"Bakit mo ipinahuli si Delia, Renzo? Nagsabi si Jayzee na isinama mo daw ang sekretarya niya sa mga kailangang imbestigahan ng mga pulis." "Because she is the one we are looking for, Dad. Siya ang may koneksyon kay Mr. Tan at siya ang nagpapalit ng mga piyesang ipinapadala sa aviation. Nagagamit lang si Einna dahil ang pangalan niya ang nakalagay sa lahat ng dokumentong lumalabas sa opisinang ito." "Is this the result of your own investigation?" Marahan siyang tumango. Wala siyang ginawa sa loob ng isang linggo kung hindi ang alamin kung may kinalaman nga ba talaga si Einna sana lahat ng nangyayari. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit nagawa nito ang paikutin siya sa mga palad nito. Kung pera lang naman ay mas mayaman ang mga Albano sa mga Tan. He opened Einna's laptop to search

