Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story!
Chapter 49: New Decision: Second Chances
Matapos ang madamdaming dinner ay naisip nilang mag- party kahit Lunes ng gabi. Mabuti nalang at may bukas namang ibang bar kahit Lunes sa gawing Makati. Doon nila pinagpatuloy ang kanilang celebration.
"Tonight we're having fun for love and freedom!" Sigaw ni Monique pagpasok na pagpasok ng bar.
"Yeeeees!" They response while screaming at the top of their lungs.
If you want it, take it
I should have said it before
Tried to hide it, fake it
I can't pretend anymore
I only want to die alive
Never by the hands of a broken heart
I don't wanna hear you lie tonight
Now that I've become who I really am
This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more
This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more
You were better, deeper
I was under your spell
Like a deadly fever, yeah, babe
On the highway to hell
I only want to die alive
Never by the hands of a broken heart
I don't wanna hear you lie tonight
Now that I've become who I really am
This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more
This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more
Thought of your body, I came alive
It was lethal, it was fatal
In my dreams it felt so right
But I woke up every time
Oh baby
This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more
This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more
Todo sayaw at talon sila sa pinakabagong dance and motivational hit ni Ariana Grande. Kahit party song ang background ay tila sweet dance ang tugtog dahil magkayakap sila ni Andrei. Magkadikit pa ang kanilang mga noo. Sa kabila ng ingay ng paligid ay naririnig pa rin ni Stefan ang kanyang puso.
"Thank you for helping me to break free." Pasigaw na bulong nito sa kanyang tainga. Mabuti nalang at matalas pa ang kanyang pandinig kaya naintindihan niya iyon.
"Sabi nga sa kanta we are stronger that we were before. We are team right? Lahat ng babangga, giba!" Tila naintindihan din nito ang kanyang tugon kaya sabay silang tumawa.
Walang anu- ano ay sumagi sa kanilang paningin sina Monique at Hazel na naghahalikan. "OMG!" sabay nilang reaksyon. Saka sila sumayaw palapit sa mga ito upang sitahin ang mga kaibigan.
"What is the meaning of this?!" Tanong ni Andrei.
"Wala lang!" Mabilis na tugon ni Monique.
"Wala lang?! Ano nagtukaan lang for no reason ganon? Hazel pakamot ng labi ko gamit ang labi mo, ganon?!" Sarkastikong tugon ni Andrei.
"Okay fine! Nagtapat ba ako kay Hazel na I like her. Luckily she also like me. Kaya kami na!" Saka muling nagdampi ang labi ng dalawang babae.
"Congrats girls! Grabe hindi ako makapaniwala kasi alam ko straight si Haze. Pero no judgments we are so happy for the both of you." Pagbati niya sa mga 'to.
"Alam niyo yun hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko eh. Hindi ko alam na ganito pala ako. Si Monique 'yung nagparamdam sa akin na ganito pala ako. Nakakatakot but we need to try it." Saad naman ni Hazel.
"Love wins talaga!" Sigaw ni Chester. "Ako nalang ang walang lovelife!"
Naunang lumabas ng bar sina Stefan at Andrei. Plano na kasi niyang pumasok na talaga bukas. Hindi na rin sila uminom ng marami dahil ihahatid pa niya si Andrei sa condo nito.
"Ang ganda nang sinabi ni Hazel kanina no? 'Nakakatakot but we need to try it'. Parang ganon din tayo nagsimula. Ilang araw palang tayo pero ang dami ng pagsubok. Ang mahalaga hindi tayo natakot na sumubok." Saad niya habang magkahawak ang kanilang mga kamay papunta sa parking lot sa likod ng bar.
"Marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan for sure. Ilang araw palang ito ng road to forever natin eh. But we'll be on each other's side every step of the way." Then using his other hand he pulled him in his hips to kiss him in the lips.
Kinabukasan ay inurong na nga ng ama ni Andrei ang kaso laban sa bar. Good to operate na itong muli. Sa mga sumunod na araw ay nagpatuloy na ang kanilang buhay. Pinaayos na ni Andrei ang sasakyan nito. At tulad nga ng sinabi nito simula palang ng kanilang paglalakbay patungo sa 'forever' kaya marami pang pagsubok ang paparating. Pinaglalaban pa rin nitong makita ang anak kay Rhian kahit on going na ang kanilang annulment. Gumagawa na rin ito ng paraan kung paano makikipagkita sa inang maysakit. Samantala... isang umaga...
"Ma ang sarap ng breakfast!" Tumayo siya kaagad saka hinalikan sa noo ang ina. "Una na po ako. Ang dami naming deadlines this week. Kailangan kong makapag- out agad mamaya dahil magkikita pa kami ni Andrei kaya papasok na ako kaagad."
"Sige lang nak. Mag- iingat ka huh? I love you!"
"I love you ma!"
"Ah nak! Wait lang pala. May itatanong lang ako."
"Ano 'yun ma?"
Nag- iba ang timpla ng mukha nito. Tila hindi ito komportable sa itatanong. "Paano kung bumalik ang papa mo at sabihing gusto kang makilala? Anong magiging reaksyon mo?"
"Naku ma lumaki akong wala siya sa tabi natin. Pinagpalit niya nga tayo di ba? Wala na po akong pakialam sa kanya. Nakumpleto naman po ang buhay ko nang wala siya. Hindi na niya kailangang bumalik ma." Saka siya muling humalik sa noon nito at nagpaalam.
Paglabas niya ng bahay ay may isang lalaking humigit sa kanya. Tila kaedaran ito ng kanyang ina pero halatang maysakit ito. Mapayat ito at maputla. Umuubo rin ito.
"Yes po?" Tanong niya rito.
"Ikaw ba si Stefan Sarmiento?" Tanong din ang isinukli nito.
"Paano niyo po nalaman? Kilala ko ho ba kayo?"
"Ako 'to si Rodrigo Muñoz."
Naningkit ang kanyang mga mata. Tila narinig na niya ang pangalang iyon. Hanggang sa maalala niya kung sino ang pangalang iyon sa buhay niya. Ang kanyang ama.
"I need to go. Nagmamadali ho ako. Excuse me." Saka niya ito tinalikuran.
"Anak!" Tawag nito sa kanya.
Napatigil siya sa paglakad. May kung anong kumurot sa kanyang puso. Hindi niya akalaing may epekto sa kanya ang pagtawag sa kanya nito ng anak. He didn't thought it would break his heart. Nangulila rin pala siya sa isang ama na tatawag sa kanya bilang anak. Pero hindi niya iyon pinahalata. Nagpatuloy siya da paglakad. Wala na siyang pakialam dito. Hindi na niya ito kailangan. At least iyon ang gusto niyang paniwalaan.
"Anak maysakit ako. Mamamatay na ako. Gusto lang kitang makilala." Dugtong pa nito habang siya'y papalayo. Narinig niya pa rin 'yon.
Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Pinaghalong awa at pananabik ang kasama ng mga luhang iyon.
Kinagabihan habang kumakain sila ng hapunan ni Andrei ay wala siya sa sarili. Gumugulo sa kanyang isipan ang ama.
"Alam mo Stefan sobrang excited na ako. Nakapag- usap na kami ni Rhian. In two months time manganganak na siya. We will do everything para makilala ako ng bata. Gusto kong apelyido ko pa rin ang gamitin ng bata bilang ako pa rin ang ama niya. Ganito pala ang pakiramdam ng magiging ama ni Stefan. Nakakakaba pero grabe yung excitement. Gusto ko na siyang makita." Masaya at full of energy na nagkwento si Andrei habang siya ay puro ngiti at walang imik.
"Teka nga Stefan. Bakit wala kang imik dyan? May problema ba?" Napuna na siya nito.
"Hindi lang ako maka- relate. Wala kasi akong ama di ba?" He replied plainly.
"Ano ka ba okay lang 'yan." Hinaplos nito ang kanyang mga kamay. "Ako nga may ama pero hindi ko naman naramdaman na naging ama siya sa akin eh. Kaya gusto kong maging mabuting ama sa magiging anak ko."
"Kung dumating ba yung time na sabihin sayo ng daddy mo na tanggap ka na niya at gusto ka na niyang makasama babalik ka sa kanila at mapapatawad mo siya sa kabila ng lahat ng ginawa niya sayo?" He wanted to get an idea from Andrei mula sa sitwasyong binigay niya rito. An idea of what he's going to do now that his father is back.
"I will totally forgive him. Hindi ko man aminin I'm longing for his love. I just want him to understand me. Iba yung mga bagay na gusto ko at ito ako. Kaya kung dumating 'yung time na yon. I'll be very happy. Kumpleto na ako noon. Kumpleto naman na ako ngayon pero bahagi siya ng buhay ko eh. Kaya kung maayos kami, I'll be very happy."
He sighed. "My father is back." He suddenly told him.
"What? I mean anong sabi niya?"
"Gusto niya raw akong makilala."
"Kaya ka pala matamlay. Alam mo Stefan parehong naging malupit sa atin ang ating mga ama. 'Yung sayo nga lang naging malupit siya dahil hindi niya kayo pinanindigang pamilya niya at sumama siya sa iba. It's your decision kung papayag kang makilala ka niya. Hanapin mo dyan sa puso mo ang kasagutan."
"Alam mo ba sabi ko ayaw ko siyang makilala. I always told myself na I don't want to meet him anymore. Na kumpleto na ako. Pero kanina noong tinawag niya akong anak iba pala ang pakiramdam. At maysakit daw siya eh. Malapit na raw siyang mamatay." Tuluyan na namang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Si mama sobrang hate niya si papa. Papa. First time kong nabanggit ang salitang yan. Baka magtampo naman siya sa aking kung gustuhin kong makilala ang ama ko. Gusto ko kasi siyang pagbigyan lalo na kung mamamatay na siya. Kasi kapag wala na siya hindi na ako magkakaroon ng chance kahit na kailan."
Tinabihan siya nito upang yakapin. "Follow your heart Stefan. Follow your heart. Sa sandaling panahon nakilala ko na si tita Stella. Mabuti siyang tao. Alam kong maiintindihan ka niya in case gusto mong makilala ang papa mo. It's never too late. May chance pa kayong magkakilala. May chance pa na maging ama siya sayo. Don't regret this moment na hindi mo siya pinagbigyan."