nasagap ng gaydar ko. Baka pareho lang kami." Tugon niya rito.
"Pero pwede ring ganoon nak. Ayokong umasa ka." Hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay. "Baka nadala lang din si Andrei ng mga pangyayari. Baka dulot lang 'yon sa kanya ng alak. Baka mas una niyang nahalatang bading ka kaya pinagbigyan niya ang gusto mo. Siya lang ang makakasagot ng lahat ng yan nak sa mga susunod na panahon. Pero ayokong ibaba mo ang depensa ng puso mo. Wag muna nak. Mahirap umasa at masaktan din sa huli."
Nakuha niya rin ang gustong ipunto ng kanyang ina. Hindi niya masabi rito na tuluyan na ngang nasira ang depensa ng kanyang puso. Na tuluyan na siyang nahulog kay Andrei. Dagli nalang niya itong niyakap.
Lumipas ang mga araw. Abala sa trabaho si Stefan bilang Assistant Manager na pero hindi nawala sa isip niya si Andrei at ang nangyari sa kanila lalo pa't hindi na ito muling nagparamdam pa sa kanya. Kahit "seen" sa kanyang mga chat o reply sa kanyang mga text ay hindi ito sumasagot. Tinangka niya rin itong tawagan pero hindi ito sumasagot.
"Stefan. Please remind Mr. Fabregas and Ms. Alonte to go here on Friday for the first product and services review of our project with them." Lumapit sa kanya ang kanilang boss na si Randy upang sabihin sa kanya 'yon.
"Okay po boss." Tugon niya. Mukhang magkikita na sila ni Andrei. Agad siyang nag- message dito pati na rin kay Monique.
Dumating ang araw ng kanilang meeting. Nagmamadali siyang pumunta sa conference room upang makita si Andrei. Iginala niya ang mga mata sa loob. Ngunit nabigo siya. Wala roon ang lalaki. Si Monique lang ang representative ng A- List Bar. Dahil hindi pa simula ng meeting kaya lumpait at bumeso ito sa kanya.
"Hi Stefan. Hindi makakapunta si Andrei huh. Busy na kasi sila sa wedding preparation ni Rhian. Kaya ayun." Bungad nito. "May problema ba kayong dalawa? Bakit pinasabi niya pa sa akin 'yon? Pwede namang diretsang sabihin niya 'yon sayo ah?"
"Huh? Baka dahil sobrang busy niya talaga." Pagmamaang- maangan niya.
"As if naman ganon siya ka- dedicated sa wedding niya no? Sure ka wala kayong problema?" Paniniguro nito.
"W- wala naman." Matamlay niyang tugon.
"Basta kung may problem kayo pag- usapan niyo ah. Super friends na kaya kayo. Wala na dapat makasira sa friendship ninyo. Sayang naman." Saka ito sumenyas na magsisimula na ang meeting.
Doon napatunayan ni Stefan na kapag may problema sa puso kahit gaano ka pa kasipag, katalino at ka- dedicated sa trabaho mo ay masisira ang lahat ng iyon. Wala siya sa sarili. Lutang. Habang nasa meeting. Hanggang sa mga sumunod na araw ay ganoon siya.
"Huy Stef!" Nagulat siya nang lapitan ni Hazel kasama si Chester.
"Oh! Kayo pala!"
"Tulaley ka na naman. May pinagdadaanan ka ba?" Tanong ng babaeng kaibigan.
"LQ kayo ni Andrei no? Wala kayong ganap eh. LQ?" Dugtong naman ni Chester.
"Kayong dalawa tigilan niyo ako. Paano magkakaroong ng LQ? Lovers ba kami?" Iritableng tugon niya sa mga 'to.
"Yun na nga eh. Hindi kayo lovers pero baka nagseselos ka dahil dun sa wedding nung tao. Nagde- demand ka ng time from him pero hindi niya 'yon mabigay. Kasi nga friends lang kayo. Meron siyang mapapangasawa. Ikakasal sila at iyon ang dapat bigyan niya ng atensyon ngayon." Isang matinding realtalk ang binigay sa kanya ni Hazel.
Alam naman niyang hindi mahal ni Andrei si Rhian. Napilitan nga lang din ito sa kasal. Pero baka tama si Hazel. Dapat pa rin nitong bigyan ng panahon ang paghahanda sa kasal. Anong malay niya, baka ma- fall din si Andrei sa mapapangasawa. Baka hindi na siya nito kailanganin pang magpanggap bilang nobyo. Baka hindi na niya dapat isipin pa ang nangyari sa kanila. Maybe his mother was right. Epekto lang 'yon ng alak at bugso ng damdamin noong mga sandaling 'yon. Straight si Andrei.
"Friday ngayon di ba? Gusto niyong mag- mall? Dinner tayo treat ko." Pag- aya niya sa mga kaibigan upang kahit papano'y malibang siya at tuluyang makalimot.
"G!" They replied in unison.
Sa Glorietta sa Makati sila nagpunta upang lumabas ng kanyang mga kaibigan. Sinamantala ng mga 'to ang treat niya kaya naman sa mamahaling resto pa nagpalibre ang mga 'to.
"Alam niyo sobrang sarap daw ng food dito. Ang ganda ng review sa social media. Tapos yung live band nila the best din daw. Pak na pak! Mage- enjoy tayo rito for sure." Saad ng excited na si Hazel kapapasok palang nila sa restaurant.
"Kapag kami di nag- enjoy talaga naman Haze ipapa- hazing kita!" Komento ni Chester.
"Ikaw talaga yung ma- hanash dyan? Ililibre ka rin naman dito."
"Oo nga pareho tayong ililibre pero ikaw ang nag- decide sa lahat ng gagawin natin ngayong gabi. May say ba si Stef? Wala naman di ba?" At talagang sa harap niya nagtalo ang dalawa.
"Pwede ba tumigil nalang kayong dalawa dyan. Okay lang naman sa akin kahit saan. Kumain nalang tayo." Pag- awat niya sa mga 'to.
"Heto kasing unggoy na 'to andaming hanash! Ililibre lang din naman!" Ayaw pa ring tumigil ni Hazel.
"Tama na Haze. Kumuha ka na ng menu at um- order. Make sure na masarap ang oorder- in mo." Utos niya rito.
Totoo ngang masarap ang mga pagkain. Noong una'y hindi niya ma- appreciate pero nang isipin niyang ginagawa niya iyon upang makalimot at nasarapan na rin siya. Kahit si Chester ay agree na rin sa naging choice of place ni Hazel. Pagdating naman sa music ay magaling nga ang banda. Maganda pa ang vocalist nito. Saktong pop and acoustics songs ang pinapatugtog ng mga 'to. Tamang emote upang makalimot.
"Ano hindi ba tayo iinom? May beer din yata rito oh?" Tanong ni Chester. Ngumuso lang si Hazel bilang tugon hudyat na siya ang tinuturo.
"Ewan ko lang. Ako bet ko. Para maitodo na natin 'to di ba? Kung may pinagdadaanan naman iinom yan." Kunyari'y komento ni Hazel.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Okay fine uminom tayo. Pero konti lang ah. Magda- drive pa ako pauwi." Pinagbigyan na niya ang mga 'to. O pwede rin namang pinagbigyan na niya ang sarili.
"Ano Stef? Hindi ka pa rin ba magkukwento kung anong nangyari? Manghuhula nalang ba kami?" Tanong ni Hazel.
He sighed. "Tama kayo. Masyado na akong umaasa na ma- reciprocate ni Andrei ang gusto kong mangyari sa friendship namin. He must be very busy with his wedding." Pagtatapat niya sa mga 'to pero wala pa rin siyang planong sabihin ang lahat lalo na ang nangyari sa kanila ni Andrei. Alam niyang dapat niya iyong ilihim kahit pa sa kanyang mga kaibigan. Sapat nang nasabi niya iyon sa kanyang mama.
"Ayun! Lumabas din ang totoo! May gusto itong kaibigan natin dun sa bago nating kaibigan na si Andrei." Bulalas ni Chester.
"Shut up na. Crush lang naman." Nakabusangot niyang tugon.
"Ang tanda na natin sa crush- crush na yan Stef! Ang sabihin mo tinamaan ka lang talaga kay Andrei!" Kung maka- kontra naman si Hazel ay wagas.
"Masisisi niyo ba ako? Gwapo at hot naman talaga si Andrei ah? Isa pa iba talaga yung meron sa friendship namin." Tapos may nangyari pa sa amim. Naalala na naman tuloy niya ang naganap sa pagitan nila na sana'y hindi nalang nangyari.
"Truelagen decolgen sustagen. Di kita masisi Stef! Hot talaga ni Andrei! Ako kahit tikim lang okay na!" Syempre pa sumang- ayon naman si Chester.
"So ano okay ka lang ba?" Hinawakan ni Hazel ang kanyang balikat.
"Oo naman. Wala naman akong karapatang mag- demand di ba? We're just friends. Ako ang may problema kasi nagkagusto ako sa kanya." Masakit mang tanggapin ay nasabi niya ang mga bagay na 'yon.
"Ganon na nga. Tama lang na lumabas tayo ngayon. At least nakapag- open up ka sa amin. Naku group hug nga! Matagal na tayong hindi nakakapag- group hug!" Saka naunang tumayo ang babaeng kaibigan upang yakapin siya. Sumunod naman si Chester.
"Salamat sa inyo ah. Salamat." He said habang nagbabanta na ang luha sa kanyang mga mata.
"Basta kung gusto mo ng makaka- jerjer nandito lang ako." Walang kwentang suggestion na naman ang lumabas sa bibig ni Chester.
"Kadiri ka talaga unggoy ka!" Saka siya umalis sa pagkakayakap ng mga 'to. "Tara na tawagin ko lang 'yung waiter kunin ko na yung bill natin." Akmang titingin siya sa kanyang gawing likuran nang pigilan siya ni Hazel.
"Ako na ang tatawag sa waiter." Saad nito habang pinanlalakihan siya ng mga mata.
"Aray ko naman yung leeg ko."
Binitawan siya nito saka ito nga ang tumawag sa waiter. Ngunit alam niyang may ayaw itong ipakita sa kanya kaya nang makakuha siya ng pagkakataon ay lumingon pa rin siya sa kanyang gawing likuran. Doon niya namalas sina Andrei at Rhian. Papasok sa loob ng restaurant. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Sa wakas makalipas ang ilang linggo ay nakita niya ang lalaki. He was still stunning as ever. Napapatigil pa rin nito ang kanyang mundo. Ngumiti siya at kumaway dito. Ngunit ang mga sumunod na naganap ay bumasag sa kanyang marupok na puso. Hindi man lang siya pinansin ni Andrei. Alam niyang nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit dedma lang ito. Daig pa niya ang multo na hindi nakita't nage- exist.
Sinabayan pa ng senti song sa background ng live band.
Kay tagal na tiniis
Kapiling ka kahit na masakit
Ngayon malinaw na kung bakit ka umalis
Nang makalaya na sa pait at hinagpis
Alaala na tumatatak
Luha na pumapatak
Kailangan nang punasan
Ito lang ang paraan
Patuloy lang sa buhay ko, limutin ang pag-ibig mo
At 'di na babalik, hindi na babalik
Pilitin mang ayusin 'to, ayoko na sa piling mo.
"Ganoon nalang ba 'yun Andrei? Ganoon nalang ba 'yun?" Natanong niya sa sarili. Saka tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.