Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story!
Chapter 51: A Father's Love: Last Moment
"Dok kumusta po si papa?" Agad lumpait si Relly Ann sa doktor. Nakasunod lang siya rito. Naroon din ang iba pang mga tao na sa tingin niya blood related sa kanya at sa ama.
"Tatapatin ko na po kayo. Maswerte na po kung tatagal pa hg weeks si Mr. Rodrigo. Lumalaban pa siya eh. Baka meron pa siyang hinihintay. Pero malaki ang tsansang araw o oras nalang ang itatagal niya. Sorry po. Excuse me." Tugon ng doktor.
Hinarap siya ni Relly. "Ikaw nalang ang hinihintay niya Stefan. Sila nga pala ang mga kapatid natin. Siya naman ang mama ko." Pinakilala muna siya nito sa kanilang mga kapatid at sa ina nito.
"Lucinda ang pangalan ko." Her mother held his hands. "Nice to meet you Stefan. Puntahan mo na ang papa mo."
Tumango siya. Marahang mga yapak ang kanyang ginawa. Huminga siya ng malalim nang hawak niya na ang knob ng pinto. Inikot niya 'yon sa binuksan. Tumambad sa kanya kaagad ang amang pinapalibutan ng kung anu- anong aparato. Tumingin ito sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay umiyak na ito. Siya naman ay nanatili sa kanyang kinatatayuan.
"Anak ko, Stefan. Aking panganay." Nasambit nito habang lumuluha at naghahabol sa paghinga.
Muling tumaba ang kanyang puso nang marinig ang mga katagang iyon sa ama. Hindi na siya nakapagpigil pa. Tears also fell from his eyes. Lumapit na rin siya rito.
"Anak Stefan." Kinuha nito ang kanyang mga kamay.
"P-papa." Nauutal niyang tugon.
Lalo pa itong naiyak nang tawagin niyang "papa".
"P- pwede ba kitang mayakap anak?"
Hindi na siya nagdalawang isip pa. Ngumiti siya bilang tugon. Saka siya mas lumapit dito upang yakapin ito. Ilang minuto silang nanatili sa ganoong posisyon habang sabay na lumuluha.
"Patawarin mo ako anak kung iniwan ko kayo ng mama mo. Patawarin mo ako kung naging walang kwentang ama ako. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako nagpakita sayo. Sinubaybayan ko ang paglaki mo anak. I'm very proud of you. Pinalaki kang maayos ng mama mo. Naging mabuting tao ka. Masaya na akong malamang you were raise well." He paused. "Mahal kita anak. Sa maniwala ka man o hindi, mahal kita Stefan. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na mayakapa ka at masabi ang lahat ng iyon."
Masakit pero hinaluan ng saya ang naramdaman ni Stefan. Masakit dahil bakit ngayon niya lang narinig ang paghingi ng tawad ng ama kung kailan nagbibilang nalang ito ng sandali sa daigdig. Masaya dahil naring niyang proud ito sa kanya at mahal siya nito.
"Paaaaaa.... pinapatawad na po kita. Mahal din po kita." Tugon niya rito habang humahangos.
Wala nang bumitaw sa kanila. Sinulit nila ang sandaling iyon. Pinunan ang maraming taon ng hindi pagkikita.
Una itong tumigil sa pagluha at lumuwag ang pagyakap. Ilang sandali pa'y narinig ni Stefan ang pagdiretso ng lifeline nito.
"No! No! No! Pa! Papa! Gising pa! Paaaaaaaaaaaa!"
Agad na pumasok ang iba pa niyang mga kapatid at ang asawa nito. Niyakap din nila ito at sabay- sabay silang lumuha.
Sa una at huling pagkakataon ay nayakap ni Stefan ang ama. Nasabi nila sa isa't- isa ang mga katagang ilang taon nilang itinago sa kanilang mga puso. Napunan ang pananabik na hindi nila inakalang kinakailangan pala nila. It was a moment of reconciliation. A moment of being at peace. Masakit man sa kanya pero alam niyang payapa na ang loob nitong magpapahinga. Gayundin naman siya. Kahit saglit ay naramdaman niyang mayroon siyang isang ama.