Chapter 68: The Fall Kinagabihan ay nagkita- kita sina Stefan, Aldrin, Hazel, Monique at Chester upang pag- usapan ang naganap na pag- hack ng mga tauhan ni Segundo sa files nito. "Kinuha niya ang mga files para hindi iyon magamit sa kanya. Kinuha niya iyon para ibaon ang lahat ng ebidensya na magdidiin sa masasama niyang gawain." Sambit ni Stefan saka hinawakan ang kanang kamay ni Andrei. "Patawarin mo ako. Dahil sa ginawa nating pananakot sa kanya ay malamang gumanti siya sayo Andrei." "Wag kang humingi ng tawad Stefan. Kung hindi natin iyon ginawa ay baka hindi na nagkita sila mommy at Richard bago mamatay si mommy. Tama lang ang ginawa natin." Tugon naman nito. "Pero sa tingin niyo gaganti pa nga kaya si Mr. Valenzuela?" Tanong ni Chester. "More likely. Based dun sa sinabi niya ka

