Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story!
Chapter 45: Start of Consequences: Viral
Hindi kaagad nakasagot si Andrei sa tanong ni Stefan. Napabuntong- hininga ito at nag- isip. Sapat na 'yon para malama niyang nag- aalala ito. Hinimas niya ang balikat nito.
"Whatever it is Andrei sana lagi mong tatandaan na nandito ako huh? Pwede mong sabihin sa akin ang lahat. Isa pa no more secrets at team tayo. We can think of solutions kung sabay tayong tatalon at magtutulungan." He said to calm him.
Dagli naman siyang niyakap nito. Naghiyawan ang kanyang mga kaibigan at ina sa di kalayuan.
"Thanks for reminding me about that. Nag- aalala lang ako. Para kasing hindi ako ready ngayon eh sa ire- reciprocate na reaction ni daddy. Hindi ito tulad noong sinuway ko siya sa pangarap ko. Noon kasi wala siyang alam na susuwayin ko na siya and I will pursue my dreams. Ngayon kasi nakauwi na ako't lahat pero wala akong kamalay- malay na alam na pala niya. Pero tama ka Stefan, we can do it together." Then he held his hands.
"Anuman ang gawin ng daddy mo kakayanin natin. Kakayanin mo. You are so brave Andrei. Remember that. You're brave enough to follow your dreams. And now you are brave enough to follow your heart." Then he kissed him in his lips.
"Nandito rin kami Drei! Love wins!" Sigaw ni Monique.
Dahil may pasok pa nga siya kinabukasan kaya naman agad ding umuwi si Andrei sa bago niyang condo sa Rockwell, Makati. Doon sila nakatira ni Rhian. Regalo ng kanilang mga magulang ang lugar.
..........
"Handa ka na ba Drei? Si Rhian ang una mong haharapin. Gusto mo samahan kita?" Saad ni Monique sa kanya nang malapit na sila sa condo.
"No need Monique. Thanks. Kung si Rhian madali lang siyang kausap. Gusto nga ring sumama ni Stefan eh para mas magkakilala at makapag- usap sila eh. Pero mas mabuting kami na muna ang mag- usap." Tugon niya sa kaibigan.
Kahit papano'y nawala na ang takot, pangamba at kabang kanyang nararamdaman dahil sa mga sinabi ni Stefan kanina. Kapag ito talaga ang nagsalita at nagbigay ng payo sa kanya ay kumakalma ang kanyang puso at utak.
Hinatid siya ni Monique hanggang sa parking ng condo sa basement nito. Kumunot ang kanyang noo sa nakita. Ang nakaparada niya kasing kotse ay basag. Tila sinadyang hampasin at pagbabatuhin ito.
"What the f**k?! Anong nangyari sa kotse ko?!" Bulalas niya.
"Nakakaloka! My God! What happened? Who did that?" Reaksyon naman ni Monique.
Paghinto ng sasakyan ay agad silang bumaba upang tingnan iyon.
"Who did this?" Tanong nito.
"Malamang pakana ni dad to. Gumaganti na siya sa nalaman niya." Tugon niya habang nanggagalaiti sa galit.
"Alam mo Drei I think I need to go with you. Mahirap na eh. Baka nandyan ang dad mo. Baka natunugan niyang dito ka unang pupunta." She suggested. Tumango naman siya.
"Wait. Pumunta muna tayo sa security ng condo. Let's check the CCTV."
Pagdating se security office ng condo ay walang matinong sagot na maibigay ang mga ito. Tila ayaw ng mga itong ipakita sa kanya ang CCTV footage sa gawing iyon ng parking area.
"So ayaw niyo talagang ipakita ang footage? Kung anu- anong excuse ang pinagsasabi ninyo!" Umiinit na talaga ang ulo niya. Pinipigilan lang siya ni Monique.
"Hindi naman po sa nagbibigay kami ng excuse sir." Tugon ng head of security.
"Hindi ba excuse yung pababalikin niyo pa ako sa mga susunod na araw dahil wala yung technical person ninyo? Mamahaling condo 'to. Ang dami niyo rito oh! Isa lang yung technical person niyo? Anong ginagawa niyo rito? Taga- nood lang sa mga nangyayari sa CCTV?" napakamot siya ng ulo. "Baka naman kasi nabayaran na kayo ng daddy ko. Hindi malabo hindi ba? Magkano ang binayad sa inyo? I'll double it para lang ibigay niyo sa akin ang lintil na CCTV footage na 'yan!"
"Drei calm down. Let's go na. Mukhang wala naman tayong mapapala rito eh. We should think of other ways to get justice." Saka siya sapilitang inaya palabas ni Monique.
"Tandaan niyo 'to ah!" Huling hirit niya sa mga security officer.
Paglabas ay huminto siya sa paglalakad. Tinawagan niya ang kanyang ama. "Hello dad."
"Wow! My gay son! Why are you calling me? After mong bigyan ng kahihiyan ang pamilya Fabregas at pamilya Valenzuela! Ang lakas ng loob mo! We are cutting our connections with you! Hindi mo ba napansin hindi kami tumawag sayo ng mommy at kapatid mo?! Because you're no longer part of our family!" Lumitanya agad ito sa kabilang linya.
"I don't even care! Matagal ko nang gustong mawalan ng connection sayo! Pero bakit kailangan mo pang ipasira ang sasakyan ko!" Tugon niya habang nagtatagis ang kanyang bagang.
"Hahaha! May sumira ng sasakyan mo?" Natatawang tugon nito sa kabilang linya.
"Please dad don't act as if wala kang alam."
"Wala talaga. Kung sino man ang gumawa niyan thank you sa kanya. Hindi sasakyan ang sisirain ko sayo Andrei. Buhay mo ang sisirain ko! Masyado kang sumail na anak! You're a disgrace to this family! Bakla ka!" Saka nito binaba ang phone kasama ang mga pagbabanta nito.
Napatingin siya kay Monique. "Walang kinalaman si dad sa nangyari sa sasakyan. Let's go." Anyaya niya rito.
Pinindot niya ang doorbell ng kanilang unit. Agad naman siyang nilabas ni Rhian.
"Hindi ka pwedeng pumasok Andrei. I'm really sorry." Bungad ni Rhian pagkasara ng pinto.
"What do you mean? Condo natin 'to."
"Binabawi na ito ng mga daddy natin. Sa katunayan ay nag- iimpake na kami ngayon. Nasa loob ang daddy ko. He might kill you kapag nakita ka niya. Noong nakita ko sa monitor sa loob na ikaw ang nagdo- doorbell sabi ko yung delivery man na pinag- order- an ko ng food ang excuse ko. Kaya please umalis ka na muna Andrei." Paliwanag ni Rhian.
"But we need to talk. I need to explain to you. Kahit na ganito ako pa rin ang ama ng magiging anak natin." He insisted.
"We can talk some other time Andrei. I'll text or call you nalang kung saan at kung kailan. Kapag medyo maluwag na. For now bantay- sarado ako nila daddy. At tungkol sa bata, ayaw ni daddy na gamitin pa niya ang apelyido niyo. Gusto na niya tayong i-annul. He wants me to file an annulment." Unti- unting humina ang boses ni Rhian habang sinasabi ang mga iyon. Tila ayaw siya nitong masaktan. But it was too painful. Mahirap i- filter ang mga narinig niya.
"What? Hindi niyo pwedeng ipagkait sa akin ang anak ko. Kailangan siyang makilala ni mommy. Kailangan niya akong makilala bilang ama." He was teary eyed already.
"I know Andrei. We can talk about it some other time. Magpalamig muna tayo. Our child is still in my womb. Marami pang pwedeng mangyari in the future." Saka siya nito hinawakan sa kanyang mga kamay.
"Paano kung isa sa mga mangyayarinsa future ay yung pagkamatay na ni mommy? I want her to meet her grandchild sa akin." Saka siya tuluyang naluha.
"Pinapangako Andrei na gagawan ko itong paraan. Yung relasyon lang natin bilang mag- asawa ang matatapos pero hindi yung pagiging ama mo sa anak natin. Makikilala ka niya at ang mommy mo. Okay ba 'yon? I promise that."
"Rhian! What took you so long?" Dinig nilang sigaw ng ama ni Rhian sa loob.
"Oh siya nakikiusap ako Andrei. Umalis na kayo."
"Drei let's go. Hindi mo kailangang magpadalos- dalos. Tara na. Baka ibang video naman ang mag- viral. Video kung paano ka papatayin ng daddy ni Rhian." Halos hatakin na siya ni Monique.
"Okay aalis na kami. Just one last question." Saka niya pilit na kinalma ang kanyang sarili.
"Ano 'yun?" Tanong ni Rhian.
"Ang daddy mo ba ang nag- utos na sirain ang kotse ko?" He asked.
"Oo. Actually hindi niya inutos. Siya mismo ang gumawa non. So please umalis na kayo."
Pagbalik sa kotse ni Monique ay hindi na niya napigilan ang kanyang galit. Sinuntok niya ang kanyang sariling mga hita.
"Tama na Drei. Tama na please." Saka siya niyakap nito.
"2014 na Monique eh. Bakit may mga tao pa ring kung magalit sa mga bakla o sa mga myembro ng LGBT akala mo isang malaking kasalanan na nabuhay kami? Bakit?!" Then he cried again.
Dinig niya ang pagtangis din ng kanyang kaibigan. "Iba- iba ang mga tao Drei. Magmula noon hanggang year 3000 siguro may mga tao pa ring hindi makakatanggap ng LGBT community. It will always be a fight for the community for them, for us to be fully accepted by this society."
"Pero alam mo kung ano ang pinakasakit doon? Iyon yung ipagkait nila sayo yung mga bagay na mahalaga sayo dahil bakla ka. Yung pamilya mo. Anak mo. Yung mga bagay na pinaghirapan mo. Deserve ko namang maging ama di ba Monique? Deserve ko naman lahat ng na- achieve ko sa buhay hindi ba?"
"Oo naman Drei. You deserve everything that you have right now. Alam ko rin na magiging mabuting ama ka sa magiging anak mo. I don't even doubt about it. Alam mo kung paano hindi mahalin ng isang ama. Kaya alam kong hindi mo gagawin sa anak mo ang mga ginawa sayo ng daddy mo."
Then they just cried. Yung halos wala nang tumulo. Pero masakit pa rin.
"I think we need to go. Kailangan mo na munang magpahinga. You need to recharge also. Marami ka pang laban na kahaharapin sa mga susunod na araw. You need to have a clear mind." Monique suggested after a while.
"Okay sige tara."
"Kila Stefan mo ba kita gustong ihatid?"
"No. Kailangang magpahinga ni Stefan dahil back to work na siya bukas. Ayoko na siyang istorbohin. Ihatid mo nalang ako sa condo ko. Gusto kong mapag- isa." Tugon niya.
"Sigurado ka? Baka kailangan mo ng kasama Drei. Pwede ka sa place ko. Hindi naman tayo pwede sa bar dahil hindi ka makakapagpahinga doon."
"Sigurado ako." Matipid niyang tugon.
Hinatid na nga siya ng kaibigan sa condo. Hindi na siya nakapagpalit pa ng suot. Agad siyang napahiga sa sofa. Tumatagos sa kisame ang kanyang tingin. Hindi niya namalayang pumapatak na naman ang luha sa kanyang mga mata. Para siyang nasa MMK o kaya sa Magpakailanman. Parang may malungkot na background music. Ang problema totoong buhay ito. Hindi na niya mapigilan ang bawat luha. Tumatangis na. Yung pagtangis kapag walang ibang taong nakakakita. Yung halos mayukot na ang kanyang mukhang.
"Aaaaaaah! f**k! f**k! f**k!" He was even screaming. He was in the middle of crying and releasing all the pain nang biglang tumunog ang doorbell ng pinto ng kanyang condo. "f**k naman oh! Disoras na ng gabi ay nang- iistorbo pa!"
Tumayo si Andrei upang harapin ang tao sa labas. Hindi na niya sinilip pa kung sino ito dahil gusto na niya itong kaagad na komprontahin at paalisin. "What the hell is your problem? Gabing- gabi na!" Saka siya natigilan nang makita kung sino ang nasa labas na pinagtaasan niya ng boses. "Stefan?" Saka siya nagpunas ng luha at inayos ang sarili.
"Andrei..." he told him in the most calming voice.
"S- sorry Stefan. Hindi ko akalaing pupunta ka rito. Gabi na. Dapat ay nagpapahinga ka na hindi ba? May pasok ka pa bukas. A- anong ginagawa mo rito."
"Tumawag si Monique. Sinabi na niya sa akin lahat ng nangyari." He replied.
"Ang daldal talaga ni Monique. Ayaw na nga kitang istorbohin eh." Napakamot siya ng ulo. "Tara pasok ka muna."
Pag- upo nila sa sofa sa kanyang sala ay nabalot ng katahimikan ang paligid. Walang umiimik.
"Hindi ka nakakaistorbo sa akin." Si Stefan ang bumasag ng katahimikan. "Team tayo di ba? Magkakampi tayo Amdrei. Anytime. Anywhere. Whatever the situation. Masaya. Malungkot. Nakakainis. Handa akong suportahan ka."
Hindi na niya napigilan. Muling pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi naman sa ganon Stefan. I used to be alone in solving my problems. And I really want you to take a rest. Gusto kong mapag- isa ngayong gabi. Yun lang naman."
Hinaplos nito ang kanyang mga kamay. "I respect that decision Andrei. We still have our own lives. We still have our own private space. Pero nag- aalala ko sayo. You should have give me a call para sabihin sa akin ang nangyari. Actually, yun din ang reason ni Monique kung bakit niya sinabi sa akin. Nag- aalala siya sayo. We just want an assurance na okay ka. Though hindi talaga. Na wala kang gagawang masama o pagsisisihan mo sa huli o ikakasakit mo at ng ibang tao. I just want to hear that. Kapag sinabi mo naman 'yun ay magtitiwala ako sayo eh."
"Thank you Stefan ah." Saka siya yumakap dito. Niyapos din siya nito nang ubod ng higpit. "Dito ka lang muna. Yakapin mo lang ako."