Chapter 50

789 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story! Chapter 50: Getting to Know: Huli na ba? Paguwi ni Stefan ay agad niyang kinausap ang ina. "Ma..." "Tungkol ba sa papa mo nak?" Naunahan siya nito. "Nakapag- usap kami kanina. Sinabi niyang nagharap kayo. Noong nasa Boracay ka dumating siya upang sabihing gusto kang makilala. Nakalimutan ko nang sabihin sayo nak dahil sa pinagdadaanan ni Andrei at kababalik mo lang din sa trabaho. Akala ko kasi pinagloloko na naman niya ako. Hindi ko inakalang babalik pa siya." "Ma..." hindi niya maituloy ang sasabihin. "Maysakit daw po siya. Malapit na raw po siyang mamatay." "AIDS ang sakit niya nak. Nasa critical stage na raw kaya ginusto ka niyang makilala bago siya mawala." Pagtatapat nito. May kung anong dumurog sa kanyang puso. Mas lalong gusto niyang makilala ang ama. He wanted to know him and to support him on his few years, months, weeks or days in this world. "Ma gusto ko po sana siyang pagbigyan na makilala ako. Gusto ko rin po sana siyang makilala. Ayoko pong dumating 'yung time na pagsisihan ko ang chance na ito." Pagpapaalam niya rito. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Madiin nito iyong tinanganan. "Alam mo nak kami ng papa mo ang may issue. Sa totoo lang kung iisipin ko ang tagal na rin naman non. Baka nga unconsciously napatawad ko na siya. Pero kayong mag- ama nak wala akong karapatang pakialaman ang relasyon ninyo. Siguro naitanim ko sa utak mo na magalit ka sa kanya dahil sa ginawa niyang pang- iiwan sa atin. Pero kung hinahanap ng puso mo ang isang ama ay wala naman akong karapatang pigilan 'yon. Tatay mo pa rin siya. Wala ka rito kung hindi dahil sa kanya. Kilalanin mo siya anak. Pagbigyan mo siya. Walang problema sa akin 'yon." "Thank you ma!" Dagli niya itong niyakap. "The best ka talaga!" "I know right!" Saka sila sabay na tumawa. Tuwing umaga ay inaabangan na niya ang pagbabalik ng ama. Ngunit isang linggo ang lumipad pero hindi na ito bumalik. Hanggang sa... "Excuse me. Ikaw ba si Stefan Sarmiento?" Isang babaeng tila kaedaran niya ang lumapit sa kanya paglabas niya ng bahay. "Yes ako nga. Sino sila?" "Ako si Relly Ann Muñoz. Ako 'yung panganay na anak ng papa mo sa sumunod niyang naging asawa." Ito pala ay kapatid niya sa ama. May pagkakahawig nga sila. "Alam ko kasing hinahanap ka niya. Kaso lang baka hindi ka na niya mabalikan." "Huh? Bakit?" Kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib. Labis siyang kinabahan. Natatakot siyang huli na ang lahat. Baka hindi na siya nito nahintay pa. "Naka- confine kasi siya ngayon. Baka gusto mo na siyang makita? Before it's too late." "Oo sige." Hindi na siya nagdalawang isip pa. Pumayag na siya. Nang araw na iyon ay hindi siya pumasok. Sasakyan na niya ang ginamit papunta sa ospital. Habang stuck sa traffic ay nagsimulang magkwento ang kanyang kapatid tungkol sa kanilang ama. Nalaman niyang mas matanda lang siya rito ng isang taon. "Pasaway at luko- luko si papa noon. Babaero. Sugarol. Marami pa tayong kapatid sa ibang babae. Ikaw. Tatlo kami kay mama. May lima pa sa tatlong ibang naging babae niya. Pero first love niya ang mama mo. Kaso lang na- fall din siya kay mama na one great love niya raw. Lagi nilang pinag- aawayan ang mama mo. Alam niya rin na anak ka niya noon pa man. Alam niya ang lahat sayo. Nakamatyag siya sayo sa malayo. Hindi ka lang niya magawang lapitan noon kasi nahihiya siya sa ginawa niyang pang- iiwan sa inyo. Pero lahat kaming mga sumunod niyang anak ay binuhay niya. Hindi niya kami pinabayaan. Dahil yun sa guilt na hindi ka niya naalagaan at nabuhay." Habang nagmamaneho ay hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. "Hanggang fifty years old siya nagtatrabaho siya as seaman. Kahit madalas na siyang magkasakit ay tuloy pa rin siya. High school at college students palang kasi ang iba nating mga kapatid. Gusto niyang mapagtapos sila. Kaso lang may HIV na pala siya noon. Baka sa dami nang nakatalik niya doon niya nakuha. Nang tuluyang bumigay ang kanyang katawan ay AIDS na pala ang kanyang sakit. Tinaningan na siya ng mga doktor. Binilin na niya sa akin yung mga kapatid nating nag- aaral pa. Ang huling gusto niyang mangyari ay makilala't mayakap ka." Umiiyak na rin ito at napatigil na sa pagkukwento. Pagdating sa ospital ay agad silang dumiretso sa kwarto nito. "Ate! Ate! Si papa!" Salubong sa kanila ng isa pang babae na malamang ay kapatid din nila. Hindi na niya maikilos pa ang mga paa. Huli na po ba ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD