Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story!
Chapter 47: The Fight: Blackmail
"Naisip ko lang naman na baka yung paghohiwalay natin, yung paglayo natin sa isa't- isa ang solusyon sa lahat ng ito. Pinapahirapan ka ng pamilya ni Rhian. Ngayon yung dad mo nagsisimula na rin siya. Baka lang 'yung paghihiwalay natin ang solusyon para matigil ang lahat ng ito? Baka ako yung dahilan kung bakit nangyayari sa iyo ang lahat ng ito? Willing naman ang magpaubaya eh. Willing akong lumayo. Willing akong..."
Ngunit na siya pinatapos nito. "No. Walang lalayo. Walang magpapaubaya. That's my decision. Team tayo di ba? Kapag hindi mutual ang decision hindi iyon ang gagawin natin." Then he paused and just looked at him. "You used to encourage me to do bold things Stefan. Anong nangyari? Paano mo nasabi ang mga bagay na 'yon?"
Then tears fell from his eyes. "Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan. Kagabi noong nakatulog ka after mong umiyak naisip kong baka kasalanan ko ang lahat ng ito."
"It wasn't your fault. Pinili at ginusto ko 'to. Pinili, ginusto at minahal kita Stefan. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari at mangyayari palang. Sorry kung nakikita mong mahina ako. Pero lalaban ako Stefan. Iiyak pero hindi susuko. Mahihirapan pero hindi bibitaw. Lalo na kung alam kong nandyan ka. You are my new reason to live. Kayo ng magiging anak ko. Please don't give up on us."
He could hear his heart beating while listening to him. He reminded him the love they started and made. Hindi niya rin alam kung bakit niya naisipang sumuko at magpaubaya. "Sorry kung naging mahina rin ako. Thank you for reminding me Andrei."
"I love you."
"I love you too."
Then he kissed him on his lips. Mabagal. Madiin. Hanggang sa may kumatok sa bintana ng sasakyan. Isang traffic enforcer.
"Mga sir bawal pong pumarada rito." Saad ng enforcer.
"Okay boss. Paalis na po kami. Pasensya na po." Ito na ang tumugon saka muling pinaandar ang sasakyan.
Pagdating sa A- List Bar ay inabutan nilang nakikipagtalo si Monique sa mga pulis. Agad silang lumapit dito.
"Excuse me. I'm the co- owner of the bar. Let me see your warrant." Hinarap kaagad ni Andrei ang mga pulis. Inabot naman ng mga ito ang dokumento. Kaagad nitong binasa ang mga 'yon.
Lumapit naman siya kay Monique. "Anong balak nilang gawin?" Tanong niya rito.
"Tempory closure daw hanggang umuusad ang mga kaso. Wala namang basis ang mga kaso nila." Tugon nito.
"Tama kaya ang hinala ni Andrei na ang daddy niya ang nasa likod nito?" Bulong niya.
"For sure. Walang kasing sama ang dad ni Andrei. Kahit anak niya at sarili niyang dugo kaya niyang pahirapan. Wala siyang kwentang ama at tao."
Matapos magbasa ay binalik na ni Andrei ang mga dokumento. "Sige ho. If you need to put a barricade in our bar go ahead. Ang mga abogado na po namin ang sasagot sa mga kasong nakalagay dyan. Mga imbentong kaso na inutos sa inyo ng daddy ko. Alam naman naming mapapawalang- sala kami."
Nagsimula na ngang isara ng mga pulis ang bar. Habang nakatingin sila sa mga ito ay kinuha ni Stefan ang kanang kamay ni Andrei. Tinanganan niya iyon ng ubod ng higpit.
Pag- alis ng nga pulis ay ang pagdating naman ng kanyang amang si Antonio. Pumapalakpak pa ito.
"Holding hands while watching your bar to close? Sa loob kaya ng kulungan makakapaghawakan pa kayo ng kamay?. Malamang hindi na dahil maiiwan dito sa labas yang bakla kinarelasyon mo." Bungad ni Antonio.
"What a coincidence dad? Right after na mapasara ang bar ko ay dumating ka rito. It's just the second time na napunta ka rito right? Noong una noong opening nito para ipahiya mo ako. Tapos ngayong closing nito." Tugon ni Andrei saka ito lumapit sa ama nito habang tangan pa rin ang kanyang kamay. "But this is just temporary dad. Hindi mo ako matatakot. At wala kang karapatang yurakan ang pagkatao ni Stefan."
"Hahaha! So Stefan is the name of that faggot?" Mapanghusgang tugon nito.
"I told you to stop!" Akmang susuntukin niya ito pero pinigilan niya ang kasintahan.
"Hayaan mo siya Andrei. Inggit lang siya." Si Stefan na ang tumugon. Hindi siya magpapaapi sa ama nito.
"Inggit? Ako naiingit sa kabaklaan ninyo? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?"
"Naiinggit ka kasi malungkot ang buhay mo. Walang nagmamahal sayo. Pera lang ang mahalaga sayo. Yun po ang dahilan nang pagkainggit ninyo. Alam niyo po nakakaawa kayo. You're living a sad life. You have family but you have no love. You have money and that's the only possession you have." Hindi na niya napigilan pa ang kanyang bibig. Naramdaman naman niya ang suporta ni Andrei dahil mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
"How dare you?!" Akmang susuntukin siya nito ngunit pinigilan ng kamay ni Andrei ang kamao nito.
"Don't you dare dad. Kakalimutang ko ikaw ang ama ko."
"Kalimutan mo na talaga Andrei. Wala akong anak na bakla. Wala akong anak na suwail. Humanda kayo. Paparating na ang mga bagyong susubok sa inyo. Tingnan natin kung kaya kayong buhayin niyang pagmamahal na sinasabi niyo. I'll make sure na walang matitira sa inyo."
"Ano pong gagawin niyo sir?" Tanong niya. "Mag- iimbento po kayo ng iba pang kaso? Magbabayad po kayo ng mas maraming mga pulis para masira kami? Ganon po ba?"
"Oo. Lahat ng abogado babayaran ko para hindi kayo manalo sa laban na ito. Hindi lang 'yung mga pulis na nagpunta rito ang babayaran ko. Buong PNP bibilhin ko magdusa lang kayo." Nanggigigil na tugon nito.
"So totoo nga pong imbento lang lahat ng kaso at binayaran niyo ang mga pulis na 'yon?" Dugtong na tanong niya rito.
"Oo naman. Pera lang ang katapat ng mga 'yon. Tingnan niyo naman nasara kaagad ang lintik na bar na yan. Susunod na ang pagkakulong ng anak ko, ng dati ko palang anak."
"Napakasama niyo po."
"I know. And one more thing Andrei. Wala lang matatanggap na kahit isang sentimong mana mula sa akin. Hindi mo na rin makikita ang mga mommy at kapatid mo. You will have a living hell son. Be ready."
Mas lumapit pa si Andrei sa ama. "Let's see dad." Bulong nito.
Saka na ito umalis. Nagyakap sila ng mahigpit.
"Grabe kayo mga bakla ng taon! Ang tatapang ninyo! Napatiklop niyo yung dimunyu!" Komento ni Monique saka sumamang yumakap sa kanila.
Tiningnan ni Stefan ang kanyang phone na hawak niya sa kabilang kamay. "Hindi na niya makakanti pa si Andrei. Lalaban kami. Mamaya rin siya na ang susunod na magba- viral."
"Tara merienda. Ginutom ako don!" Anyaya ni Andrei.
"Ano? Tataba naman tayo niyan! Kakakain lang natin di ba?" Tugon niya.
"Edi tayo nalang ang magkaininan! Hahaha!"
"My ears! My virgin ears! Grabe ka Drei! Alam niyo mag- kainan nalang kayong dalawa. Tapos mag- dinner nalang tayo mamayang gabi. Isama niyo sina Chester at syempre si Hazel para malakad niyo ako sa kanya."
"Magkita- kita nalang tayo mamayang gabi. May lakad lang ako." Sagot ni Stefan.
"Saan ka pupunta? Iiwan mo ako? Wala akong bar oh. Uuwi na ako kaagad sa condo? Wala rin pala akong sasakyan." Tanong ni Andrei.
"Ang mabuti pa sumama ka nalang muna kay Monique. O kaya sa kanya ka magpa- drive. Mahalaga ang lalakarin ko Andrei." Sinabit niya ang mga braso sa balikat nito. "I'll do something for our fight. Tomorrow, magbubukas na muli ang A- List Bar."
"Kinakabahan ako sayo Stefan. Baka gawin mo 'yung sinabi mo sa akin kanina huh?"
"Of course not. Hindi tayo susuko rito." - Stefan.
"Si at least tell me kung saan ka pupunta?"
"Sa opisina lang. Surprise ko sayo ang purpose." Then he winked.
Pagdating sa opisina ay pinuntahan kaagad ni Stefan sina Hazel at Chester.
"Oh Stef! Akala ko ba emergency leave ka ngayon? Kasama mo si Andrei di ba?" Salubong ni Hazel.
"Guys I need your help. I need your technical expertise. Kailangan kong tulungan si Andrei upang tigilan na siya ng kanyang ama."
"What are friends are for kung hindi ka namin tutulungan. IT experts here we go!"
Kaninang kausap nila ang ama ni Andrei ay kinuha ni Stefan sa kanyang bulsa ang kanyang phone. Ni- record niya thru video ang lahat ng mga usapan at pangyayari. Kaya naman todo ang pagtatanong niya rito kanina upang mabulgar lahat ng baho nito. Na utos nito ang nangyari sa bar at nagbayad ito ng mga pulis. Ang sunod niyang plano ang i- upload online at mag trending ang video. Kayang nilang gawin iyon na magkakaibigan at hindi ein mate- trace ang kanilang ip address. Kahit na siya ang kumuha ng video ay hindi naman makakakuha ng ebidensya ang mga ito na siya ang nag- upload kaya hindi mababalik sa kanya ang kaso.
"Uploading na Stef. Mag- boom agad yan sa f*******: at Youtube. Grabe yung tags na nilagay natin. Magke- create kaagad yan ng buzz online. Yung mga dinagdag din nating notes siguradong hindi na niya kakantiin pa si Andrei." Saad ni Monique matapos pindutin ang enter button.
"Private pa yan no?"
"Yup. Sa mga computer palang ng kanyang empleyado mapapanuod ang video."
"Tatawagan ko na si Antonio Fabregas using our undetectable line to give him a heads up." Saka niya d- in- ial ang telephone number nito na nakita niya sa yellow pages gamit ang isang safety line. "May I speak with Mr. Antonio Fabregas?"
"This is his secretary. Who's this? You can leave a message and set an appointment." Tugon ng babae sa kabilang linya.
"I want to talk to him personally." He insisted.
"Hindi nga po pwede sir kung wala kayong appointment at schedule. His time is very precious. At isa pa hindi nga po kayo nagpapakilala eh."
"Look at your pc. Check the video that I sent to your email. Yan ang video na sisira sa amo mo. Kapag yan kumalat masisira ang kumpanya niya. Ikaw, mawawalan ka nh trabaho. Ipapakausap mo ba ako sa kanya o hindi?" Pananakot niya rito habang nagpipigil ng tawa sina Hazel at Chester.
"J- just a second sir. Mabilis lang po." Tila epektibo ang pananakot niya rito. Makalipas ang ilang minuto. "Sir kakausapin na raw po kayo ni Sir Antonio."
"Hello sir Antonio?"
"Putang ina mo! Sino ka? Ikaw yung Stefan na 'yon no? Bakit mo kinuhanan ang pag- uusap natin kanina? Ano 'to huh? You're blackmailing me?! Akala mo ba matatakot mo ako rito?" Mainit kaagad ang ulo nito sa kabilang linya.
"Ako nga ho. Pero makinig muna kayo sa akin. Nasa email na po ng lahat ng empleyado ninyo ang video. Kung hindi po kayo makikinig sa akin ay mapapanuod yan ng buong Pilipinas sa f*******: at youtube. Gagawa ng ingay sa news at masisira ang pangalan ninyo. Kung ako sa inyo makikinig kayo sa akin dahil walang ebidensyang ako ang nagpakalat ng video. Sigurado po 'yun. You cannot counter sue me. Ikaw lang po ang masisira rito. Malalaman ng lahat kung gaano ka kasama. Yung nagbayad ka ng mga pulis. Yung nag- imbento ka ng mga kaso. Yung wala kang kwentang ama. Na isa kang homophobic b***h!"
"Akala mo ba matatakot mo ako?! Mayaman ako! Mapera! Hindi isang tulad mong bakla ka ang magpapabagsak sa akin. Ipapapatay kita. Ang buong angkan pati mga kaibigan mo ay idadamay ko!"
"Afraid." Reaksyon nila Hazel at Chester. Naka- loud speaker ang telepono kaya naririnig nila ang usapan.
"Kaya ko ring bayaran ang media! Lahat!" Dugtong pa nito.
"Alam niyo po bang naka- connect sa isang satellite ngayon ang usapan natin? Satellite na gamit ng mga tv and radio stations sa bansa. We can send our conversation pati na yung video real time. Sobrang ganda pa mo raw po ang mga sinabi ninyo."
"Tigilan mo ako! Hindi ako naniniwala sayo!"
"You can tune in sa channel 69. Walang nangungupahang tv station sa channel na yan. Pero kasalukuyang naka- simulcast ang conversationa natin ngayon don. To see is to believe Sir Antonio Fabregas. Hindi po ako magdadalawang isip na i- broadcast yan sa iba pang tv stations. Doon sa mga tv stations na may nanunuod. Let me know po after watching kung ano ang desisyon ninyo."
After few minutes. "How did you do that? Anong klaseng tao ka? Hayup ka! What do you want? Tell me what you want! Tell me!"