Chapter 46

936 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story! Chapter 46: Right by Your Side: What If? Nang sabihin ni Monique kay Stefan ang nangyari sa pagpunta nila sa condo nila Andrei at Rhian ay hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa condo nito. Nag- alala siya rito lalo pa't gusto nitong mapag- isa at hindi man lang nagsabi sa kanya. Baka kung anong maisipan nitong gawin. Nang sigawan siya nito pagbukas ng pinto ay alam na niyang sobrang bigat ng nararamdaman nito. Mas napatunayan pa niya iyon nang mag- usap na sila, nang umiyak ito at yakapin siya. "Ilabas mo lang yan Andrei." Bulong niya rito. "Hindi mo kailangang magkwento. Kung gusto mo nang mapag- isa kahit dito lang ako sa sala tapos doon ka na sa loob ng kwarto mo. Okay na ako doon. I will respect your privacy. Okay na akong malamang nandito ako malapit sayo. Para kung may kailanganin ka matatawag mo ako kaagad." "Just hug me tight. Just hug me Stefan." Tugon nito habang patuloy sa pagluha na parang isang bata na na- bully at walang kalaban- laban. Inabot din sila ng isang oras sa ganoong posisyon hanggang sa nakatulog na ito. Hiniga niya ang kasintahan sa sofa. Kumuha siya ng kumot sa kwarto nito saka ito binalot. Siya naman ay nakaupo lang sa baba ng sofa habang pinagmamasdan ang mukha nito. "Sorry Andrei huh? Kung hindi mo ako minahal ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Patawarin mo ako. That's another reason kung bakit ayaw kitang iwanan. May kasalanan ako. Involve ako eh. Ako 'yung nagpa- realize sayo na ganyan ka. Kaya hindi kita iiwan sa laban na ito." Hinawi niya ang buhok nito. "I love you Andrei." Doon na siya sa ibaba inabutan ng antok hanggang sa nakatulog na rin siya. Kinabukasan, magdilat ng kanyang mga mata ay nasa kama na siya ni Andrei sa loob ng kwarto nito. "Good morning." Pagbati nito. "Good morning." Tugon niya. Saka siya nito pinupog ng halik sa kanyang magkabilang pisngi, sa noo, sa baba, sa ilong at sa kanyang mga labi. "I prepared omelet, tuyo and fried rice. Gusto mo nang mag- breakfast?" Tanong nito. "Sure. Basta ba sasabayan mo ako eh." Tugon niya. Siya naman ang humalik sa pisngi, noo at labi nito. "Okay sige. Pero magmumog ka muna. Hahaha!" Biro nito. Inamoy niya tuloy ang kanyang hininga. "Mabaho ba talaga? Hahaha!" Saka sila sabay na kumain ng almusal. "Kumakain ka pala ng tuyo?" Tanong niya rito. "Oo naman no. Sarap kaya ng tuyo. Lalo na 'tong bandang tiyan. Favorite ko 'to!" Tugon nito saka kinagat ang tiyan ng tuyo. "Hahaha! Pareho kayo ni mama. Favorite ang tiyan ng tuyo." Sabay na rin silang naligo nang hubo't hubad. This time walang nangyari. Pinaliguan lang nila ang isa't- isa. Sinabon. Niluglugan. Magkayakap na nagbabad sa tubig. Could you be loved and be loved? Could you be loved and be loved? Don't let them fool ya Or even try to school ya! Oh, no! We've got a mind of our own So go to hell if what you're thinking is not right! Love would never leave us alone Ay, in the darkness there must come out the light Could you be loved and be loved? Could you be loved, wo now, and be loved? Love your brotherman (Could you be, could you be, could you be loved?) (Could you be, could you be loved?) (Could you be, could you be, could you be loved?) (Could you be, could you be loved?) Don't let them change ya, oh Or even rearrange ya Oh, no We've got a life to live They say, "Only, only Only the fittest of the fittest shall survive" Stay alive, eh Could you be loved and be loved? Could you be loved, wo now, and be loved? Say something (Could you be, could you be, could you be loved?) (Could you be, could you be loved?) Say something, say something (Could you be, could you be, could you be loved?) Say something (Could you be, could you be loved?) Say something, say something (Say something) Say something, say something (Could you be loved?) Say something, say something (Reggae, reggae) Say something (Rockers, rockers) Say something (Reggae, reggae) Say something (Rockers, rockers) Say something (Could you be loved?) Say something, uh Say something, come on Say something (Could you be, could you be, could you be loved?) Say something (Could you be, could you be loved?) Say something (Could you be, could you be, could you be loved?) Say something (Could you be, could you be loved?) Matapos nilang maligo, pagkabihis nila ay napansin ni Andrei na may mahigit sampung missed calls si Monique. "Ang daming missed calls ni Monique." "Bakit kaya? Tawagan mo na kaya siya." He suggested. "Sige- sige" saka nito tinawagan ang kaibigan. "Monique why are you calling?" Then he paused while listening to her. "Ano? Sige pupunta na kami dyan!" "Anong nangyari Andrei?" Tanong niya rito. "May mga pulis daw sa bar. Ipapasara ang bar. Kung anu- anong kasinungalingang kaso ang hinain sa amin. Isa lang ang may pakana nito. This time sigurado na ako. Si dad ang may kasalanan nito." Tugon nito. Mas bumigat tuloy ang kanyang loob sa nalaman. Nagmamadali silang naghanda upang kaagad na makaalis. Nang nasa sasakyan na ay hindi sila mapakali. Sasakyan niya ang kanilang ginamit ngunit si Andrei na ang nagmaneho. "Andrei... p- paano kaya kung tapusin na natin ang sa atin?" He suddenly asked him that question. Bigla nitong naitabi ang sasakyan. "What are you talking about Stefan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD